Chapter 5

1595 Words
Chapter 5 : Crush Kristin's Pov, Julian. A nice name. Gwapo but not too much. Para siguro sa ibang mayayaman na kaklase ko, ang panget at ang baduy na soot niya. But I adore him even if he wear nothing. Just kidding, ang landi ko naman kapag nangyari 'yon. Malandi na kung malandi basta ang pogi nya, period. He looks so innocent. Gano'n ang mga tipo ko, kaya sana ako din ang tipo ng babaeng gusto ni Julian. Even his simple smile is so attractive. Feeling ko, seductive siya. Lalo tuloy namula ang mukha ko sa naisip. *** I get used to Julian kaya ayun, now he's my inspiration. Siguro kung wala siya hindi na lang din ako papasok. Gano'n katindi ang nararamdaman kong inspiration sa kaniya. I don't know, kakikilala palang namin at bago palang siya sa school pero tinamaan agad ako. Ang talino nya, ang ganda ng hugis ng katawan nya. 'Yong brown eyes nya kapag tumatama ang sikat ng araw, at ang kinis ng mukha nya. Hindi mo na mapapansin ang damit kapag ang gwapo niyang mukha ang pinaka-focused mo. Agad akong nag-madali dahil baka mamaya nasa room na si Julian. Ayoko nga na maunahan niya akong pumasok. It's a pleasure na ako ang mauna bago siya. Para naman nakuha ko na ang kagwapuhan niya sa araw na ito bago ang ibang babae. *** Bakit wala pa rin si Julian? Dati naman mas maaga sya saakin. Sabagay, Napa-aga ata ako ng pasok. Kasi naman, nag-madali pa ako. Pero ayus na rin 'yun. Habang hinihintay si Julian, naka-pansin ako ng isang libro malapit sa tabi ko. To be specific, sa loob ng book shelf na ngayon ay katabi ko. Wait? Parang pamilyar saakin itong libro na ito. Ito 'yong librong laging binabasa ni Julian. I wonder kung bakit niya laging binabasa ito. Maganda naman siguro ito at hindi naman siguro low class si Julian sa pag-pili ng libro 'no? Agad ko iyong kinuha nang makita kong walang nakamasid sa paligid. Agad kong nilagay ito sa bag ko. Babasahin ko nalang kapag may time na ako. Napansin ko, bago ko ipasok sa bag ko ang libro, tungkol sa bampira ang kwento. Base na rin sa pabalat ng libro. So, Julian must be interested in Vampires? From now on then, magiging paborito ko na rin ang bampira, Just like him. Napansin ko ang pag-pasok ni Julia. Kaya naman dali-dali akong tumayo at hinanap si Julian, kaso wala s'ya. "Ang LT mo Kristin. Hinahanap mo si Julian ah," sabi ni Carl saakin, isa sa mga mapangasar na lalaki sa school. Anong LT do'n? Tsaka gano'n ba ako kadaling basahin? Isang tingin lang, alam na agad kung ano o sino ang hinahanap ko? Napaupo na lang ako ng dahan dahan,at yumuko. Nagtaka kami ng mga kaklase ko, dahil si Julia lang ang pumasok at wala si Julian. Now, I'm disappointed na hindi siya makikita this whole day. "Julia, bakit wala yung kakambal mo?" tanong ng isa kong kaklase na nasa likod ni Julia. Buti hindi galing sa akin ang tanong kase baka lalo akong tawanan ni Carl kung ako ang mag-tatanong. "Ah, kase may sakit ang nanay namin kaya nagpaiwan s'ya sa bahay" sabi ni Julia. Natuwa naman ako. Hindi lang pala gwapo sa panlabas si Julian. Maging sa panloob din pala. Konti nalang ang mga kagaya niya. How I wish na sana lahat ng lalaki gaya niya. Pumasok na sa room si Maam Louisa. "Good morning Maam Louisa," bati namin kay