Hinintay kong magising ang tatlo, hindi ako natulog dahil naiisip ko ang mga salitang binitawan ni Alada sa akin. Tama si Alada, ang misyon ko ay gawing masama si Pavel at hindi para tulungan siyang maging hari. Ano naman ang pake-alam ko kung maging hari o hindi si Pavel? Nasa kanya ang desisyon kung gagalingan niya para maging hari siya. Huminga ako ng malalim saka nag isip ng plano kung paano ko sisimulang gawing masama si Pavel, hindi ko na iniisip ang simbahan na ngayun ay pupuntahan namin pagkagising nilang tatlo. Sa tansya ko, isang oras ang lalakarin at makakarating na kami sa simbahan, pero imbes na yun ang isipin ko ay ang misyon ko na ngayun ang iniisip ko. Napagtanto ko na sayang lamang ang aking oras sa pag iisip kung ako ang pwede kong gawin upang makalagpas at makadaan a

