
Ang tao, ay laging nabubuhay sa maling paraan at mga kasalanan.
Wala ni isa sa mundo ang nabubuhay dahil siya ay perpekto, o dahil siya ay walang kasalanan. Lahat ng gumagalaw sa lupa ay may kanya kanyang kasalanan.
Minsan, hindi mo namamamalayan, na may nagawa ka na palang kasalanan na dapat mong pag bayaran sa mundo ng kailaliman.
Ang pag tunog ng musika ni kamatayan, ay isa sa mga dahilan kung bakit nadadagdagan ang trabaho ko.
Kadikit ng pangalan ko ang salitang 'karma'. Ako ang gumagawa ng karma.
Nasa tao yun, kung matututo sila ng kanilang leksyon o uulit sila sa pagkakamali nila.
Nasa kanila ang desisyon, kung ano ang pipiliin nilang landas, kung ang mapunta sa langit o ang maging isa sa mga alagad ko.
Pumikit ako saka tumingin sa taong kanina pa inaalis ang balat niya.
"Matagal pa ba yan?"inip kong tanong, natigilan ito at tumingin sa akin ng buong takot.
"O-opo." Umirap ako saka nag cross arms.
"Dumaing ka."sabi ko at tumingin sa iba na tinatanggal din ang kanilang nga balat.
Ako si Ksara Rocca, ang taga gawa ng karma at taga bantay ng mga nag kakasala.
~~~

