Chapter 6

1459 Words
Chapter 6 : I Saved Her Julian's Pov, "Ah . . .Julian," tawag saakin ni Kristin na nagkakamot ng ulo. I noticed her kaya naman nakuha niya kaagad ang atensyon ko. Nilingon ko s'ya. "Bakit?" tanong ko. She's wearing her nervous smile. "Pwede ba tayong magusap? May gusto sana akong sabihin sayo,"sabi nya saakin. "Oo naman,"nakangiting sabi ko sa kanya. Tinawag ko si Julia at sinabing mauna na s'ya umuwi dahil may sasabihin si Kristin saakin. And I am cursing kung ba't ko pa sinabi sa kaniya. "Ga'no ba kahaba 'yan at parang hindi ko kayang hintayin?" mataray na sagot nya saakin. Sabay irap tapos crossed arms. "Sige na!" sabi ko sa kanya. With matching kamay na nagtataboy. Hayaan mo na siya. Medyo iritado na ako sa isang 'to e. Ang dami masyadong sinasabi, ang daming daldal. "Sige na basta 'wag ka magpagabi ah," bilin nya saakin. Hindi naman ako gagabihin. Hindi naman siguro aabot ng 6 pm ang usapan na 'to. But I have a doubt na hahaba ang usapan na ito. "Oo na po," sabi ko sa kanya. 'Di na ko nakipagtalo. Wala naman din namang patutunguhan. Matatalo lang ako. Umalis na s'ya sa loob ng room at nagsalita muli si Kristin saakin, "Ah, kung pwede sana sa labas ko na sasabihin sayo,"sabi nya saakin. Hindi naman na ako umangal. "Sige," maikling tugon ko. Pumunta kami sa isang restaurant. Mayaman kase 'tong si Kristin. Siguro walang alam kung hindi gumastos. Pero 'di naman ako pwedeng magjudge. Talagang first impression ko lang. "Grabe ang laki naman dito. Ngayon lang ako nakapunta dito,"sabi ko sa kanya. "Ahm, waiter please!" sabi nya habang kinakaway yung kamay nya at nakatingin sa waiter. Lumapit sa amin ang isang waiter. "Ano pong order nyo ma'am?"tanong samin ng waiter. Binigay naman ni Kristin ang order namin. Siya na din ang umorder saakin nang tanungin niya ako kung anong gusto ko. Wala naman akong alam na pag-kain dito. "Coming ma'am,"sambit ng waiter sa kanya nang matapos niyang ibigay ang lahat ng order namin. "Nakakahiya naman," sabi ko kay Kristin. Usually kasi, sa mga ganitomg bagay, dapat lalaki ang nang-lilibre lalo na kung babae ang kasama. But I'm no choice, hiwalay na si Mama at Papa kaya hindi na kami pwede mag-asal mayaman. "Naku okay lang iyon. Wala lang 'yon,"sabi nya sakin. Nakangiti pa siya at tumawa ng mahina sabay tapik sa braso ko. Anong wala? E ang mamahal kaya ng inorder nya! Maya-maya lang dumating na 'yung mga pagkain. Parang kahit isang buong buwan ako kumain, okay lang dahil sa dami ng pagkain na nasa harapan ko ngayon. "Hmm, Kain na," sabi saakin ni Kristin. Mukhang mas excited pa siya saakin kumain e. Nahihiya nanaman ako. Baka kase pagnakita niya akong kumain e tawanan niya lang ako. "Ah. . .sige,"sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung tinidor at inikot ikot ang spaghetti at kumain. Nakatingin lang sakin si Kristin habang kumakain ako. Lalo tuloy akong nahiya. Pinunasan ko yung labi ko na may sauce. Nakakahiya nakita n'ya akong kumain ng parang walang bukas. Ngayon nalamg kasi ulit ako nakakain nito. Nakakahiya man aminin pero noong huling birthday ko pa ito natikman. "Pasens'ya ka na, ngayon lang kase ako nakatikim ulit ng ganitong pagkain e,"sabi ko sa kanya. Nakatungo ako ngayon sa sobrang hiya. Halos namula na ang buong pisngi ko. Para akong ignorante kumain. "Ayos lang 'yon. Ang sarap mo pala kumain,"sabi n'ya saakin na parang gulat na gulat. Tumawa ulit siya ng mahina. "Ah ikaw? 'di ka pa ba kakain?"tanong ko sa kanya. Changing the topic. Baka mamaya mahimatay na ako sa sobrang kahihiyan dito. Nahinto si Kristin, at napatingin sa pagkain. "Sabi ko nga kakain na ako," sabi n'ya saakin habang kinukutsara yung Maja sa harap n'ya. Ang tagal ko din siyang pinanood. Bigla kong naalala yung sasabihin n'ya sakin. Sa sobrang sarap no'ng pagkain hindi ko muna tinanong ulit kung anong sasabihin n'ya. Paglabas nalang namin ulit ko sa kanya tatanungin. Nang matapos namin ang pag-kain. Isang malakas na dighay ang kumawal sa bibig ko. Tinawanan pa nga niya ako kaya mas lalo akong nahiya. Bahal na siya sa isipin niya. Basta ang alam ko nakakahiya. Madilim na. Sigurado akong nagaalala na sila Mama saakin. Sabi pa naman ni Julia 'wag ako magpapagabi. Hays! Nako naman! Kasalanan 'to ng pagkain e! Baka paguwi ko sermonan na ako nila Mama. "Mauna na ako Kristin, hinahanap na ako sa bahay,"ani ko. Tumayo na ako ng nagsalita ulit si Kristin. "Hatid na kita," ani niya. Tumango na lamang ako dahil baka maligaw din ako dahil madilim na. Sumabay na sya saakin palabas. Oo nga pala, 'yung sasabihin n'ya sakin! "Ano nga pala yung sasabihin mo sakin Kristin?