Ma'am. "Okay, may absent ba?" Agad na tanong ni Ma'am habang nilalagay ang mga gamit nya sa table ni Ma'am Kacey. Nagtaas ng kamay si Julia. "Ano yon Julia?" tanong ni Ma'am habang umuupo sa teachers' chair. "Hindi po makakapasok ang kakambal ko kase po nag-paiwan po s'ya para alagaan ang nanay namin na may sakit," paliwanag ni Julia. Sabay binigay ni Julia ang excuse letter ni Julian. "Okay now, let's start" sabi ni Ma'am Louisa pag-kaabot ng excuse letter ni Julia. "Magkakaroon kayo ngayon ng group Project. Gagawa kayo ng isang kwento na magpapakita sa pagmamahal ng kabataan sa kanyang magulang. . ." paliwanag ni Ma'am habang naglalakad at nasa likod ang kamay. ". . .kung sino ang ka-grupo nyo kahapon, 'yon ulit ang kagrupo n'yo" dagdag ni Ma'am Louisa. "Meron kayong isang araw upang gumawa ng kwento. At habang wala si Julian, si Julia ang papalit sa kanya. Dahil sobra ng isa ang group 2. Pansamantalang gu-grupo si Julia sa group 3," paliwanag ni Ma'am. "Mamayang uwian n'yo na pag-usapan ang gagawin n'yong kwento," pahabol pa niyang sambit. Kita mo nga naman. Project pero one day lang gagawin. Sana sinabi niya nalang na assignment. Mga teacher nga naman. *** "Julia, anong gagawin nating k'wento?" tanong ko kay Julia. "Bakit ako ang tinatanong mo?"tanong nya saakin habang nag-aayos ng bag. Tinignan niya pa ako with kunot-noo. I shrugged my shoulders. Oo nga naman. Bakit siya ang tinatanong ko. "Ewan. What if pumunta tayo sa bahay niyo?" I sudgest. "Tsk. Ano 'to, Fudgee Bar? Gagawin ko ang lahat makita lang si Julian?" biro sakin ni Carl. Hindi na ako natutuwa sa biro niya! Kase totoo na 'yong mga sinasabi n'ya e! "Kagrupo ka pala namin?" mataray na sabi ko kay Carl. I rolled my eyes and didn't bother to look at him. Tingin ko namumula ang mukha ko dahil totoo lahat ng sinasabi niya. Although, a part of it. "O sige, ngayon pumunta muna tayo sa bahay para gumawa ng kwento," sabi ni Julia saamin. Pumunta kami sa bahay nila at nakita naming pinupunasan ni Julian ang kanyang nanay na nakahilata sa supa nila na gawa sa bamboo. "Pasok kayo," alok saamin ni Julia na nag-huhubad ng sapatos. "Ah, salamat." sabi ko kay Julia at naghubad din ako ng sapatos. "O nand'yan pala kayo," sabi ni Julian at tumayo nang makita kami. Pumunta siya sa kusina at may kung anong ginawa doon. "So ito pala ang bahay nyo," sabi ni Carl with his 'disappointed' tone. "Tumahimik ka nga Carl," Sita ko kay Carl na natatawa. Nakakahiya kaya siya. Hindi dapat tinatawanan ang ganitong sitwas'yon. "So simulan na natin gawin yung story?" tanong saamin ni Julia. "Yes!"sagot ko kay Julia. Nag-mamadali kaming tapusin yung k'wento kase baka maabutan kami ng dilim. Tatlo lang din kaming gagawa dahil wala ang iba naming kagrupo. Pero nasasabi namin kung maganda ba itong part na 'to? Maganda ba 'yan at 'yon? Kaya nabuo namin ang kwento na parang isang buong grupo. *** Natapos din namin agad ang story after 3 hours. Oo, Agad. Naguguluhan kasi kami kanina kung paano sisimulan. Inabot parin pala kami ng dilim. Nakakabanas. "Mauna na kami Julia at Julian. Malapit na mag-hapunan saamin," paalam ko kila Julia at Julian. Tumango lamang si Julian at Julia bago isara ang kanilang pintuan. "Hatid mo ko Carl!" Sigaw