Hanna's POV Hinatid ko ni Dan sa bahay ng may ngiti sa aming mga labi. Halos hindi ako makatulog dahil sa sayang nararamdaman ko. Hindi ko na halos alam kung saan ko ilalagay ang sayang iyon. Pero... isang masamang balita ang agad na umalingaw-ngaw sa buong bayan. Isang balita na hindi ko inaasahang matanggap. Balitang ayaw kong paniwalaan... Maaga akong nagising para sa una naming klase. Agad napansin ni manang ang maganda kong gising dahil sa ngiti kong hindi maalis-alis sa aking mga labi. "Mukhang maganda ang gising ng alaga ko ha," puna niya pagkaupo ko. "May maganda bang nangyari sa alaga ko?" tanong niya na nakataas pa ang kilay at tila nanunukso. Kinagat ko na lang ang aking labi dahil sa ngiti kong hindi ko mapigilan. Hindi niya pa kilala si Dan dahil hindi ko pa naman siya na

