Dan's POV Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng araw na mawala sa akin si Hanna. Sa mga nakalipas na araw ay ginawa ko ang lahat upang makausap siya at muli kaming magkaayos. Ngunit mukhang huli na talaga ang lahat dahil sa itsura niya ay mukhang masaya na siya sa piling ni Rex. Masakit iyon para sa akin. Masakit na nagawa niya akong ipagpalit agad, na tila ba ay wala lang ako sa kaniya. Madali lang kalimutan. Pero kung ang palayain siya ay ang magiging rason para maging masaya siya, gagawin ko ang lahat para umiwas na sa kaniya. Ipapaubaya ko na siya. Palalayain ko na siya alang-alang sa ikasasaya niya. Masakit pero kailangan kong tanggapin na wala na kami. Na may iba na siya. Ginawa ko ang lahat upang kalimutan siya. Nagpakalunod ako sa alak at babae. Binalikan ko ang mga g

