Hanna's POV Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga nalaman ko. Ilang beses akong tinext at tinawagan ni Rex ngunit ni isang tawag niya ay hindi ko sinagot. Inoff ko ang phone ko dahil sa mga tawag niya. Hindi ko matanggap na ginamit ako ng sarili kong kaibign para lang makapaghiganti siya sa lalaki na mahal ko. At nakipagsabwatan pa siya kay Rex para siraan si Dan at para magkagusto ako kay Rex. Noong una ay naghinala na ako. Dahil sa unang pagkikita nila ni Dan at dahil sa hinala ko noong nangyari sa festival. Pero inalis ko iyon sa isip ko dahil kaibigan ko siya, dahil may tiwala ako sa kaniya. Pero totoo pala talaga ang hinala ko. Ginawa nila akong mangmang. Akala ko nagbago na si Rex, may maitim pa rin pa lang binabalak. Nagsisisi akong nagpaubaya ako sa kaniya sa ilang gabi na

