Hanna's POV Mabilis na lumipas ang araw. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng mawala si Monica. Pagkatapos mag-imbistiga ng mga pulis at suriin ang katawan ni Monica ay agad ding inilipad patungong america ang katawan nito. Sa US nila balak ilibing si Monica kung saan nila planong dapat tumirang buong pamilya. Namatay si Monica dahil sa laslas nito sa leeg at pagkaubos ng dugo. Pero ayon sa mga pulis, bago pa siya patayin ay ilang beses siyang nilunod sa tubig at ni rape. Apat na klaseng semen ang nakita sa loob ng puwerta ni Monica. Ibig sabihin ay mula ito sa apat na iba't ibang lalaki. Puro sugat din daw ang maselang bahagi ng katawan nito, tanda ng pagpilit sa kaniya. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead na makakapagturo kung sino ang gumawa no'n kay Monica. Ilang gabi akong w