ko. Himala't tumango ang mokong na 'to at nagsimula na mag-lakad. *** Ito na yung day ng pag-rereport. Pumasok na si Julian, okay na daw kase ang nanay nila. Siguro magaling si Julian mag-alaga. Tiba-tiba ako kung mapapangasawa ko siya. Oh my god Kristin! Shut up. Lumapit ako sa kanya at nagtanong. "Sino ba ang magrereport nito?" Tanong ko sa kan'ya ng nakayuko. Baka kase makita niya akong nag-bblush. Ayoko nga 'no! Bakit ba kasi pumasok sa isip ko na mapangasawa ang isang Julian Collins. "Si Julia nalang, hindi niyo ako kagrupo dito tama?" sabi nya saakin kinuha nya 'yong papel at binasa bago ibigay sa kakambal niya. Tumingin s'ya sakin at nagtama yung mata namin. Tumingin ako sa mga mata nya. Pati mata nya ang pogi. "Ah,O-o Sige" nauutal na sabi ko sa kan'ya. Maya-maya umupo na rin ako kase dumating na si Ma'am. Lagi nalang syang late, hindi kagaya nung adviser namin. Laging maaga kung pumasok. "Pasensya na at nahuli ako sa klase?"sabi ni Ma'am. 1 hour late? Buti pinapasahod pa siya dito? Alam niya bang halos 1 topic na ang nawawala kada isang oras kapag na-lelate siya? Lagi naman. Tumayo kaming lahat at nag-good morning. Ano nga bang good sa morning? Bukod kay Julian. "Oh, handa nyo na ang mga story na pinagawa ko sa inyo kahapon," utos ni Ma'am Louisa saamin. Inuna ni Ma'am ang group 1 at sumunod ang group 2. "Okay group 3 it's your turn,"sabi ni Ma'am Louisa. Tumayo si Julia at nagkwento "Mother and Son,"sabi ni Julian, senyales na maguumpisa na sya. "Minsan, napapagalitan tayo, napaparusahan at nasasaktan ng mga magulang natin. Pero para saan ba? hindi ba't para sa ika-bubuti natin? para sa disipline natin? Tuwing papagalitan at paparusahan tayo. Para kanino ba? Hindi ba't para saatin, at para sa kinabukasan natin? Ang ibig sabihin no'n. Mahal nila tayo. Ayaw nilang nasasaktan at nakikitang umiiyak at nagmumukmok tayo. Kaya pinagaaral tayo para may mapamana sila saatin na hindi matutumbasan,hindi maagaw. Ang kwentong ito'y nawa maging inspirasyon sa inyo. . ." ". . . Isang makulit at palasagot na bata si Mark, kapag inuutusan s'ya ng nanay nya, hindi sya sumusunod. “Ano ba 'yan ako nanaman!” ang lagi nyang sagot tuwing uutusan s'ya, hindi na lang sumasagot ang magulang n'ya. Isang araw. Nagkaroon ng sakit ang kanyang ina. “Anak pakuha nga ng gamot ko sa lamesa” utos ng kan'yang ina na nakahilata sa sahig. “Bakit hindi ikaw ang kumuha?” tanong ni Mark na nag-lalaro ng computer..Maya- maya, biglang tumahimik,.biglang naging maayos. Pinuntahan ni Mark ang kan'yang ina, doon nya nakitang walang-buhay at hindi na humuhinga ang kanyang ina. Umiyak s'ya ng pagkalakas-lakas at sinabi “Kung alam ko lang sana,” naging malaking pagkakamali n'ya iyon at pinagdurusahan nya din ang nagawa n'ya." Pumalakpak si Ma'am Louisa. "Tama Julia, kaming mga magulang ay gusto lamang na mapabuti kayo, kaya 'wag kayong magagalit saamin kung nagagalit at pinaparusahan namin kayo,dahil mahal lang namin kayo," Naiiyak na sabi ni Ma'am. Yuck! Don't tell me pati uhog niya balak niyang palabasin. Napatahimik ang lahat, pumalakpak ako at pumalakpak din ang lahat. Umupo si Julia sa kanyang upuan. Nilapitan ko siya,at sinabing. . . "Magaling!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD