Chapter 7 : She Likes Me?
Julian's Pov,
"Oh anak, sabi ng doctor pwede ka na daw pumasok sa school,"paalala ni mama saakin habang hinahanda ang mga gamit ko sa school.
"Opo,"matamlay na sagot ko kay mama. Ang sakit pa kaya ng mga paa ko, at 'di pa ako sanay ng nakasaklay. After kasi na mangyari ang aksidente, nag-karoon ako ng bali sa paa.
"Oh, ano pang hinihintay mo maligo ka na, gusto mo ako pa ang magpaligo sayo?"seryosong tanong ni mama. Napatayo ako bigla at nabuhayan ng enerhiya.
"Eh, sabi ko nga maliligo na ako,"sabi ko habang naglalakad papunta sa banyo. Natawa naman ng mahina si Mama.
"Hay, ang ganda ng umaga,"sabi ni Julia na nagiinat, bagong gising kase. Late na nga kami tapos siya bagong gising palang. Hay Julia, kung lumapit ka kaya sakin masisipa na talaga kita.
"Oh, aalagaan mo ang kapatid mo doon sa school ha, alam mo naman hindi na sya kagaya ng dati na nakakalakad ng mabilis. Ilang buwan pa para makalakad ulit sya ng mabilis,"paalala ni mama kay Julia.
"Opo, ako pa,"mayabang na sagot ni Julia kay mama. Nakangiti pa siya at kinindatan si Mama.
"Ma! 'di na ako bata. Kaya ko na ang sarili ko,"malakas na sabi ko kay mama habang nagbubuhos. Nasa loob na ako ng CR. Sa susunod talaga lalagyan ko na ng soundproof ang banyo na 'to.
"Pero anak—"angal ni mama. Itutuloy sana ni mama ang sasabihin nya kaso may dumating. Lumabas na ako sa CR. Nakabihis na din na ako sa loob ng banyo.
"Nako, baka yan na yung truck ng basura,"nagmamadaling sabi ni mama. Maya-maya may kumatok sa pinto, malaki ang boses at parang bago lang sa pandinig namin.
"Sino po sila?"tanong ni mama, sabay binuksan ang pinto.
"Magandang araw, Lorretta"masayang bati ni Mr. Raymond kay mama. 'Yong papa ni Kristin.
"Oh, kayo po pala Raymond, bakit po kayo napadalaw?"tanong ni mama kay Mr. Raymond.
"Nais ko sanang ibigay ang mga kagamitan na ito sa inyong pamilya bilang pasasalamat sa ginawang kabayanihan ni Julian sa anak ko,"sabi ni Mr.Raymond.
"Ano po?"tanong ni mama na parang 'di makapaniwala sa mga nakita nya. Binaba ni Mr. Raymond at ng mga kasama nyang lalaki ang mga gamit na hindi namin mabibili kung talagang 'di namin pagiipunan.
Washing, Oven,.Refregirator, Gas stove,.Rice cooker at iba pang mga gamit na pang-modern. "Naku! Hindi na po kailangan 'yan, okay na po kami,"pagtanggi ni mama. Halata sa mukha niya na nahihiya siya sa tulong na binibigay ng pamilya ni Kristin.
"Hindi pa po dyan nagtatapos," sabi ni Mr. Raymond. "Ako na po ang sasagot ng mga gastusin ng mga anak nyo sa school," dagdag ni Mr. Raymond.
"Ah, hindi nyo na po obligasyon 'yon, ako na pong bahala doon,"sagot ni mama. Hindi parin maalis sa mukha niya ang salitang hiya. Masyado nang madaming naitulong ang pamilya nila Kristin saamin.
"Hindi po, utang na loob ko po sa anak nyo ang buhay ng anak ko,"sabi ni Mr. Raymond. Nakita ko ang pagdunggaw ng mga ala-ala sa mata ni Mr. Raymond. Nginitian lang ni mama si Mr. Raymond, paalala na nagpapasalamat parin sya.
"Ah, mauna na ako Lorretta. May pasok pa pala ako,"paalam ni Mr. Raymond.
"Hindi na po ba kayo papasok at magalmusal muna?"alok ni mama kay Mr. Raymond.
Umiling si Mr. Raymond, "No need,mauna na ako,"sabi niya sabay pasok sa loob ng kotse niya.
"Magiingat po kayo!"pahabol na sabi ni Mama.
"Oh, pumasok na kayo mga anak, baka malate pa kayo,"sabi ni mama na nagliligpit ng mga pinagkainan. " Grabe, ang bait talaga ng pamilya ni Kristin. Sobrang yaman pa nila," mahinang ani ni mama.
"Oo nga po e, sana ganyan din tayo" ani ni Julia.
"Pasok na, at anong oras na oh," paalala ni Mama, pag-iiba ng topic. Alam kong hanggang ngayon hindi pa siya moved on sa pag-hihiwalay nila ni Papa. Gano'n din naman ako.
"O, sige po." sabi namin ni Julia kay mama sabay kiss sa pisngi. Lumabas na kami sa bahay at nagsimula na kaming maglakad sa Terminal ng Jeep.
***
Nakatingin ang lahat sakin na parang awang-awa sa nakikita nila. At 'yon pa naman ang ayaw ko. Ba't naman nila ako kinaaawaan? Dahil sa damit ko? Ugh! Naalala ko na. Dahil nga pala nakasaklay na ako ngayon.
My introvert side level up again. Hindi ko naman yata dapat ikahiya 'to. Yata.
Habang naglalakad kami sa hallway, nag-chichismisan nanaman ang mga pabebe sa school. Wala ng araw na hindi sila nag-chismisan. Nakakarindi na, ang sarap sungal-ngalin.
"Grabe pala ang nangyari kay Julian, parang napilay na sya dahil niligtas nya si Kristin," pabulong na sabi ng isang babae.
Pagkapasok namin ni Julia sa room, inalalayan ako ni Julia makaupo,.bilin ni mama eh.
"Okay na ako,"sabi ko kay Julia.
"Okay. Dito lang ako sa tabi mo,.sabihin mo lang kung may masakit,"sabi ni Julia. Umiiral nanaman ang pagka-'Ate' niya dahil dito. Diyan pa naman ako naiirita. One minute lang ang tanda niya pero maka-asal siya parang ate.
Habang naghihintay ng mga kaklase, biglang nagkagulo sa labas ng room. 'Yun pala si Kristin, hindi sya lumapit saakin. Nagtakip sya ng mukha ng nakita nya ako.
Bakit? Is there's something wrong in my face? Kinapa ko yung mukha ko. Wala naman. At ito nanaman si Ma'am Louisa, the most late teacher in the Ministry Academy.
As usual, tumayo kami at nag-good morning sa kanya. Kahit na walang good sa morning dahil sa nalate nanaman siya. Napapansin kong laging tumitingin saakin si Kristin.
'Di tuloy ako nakapagfocus sa tinuturo ni ma'am. Naalala ko,pa'no na 'yong mga araw na may practice ng basketball?
Hindi ako nakapag-practice. At mukhang hindi na ako makakapag-practice.
***
Pinuntahan ko yung coach namin, para malaman ko kung kasali pa ako sa team nila. Pero sana kasali pa ako.
"Coach!"tawag ko kay coach na pina-practice ang ibang basketball players.
Huminto lahat ng mga naglalaro at lumingon sakin si Coach. "Oh, kaw pala Julian," sagot ni Coach, parang hindi makapaniwalang nakita ako.
Nakita ko na nasa team si Carl, wala naman sya noon sa grupo.
"Pasensya ka na Julian. Kinailangan na kaseng lumaban ng team ko last week, at wala ka pa. Kaya pinalitan na kita at si Carl 'yon,"malungkot na sabi ni coach.
"Okay lang po,"sabi ko kay coach, kahit na labag parin sa kalooban ko. Sayang din 'yong scholarship, kahit na sinabi ni Mr. Raymond na sagot niya lahat ng gastusin, nakakahiya pa din sa kaniya.
Umalis ako doon, kase deep inside nalulungkot ako. Sayang kase talaga 'yong scholar, pero hayaan ko nalang 'yon. At pano naman ako maka-paglalaro? Nakasaklay ako? Bwiset na saklay!
"Julian!"malakas na sigaw na nang gagaling sa likuran ko. Nilingon ko, si Julia pala. Naiwan ko pa pala siya. Tsk. Binabantayan nga pala ako ni Julia.
"Tara na bilis," nagmamadaling sabi ko sa kanya na hingal na hingal kakahabol saakin. Ako na nga itong nakasaklay,na unahan ko pa sya.
Nakaabot sya saakin. At inakbayan ako. Tropa kami n'yan, hindi kapatid ang turingan namin Mag-best friend. Meron nanamang babaeng tumawag sakin. Kakaibang boses na parang umiiyak. Nilingon ko at nakita ko si Kristin na umiiyak.
"Julian!"naiiyak na sabi ni Kristin.
Huminto ako. . .Ganon din si Julia.
"Bakit Kristin?"tanong ko sa kanya.
"Pwede ba tayong magusap? Kahit saglit lang?"tanong nya saakin. Lumingon ako kay Julia, nakaakbay parin siya saakin.
"Alis muna ako,"sabi ni Julia. Bumitaw siya at nauna nang umalis. Hihintayin ako niyan sa labas panigurado. Pagkaalis ni Julia ay umupo siya sa isang bench malayo sa kinatatayuan namin ni Kristin. Sabi na nga ba.
"Tungkol saan ba ang paguusapan natin?"tanong ko kay Kristin.
"Gusto ko sanang magpasalamat sa pagliligtas ng buhay ko no'ng isang linggo," naiiyak paring sabi ni Kristin. Nakatungo siya. Naririnig ko parin ang paghikbi niya.
"Okay na 'yon, basta okay lang tayong dalawa,"sabi ko sa kaniya.
"At 'yong dapat na sasabihin ko no'ng bago tayo maaksidente ay. . ."nagdadalawang isip pa ata siya kung sasabibin niya o hindi. Tsaka ko lang naalala. Ano nga ba kasi talaga ang sasabihin niya.
"Ano nga ba 'yon?"tanong ko sa kanya.
"Ahm,kase. . .I Like You,"sabi nya saakin. Nakatingin siya sa mga mata ko. Siguro mga 5 seconds kaming nagkatitigan ni Kristin. 'Yong mga mata niya, sobrang naka-kaattract. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Joke ba 'yon?"tanong ko sa kanya.
"Hindi, totoo 'yon,"sabi nya saakin. 'Yong mga mata niya nangungusap. Seryoso ba siya?
"Ba-bakit ako?"tanong ko sa kanya na nagtataka. Hindi parin magsink in sa utak ko 'yong sinabi niya.
"Hindi ko alam, una palang kitang nakita alam ko na na mag-kakagusto ako sayo. Basta ako alam ko sa sarili ko na. . . Gusto kita Julian,"sabi nya saakin. Nasa kalagitnaan kami ni Kristin ng nagwrong timing si Julia.
Nakakita kase sya ng sasakyan namin. Ayaw na kase ako paglakarin ni mama. "Julian, tara na aalis na 'yong sasakyan oh!"sabi ni Julia.
"Oo na!"sagot ko.
"Mauuna na ako Kristin,"sabi ko kay Kristin.
"Sige ingat ka,"ang tanging salita na lumabas sa bibig ni Kristin.
Tumakbo ako papunta kay Julia at sumakay kami ng Jeep. Tinignan ko ulit si Kristin. Nakangiti at parang natanggalan ng tinik sa dibdib ng dahil sa sinabi nya sa'kin ang nais niyang sabihin.
She likes me? Seryoso?