Hanna's POV Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Paglabas namin ng university ay saka siya nag-drive nang dahan-dahan. Ilang beses akong huminga ng malalim upang kontrolin ang emosyon ko. Ayokong umiyak sa harap niya dahil alam kong na sasaktan siya kaysa sa akin. Iniisip ko na lang na wala ring patutunguhan kung iiyak ako dahil tapos na ang lahat. Kailangan ko na lang i-tama. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kaniya kahit hindi ko naman alam kung saan siya pupunta. Basta ang nasa isip ko lang ay kailangan ko siyang makausap. Pero hindi ko naman magawang magsalita ngayong kasama ko na siya at kami lang dalawa. "Saan mo gustong pumunta?" tanong niya. "Sa bahay mo," walang pag-aalinlangang sagot ko. Hindi ko alam pero ito agad ang pumasok sa isip ko at lumabas sa bibig k

