Abyss Of Shadow 6

1336 Words
"Grabe ang ganda." Naka ngiting sabi ni Pavel habang nakatingin sa mga ilaw na nag sisilbing liwanag ng bayan, nag iiba ang kulay nito every 1 minutes. Naka sunod lang ako sa likod niya habang naka tingin sa kanya, para siyang bata kung umasta ngayun. Ito ang unang beses niyang makalabas sa palasyo, hindi na ako mag tataka kung bakit. "Tignan mo ito Yuniko, anong bagay ito?" Naka ngiting tanong ni Pavel habang nakatingin sa kalesa. Napa ngisi ako. "Kalesa ang tawag jan."sabi ko kaya napatingin siya sa akin. "Kalesa?" Tanong niya. "Bingi ka ba? Kakasabi ko lang diba? Pwede kang sumakay jan kung nais mo."sabi ko kaya nanlaki ang mata niya at biglang hinawakan ang kamay ko dahilan para kumunot ang nuo ko at muling makita ko na naman ang mga nakita ko kanina. "Tara sumakay tayo!" Agad kong inalis ang pagkakahawak ng prinsepe sa kamay ko, tumayo ako ng maayus saka tumingin sa kanya. "Eh di sumakay ka, ikaw nalang dito lang ako."sabi ko, kumunot ang nuo niya at natawa. "Ang KJ mo naman, tara na."sabi niya at bigla niya ulit akong hinawakan dahilan para makita ko na naman ang ilang imahe sa utak ko. Marahas kong tinulak palayo ang kanyang kamay sa akin dahilan para matigilan siya, ngumiti ako sa kanya at pilit na pinakalma ang sarili ko. "Sige, sasakay tayo sa kalesa pero hindi mo ako pwedeng hawakan, naiintindihan mo ba?"tanong ko, agad siyang tumango tango kaya napairap ako at sumenyas na mag lakad na siya. Bakit ba ganon ang mga nakikita ko? Sa tuwing hahawakan niya ako ay may mga imahe akong nakikita, imahe na para bang tunay na naganap sa nakaraan. "Grabe ang galing." Manghang sabi niya ng maka sakay kami sa kalesa, dahil sa maliit lamang ang space ay dikit na dikit ako sa kanya, nakaka bwiset. Tumingin ako sa kutsero na naka titig sa amin. Tumaas ang kilay ko kaya bigla siyang napa iwas ng tingin. "S-saan po tayo?"tanong nito, tumingin ako kay Pavel. "Kahit saan."sabi ko at napa irap saka binalik ang tingin sa kutsero. "Ilibot mo kami sa mga pinaka magagandang lugar dito sa bayan."sabi ni Pavel kaya napa irap ako. Siguradong matatagalan pa kami sa pag balik sa palasyo, bakit ba naisipan kong sabihin sa kanya na pwedeng sumakay dito? "Diba po, kayo ang prinsepe." Natigilan si Pavel sa sinabi ng Kutsero, napatingin siya sa akin, wala akong pake kung makilala siya ng kung sino sino dito, mabuti yun ng dumugin siya at pagalitan ng magulang niya. Isa pa, bahala siya mag isip ng palusot, ang trabaho ko ay gawin siyang masama hindi ang pag takpan siya. Kapag nag sinungaling siya sa kutsero na ito, may isa na siyang kasalanan. "Tulungan mo ako." Bulong niya, hindi naalis ang tingin ng kutrsero sa kanya, napairap ako. "Bingi ka ba? diba trabaho mo ang kontrolin ang kabayo? hindi ang mag tanong sa costumer mo." Sabi ko sa kutsero dahilan para tumingin na ito sa harap. "Isang karangalan po kamahalan na maisakay ka sa kalesa ko." Sabi nito kaya nagulat si Pavel, huminga ako ng malim para pigilan ang nararamdaman kong inis. "N-Nako, wag ka nalang sana maingay at kung pwede ay wag mong ipag sasabi na nakita mo ako." Sabi ni Pavel kaya naiyukom ko ang aking palad, kay hirap niya turuan kung paano mag sinungaling. "Masusunod, kamahalan." Sabi ng kutsero at sinimulang palakarin ang kabayo, narinig ko ang mahinang pag tawa ni Paavel habang nakatingin sa paligid "Tama ka nga Yuniko, ang ganda nga dito." Sabi niya saka tumingin sa akin, umiwas ako ng tingin saka ngumiti ng pilit. "Sinabi ko naman sayo, Tinatanggalan ka lang nila ng karapatan para maging malaya." Sabi ko saka tumingin sa paligid. Ang mga taong naririto, amoy na amoy ko ang mga kasalanan nila, ang bango sa aking pang amoy ng mga kasalanan na kanilang nagagawa. Napatingin ako kay Pavel na naka ngiti habang nililibot ang tingin. Maliban sa isang ito na wala manlang kaamoy amoy kahit unti, ang boring naman ng buhay niya kung wala pa siyang nagagawang