Hanna's POV Tulad nga ng sabi ni Dan, paglabas namin ay wala ng mga estudyante. Lagot ako nito kila mommy, ano na lang ang sasabihin nila sa akin pagnalaman nila na hindi ako pumasok sa ilang subjects ko at sa pangalawang araw pa ng klase?! Haist! Siguradong pagagalitan nila ako. Baka hindi na nila ako pag-aralin?! Para akong maiiyak sa mga naiisip ko. Ano ba naman itong pinasok kong gulo? "Hatid na kita, Hann--" "Ikaw kasi!" sumbat ko sa kaniya ng tumigil ako sa paglalakad at harapin siya. "A-Ako? Anong ako kasi?" naguguluhan niyang tanong. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil wala siyang alam sa tinutukoy ko. "Hindi mo kasi ako ginising kaya hindi ako nakapasok sa mga subjects ko kanina! Kasalanan mo 'to!" bulyaw ko saka ako padabog na naglakad paalis. "Kita mo 'to, ang hilig t

