Hanna's POV "What are you planning?" tanong ng isang pamilyar na boses. "D-Dan," tawag ko sa pangalan niya. Agad akong napalunok nang muli kong idilat ang aking mga mata. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang mga labi namin ay isang daliri na lang ang pagitan sa isa't isa. Amoy na amoy ko ang mint flavor sa hininga niya dahil sa lapit namin. Seryoso siyang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nagpipigil ng hininga dahil sa mga titig niya. At sa dahilang wala siyang suot na pang itaas na damit. Medyo luminaw na ng aking paningin dahil halos dalawang minuto na rin kong nasa loob ng madilim niyang kuwarto. "Bakit ka nandito sa kuwarto ko?" tanong niyang muli. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya hindi na lang ako nagsalita. "Why are you following

