Dan's POV Katatapos lang ng klase at nag-uumpisa pa lang mag-alisan ang mga classmates ko. Ang iba ay na nanatiling nasa room at may sari-sariling business. Samantalang ako ay nag-uumpisa nang magligpit ng mga gamit ko. Tumayo na rin ako pagkatapos kong magligpit ng gamit. Isinukbit ko ang aking bag sa balikat ko at saka ako naglakad pa labas ng room. Ala-una pa lang ng hapon at may susunod pa akong klase mamayang alas-tres. Hindi ko alam kung saan ang punta ko ngayon bukod sa cafeteria kung saan ako dapat magtatanghalian. Ngunit wala pa akong ganang kumain ngayon kaya naghahanap ako ng ibang lugar na pagtatambayan upang magpalipas ng oras. Nagtungo muna ako sa locker ko upang ilagay doon ang dala kong gamit. Busy ako sa pagpasok ng gamit ko sa locker nang biglang sumulpot si Shy sa li

