Hanna's POV "We are not done. So don't sleep," bulong niya sa tenga ko kaya agad akong napatingin sa kaniya. Nakangisi siya at nagkagat labi bago ako halikan sa labi. Isang mabilis lang na halik. Pagkatapos ay pumasok kami sa isang malaking kuwarto. Kilala ko ang kuwartong ito dahil ilang beses na akong pumasok dito noong magkaibigan pa kami. Kuwarto niya lang ito pero pang singkuwenta ka tao ang kasya. Para itong apat na kuwarto na pinagsama-sama. Ganon ito kalaki. Ang kama niya ay king size. Maraming gamit sa loob at may sarili itong sala at refrigerator. Pero kahit na ganon ay sobra pa rin ang laki nito. Nang ilapag niya ako sa kaniyang kama ay wala na siyang pinalagpas pang sandali. Agad niya akong hinalikan at pinagpatuloy ang ginagawa niya kanina. Hindi ko alam kung saan kumukuha