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya saakin at bumalik nanaman ang ngiti niyang nininerbyos. Ano ba kase ang sasabihin niya? Nininerbyos na din ako sa kaniya e. "Ah oo nga pala, nakalimutan ko,"panimula ni Kristin. "Ano?" tanong ko ulit sa kanya. Muntik na sanang sabihin ni Kristin ang sasabihin nya, nakabuka na ang bibig niya e. Naglalakad kami ng biglang may padaan na sasakyan. Mababanga nito si Kristin, kaya hinatak ko siya sa puwesto ko at nabagok ang ulo n'ya sa sahig sa sobrang bilis ng hatak ko. Ako naman ang nabundol ng kotse. Sa sobrang lakas ng pagkakabanga sakin ng kotse tumilapon ako papunta sa likod ng kotse. Pumikit ako saglit at nang muli kong idilat ang mga mata ko, nasa puting silid na ako. Ang bilis ng mga pangyayari at halos wala na akong matandaan sa sobrang bilis. Nakita ko sila mama, lola at si Julia na umiiyak. "Ma? A-anong nangyari?"mahinang sabi ko. Sumasakit ang likod at ulo ko. Nahihilo ako sa bawat galaw ko. "Julian? Gising ka na. Julia! Tumawag ka ng nurse, dali!" malakas at nagmamadali na sabi ni mama kay Julia. Nagmadali namang lumabas ng kwarto si Julia. "Anong masakit sa'yo Julian apo?"tanong saakin ni lola na umiiyak. Nangangatog din ang mga boses nila. "A-a-nong nangyari mama?"tanong kong muli. Humiga na lamang ako dahil nahihilo ako sa bawat galaw ko. 'Yong likod ko, med'yo masakit pa. "Naaksidente kayo ni Kristin habang pauwi na kayo,"sabi ni Mama. Si Kristin, naaalala ko na. Pero hindi parin gano'n kabuo. Hindi ko na maalala kung paano ako napunta dito. Ang alam ko lang hinatak ko si Kristin. "Eh si Kristin po?"tanong ko. "Okay naman s'ya, nagpapagaling nalang s'ya,"sabi ni Mama. Bumukas ang pintuan ang kwarto at iniluwal nito si Julia. "Ma! Mandito na po ang nurse," mabilis na sigaw ni Julia kay Mama. Nagmamadaling tinignan ng nurse ang t***k ng puso ko at Chi-neck ang mga katawan ko. "Okay na po s'ya"sabi ng nurse. Okay? Ang sakit pa nga ng likod ko. 'Yong ulo ko nga masakit at nahihilo pa ako tapos sasabihin niyang okay na ako? Ewan. "Hay, maraming salamat sa d'yos, magaling na ang anak ko,"nakangiting sabi ni Mama. "Eh paano po ang gastusin dito?" tanong ko. Napatingin si Mama kay Lola. Tila naghahanap ng kasagutan. "'Wag mo na isipin 'yon, ang mahalaga ligtas ka,"sabi saakin ni Mama. Pero kahit gano'n ang tinuran ni Mama, alam kong problema nanaman ito. Bumukas ang pinto at may iniluwal na lalaki at babae. Pareho silang nasa Mid-30's. Tumayo si Mama at nagtanong, "Sino po sila?" "Kami po ang mga magulang ni Kristin?" sabi ng lalaki. Nakangiti siya at nakatingin saakin. "Ano pong maitutulong namin sainyo?" tanong ni Mama sa kanila. Pabalik-balik ang tingin ni Mama sa lalaki at sa babae. "Nais lang namin magpasalamat kay Julian. Kung hindi dahil sa kan'ya,maaring wala na si Kristin o mas malala pa ang natamo nya," sabi nila habang nakatingin saakin. Napatungo na lamang ako dahil naaalala ko nanaman ang mga nangyari. Ngumiti nalang si Mama at hindi sumagot. "Ako nga po pala si Raymond at ito naman po ang asawa kong si Valeen," sabi ng lalaki. "Ako naman si Loretta at ang nanay kong si Pauleen," sagot ni Mama. Nagshake hands sila at nag-ngitian. "At tsaka wala na kayong popoblemahin sa mga gastusin, kami na po ang nagbayad. Ang tanging gagawin nalang ay magpagaling si Julian,"sabi ng babae na si Valeen. "Naku! Napakalaking utang na loob po namin ito sa inyo,"sabi ni Mama na hindi alam ang gagawin niya. "Habang buhay po naming tatanawing utang na loob sa inyo ito,"dagdag pa ni Mama na umiiyak sa sobrang saya. "Kami po ang may utang na loob sa inyo sapagkat niligtas ni Julian ang aming unika iha,"nakangiting sabi ni Tita Valeen. And with that, I'm unconsciously smiled witthout reason. *** Halos ilang linggo din akong nakahiga sa kama ng hospital. Lagi din akong dinadalaw ng mga magulang ni Kristin. Naeexcite na akong lumabas dito. Nakakainip kasi e. "Hay, home sweet home,"sabi ko kay Mama pagpasok ko sa bahay. Namiss ko 'tong bahay namin. Kahit sira-sira na at luma ay napamahal na 'to saakin. "Sabi ng Doctor, kumain ka daw ng kumain para lumakas ka at para makapasok ka na," sabi ni Mama. Hays, ayan nanaman siya sa bilin niya. "Opo," sagot ko naman. Wala naman na akong magagawa e. Nanay siya, anak lang ako. Dapat sunurin pa din siya. Agad akong umupo sa upuan. Na-miss ko ang bahay na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD