Hanna's POV Hindi ako pumasok sa klase ko dahil sa mga nalaman ko. Alam kong hindi ako makakapag concentrate sa pag-aaral kapag pumasok pa ako. Naghanap ako ng pinakamalapit na grab driver upang I hatid ako sa bahay. Nagtungo ako sa parking lot na tulala. Para akong zombie na naglalakad habang patungo doon upang hintayin ang grab driver. Pagkarating ko doon ay isang eksena ang hindi ko inaasahang makita. Nakita kong buhat-buhat ni Dan si Shy at isinakay ito sa kaniyang sasakyan. Umikot siya sa kabila upang magtungo sa driver seat at ilang saglit lang ay umalis din sila agad. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa nakita ko. Mukhang nakalimutan ko na may Shy pa nga pala sa buhay niya. Ni hindi ko nga rin alam kung sila na ba bago ako bumalik kay Dan. Hindi ko man lang siya tinanong.

