Monica's POV Three Weeks Ago. "Let's make it quick," bungad ko agad pagpasok pa lang sa restaurant na napag-usapan namin kung saan kami magkikita. "I have a date with my boyfriend. So, if it's about our business, I'm out. You can talk with my Dad abou-" Hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita. Agad niya na itong pinutol ng banggitin niya ang pangalan ng lalaki na matagal ko ng isinumpa. "It is about Dan." Nag-iwas ako ng tingin at saka ko kinuha ang menu na nasa harap ko. "Who is he? And what's with him?" maang-maangan kong tanong. Nakita ko naman ang pagngisi niya. Inabot niya rin ang menu sa kaniyang harapan bago siya muling nagsalita. "I know what happened two years ago. Alam ko kung ano ang relasyon niyo noon ni Dan. At alam ko kung paano ka niya pinaglaru-" "Stop!" sigaw ko n