kasalanan. Napangisi ako, may plano na ko. Tumingin ako sa paligid at pinag masdan ang mga taong may kanya kanyang ginagawa, kung hindi ko pa siya magagawang masama, ang paligid niya nang anag gagawin kong masama. Agad kong pinahinto ang kabayo dahilan para magulat ang kutsero namin at mapatingin si Pavel sa kutsero. "Ano pong nangyare?"Tanong ni Pavel sa kutsero na halatang kinakabahan. "Patawad kamahalan, hindi ko din po alam ang nangyare, kakausapin ko lamang po ang kabayo ko." Sabi nito kay Pavel saka bumaba sa kinakapuan niya, tumingin si Pavel sa akin. "Natural na nangyayare yun sa mga hayop." Sabi ko saka tumingin sa kaliwang parte, agad kong kinuntrol ang isip ng isang lalaki para suntukin ang kaharap nito at mag simula ng gulo. "Hayop ka pala eh! Bakit ka ba nanununtok?" Napatingin si Pavel sa gawi nila, dahil sa lakas ng boses ng lalaki ay napukaw nito ang atensyon ni Pavel, madamaning tao ang nanunuod sa kanila at nakapalibot. Ngumiti ako, kay gandang pag masdan. Muli kong kinontrol ang isip ng lalaki at inutusang suntukin ang kaharap nito, sinali ko na din ang isang lalaki na malapit sa kanila, napangisi ako. "Ano bang nangyayare sa kanila?" Tanong ni Pavel kaya napatingin ako sa kanya. "Ba't hindi mo alamin?"Tanong ko kaya napatingin siya sa akin, ngumiti ako sa kanya. "Nasasakupan mo sila hindi ba? Dapat ay inaawat mo sila." Sabi ko kaya napatingin muli siya sa mga yun at napalunok, tignan natin kung hanggang saan yang pagiging mabait mo. Kapag pinili niya na wag umalis dito sa tabi ko, mag kakasala na siya. Pero kapag pinili niya na mag punta don at umawat, makikilala siya. Anong pipiliin mo Pavel? Dehado ka sa pag kakataon na ito. Tumingin ako sa kabayo at inalis ang kapangyarihan ko, napangisi ako ng makita ko ang pag lunok ni Pavel, umakyat na ang kutsero sa upuan niya saka tumingin sa amin. "Ayus na po ang kabayo ko kamahalan, maari na po tayo mag patuloy." Sabi ng kutsero kaya napangiti ako, mukhang magkakasala na ang prinsepe. "Teka." Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin kay Pavel na nakatingin sa mga nag aaway. "Bakit po kamahalan?" Tanong ng kutsero, tumingin sa akin si Pavel at ngumiti. "Tama ka, nasasakupan ko sila. Kaya dapat may gawin ako." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "T-teka--" Hindi natapos ang sasabihin ko ng bumaba siya sa kalesa at nag tungo sa mga nag kakagulo. "Bwiset." Sabi ko at inis na sinundan siya, huminga ako ng malalim at pinanuod ang gagawin niya. "Kumunot ang nuo ko ng tanggalin niya ang panyo na nakatakip sa kanyang ilong at labi, napatingin ang mga tao sa gawi niya at nanlaki ang mga mata. "Ang prinsepe!" Agad na nagsi luhod ang mga tao sa harap niya maliban sa mga lalaking nasa ilalim ng kapangyarihan ko. "Paki usap, ito ang unang beses na makalabas ako sa aming palasyo, ang nais ko ay makita ang kagandahan ng bayan at ang mapayapang pamumuhay ng aming nasasakupan, kaya naman itigil niyo na ang kaguluhan." Sabi ito dahilan para mapairap ako. Bwiset, mas pinili niya na ibunyag ang katauhan niya kesa ang manatili sa tabi ko. "Patawad kamahalan!" Sabay sabay na sabi nila, inalis ko na ang kapangyarihan ko sa tatlong lalaki, nagulat sila ng makita si Pavel sa harap nila at sabay na napa luhod. "Mahal na prinsepe! anong ginagawa niyo dito?!" Sabay na tanong ng tatlo, lumapit ako kay Pavel. "Tara na, kailangan na nating bumalik sa kalesa, siguradong dudumugin ka dito." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin at tumango. Muli siyang tumingin sa mga tao at ngumiti sa kanila. "Aasahan ko na hindi na kayo muli magkakagulo." Sabi ni Pavel at tumalikod. "Kinagagalak ka naming makita mahal na prinsepe!" Sabay sabay na sabi nila, napairap ako at sinimulang sundan si Pavel. Ekis sa unang plano, dibale may mga susunod pa naman at sigurado ako na kakagat na sa pain ko si Pavel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD