Chapter 8 : First Kiss
Julian's Pov,
Hays. . .
Anong nakain ni Kristin at bakit nya ako nagustuhan? Pero bakit sa akin pa? Eh nandyan naman si Jade, ang pogi at sikat na lalaki sa school, kaso nga pala campus playboy 'yon.
Pagbaba namin ni Julia ng Jeep, naka-sibangot ako at nagtataka sa mga narinig ko. Hindi ko alam nakatingin na pala si Julia saakin.
"Anong problema? May masakit ba sa katawan mo?"nagaalalang tanong ni Julia sa'kin.
"Wala naman, may iniisip lang ako,"sagot ko sa kanya. Nakasibangot parin ako. Hindi parin talaga magsink in sa utak ko na merong nagkagusto kay Julian Collins. Hays nakakainis. Naiinis ako sa ewan.
Pagpasok namin sa bahay, nagmano muna ako kila mama at dumaretso agad ako sa kwarto. Humiga ako sa kama at humarap sa kisame.
Si Kristin? It's so impossible. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako o hindi. Basta ang alam ko, Hindi pa nagsisink in sa utak ko ang mga sinabi ni Kristin.
***
"Julian! Gising na, Malalate na kayo sa school!"malakas na sigaw ni mama sa pinto. Teka? Umaga na ba? Bakit parang ang haba ng tulog ko. Hindi pa ko nakakapagbihis. Ano ba 'yan!
Binuksan ko kagad yung pinto at nakita ko si Mama na naghahain na ng pagkain. "Mama, anong oras na po ba?"tanong ko kay mama.
"5:00 o'clock na,"sagot niya.
Nakita ko si Julia na nakahiga sa sofa. Ginising ko s'ya. "Ano ba, gising na Julia. Baka malate pa tayo sa school,"sabi ko sa kan'ya habang tunutulak ko sa sa sofa.
"Eto na gising na, ang aga-aga e, ang lakas ng bunganga,"sabi n'ya habang tumatayo sa sofa. Bakit ba kase dito natulog 'tong babaeng 'to?.
"Kase natulog ka na sa kwarto at nilock mo pa yung pinto. Wala pa namang tayong susi nyan!"sabi ni Julia. Nagkakamot siya ng ulo. Nagipit na din siya ng buhok.
"Narinig mo?"tanong ko sa kan'ya.
"Minsan kase hinaan mo yung boses mo, naririnig na kaya,"sabi nya sa'kin. Siguro nga, sa sobrang lakas ko magsalita sa isip ko, nasasabi na ng bibig ko.
Nag-almusal kami at mabilis na na-ligo. Kapos na kase sa oras. 6:00 am kase ang pasok namin.
Pagdating sa school, sakto lang kami. Actually naunahan pa nga naming pumasok sa school si Ma'am Louisa. Minsan maganda ding late siya para walang napapagalitan kapag may nalelate. Pero siya nga nalelate, hindi niya pagalitan sarili niya.
Pagupo ko sa upuan ko, nakita kong nakatingin ng masama sa'kin si Carl. Anong meron?
Dumating si Ma'am. At exactly 6:30. Ang galing 'no? Parang walang obligasyon. Dapat hindi na siya binabayaran. Pero anong magagawa ng isang hamak na estudyante?
"Lets start,"hingal na sabi ni ma'am na parang tumakbo. Sa mga oras na 'to hindi ko na iniisip ang mga sinabi kahapon ni Kristin. Nakafocus na muna ako sa studies ko.
***
Pumunta kami ni Julia sa canteen para do'n kumain. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ni Julia ng dumating si Carl. Sinapak n'ya ako sa mukha at tumingin ang lahat ng nasa canteen sa'min.
"Puta! Ano bang ginawa ko sayo ha!?"tanong ko sa kanya habang hawak hawak ko ang mukha ko. Hindi ko na napigilang mapamura sa harap niya at sa buong students sa canteen. Nang-gigitgit ang panga ko sa galit.
"Inaagaw mo sakin 'yong girlfriend ko e, akala mo hindi ko alam 'yon?"sabi nya saakin na parang gusto pa nya kong sapakin ulit. Nanggagalaiti ang mukha niya na parang siya pa ang sinuntok.
Sinong girlfriend n'ya? Si Kristin? Pa'no n'ya nalaman 'yong sinabi sa'kin ni Kristin? Pero wait baka iba naman yung tinutukoy n'ya. Pero wala naman na akong ibang kilalang babae na lumalapit saakin dito.
Dumating si Kristin sa canteen at inawat kami ni Carl. Gusto ko pa sanang gumanti at suntukin siya kung hindi lang pumagitna si Kristin saaming dalawa ni Carl. Nakakainis. Nakatikom parin ang mga kamao kong gusto ng lumapat sa mukha ni Carl.
"Ano ba Carl?!"galit na sabi ni Kristin habang nasa gitna namin ni Carl. Napatingin si Carl kay Kristin ng ilang segundo bago ibalik sa akin ang kaniyang Death Glare na hindi ko naman kinatakot.
"Sabihin mo nga sa lampang 'yan na girlfriend kita at boyfriend mo ko,"maangas na sabi ni Carl. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang mga katagang 'Oh ano naman ngayon? Ano pinaglalaban mo?' Kaso ayokong sabihin 'yon sa harap ng kapatid ko.
"Girlfriend mo ako? Eww! Ano na namang kalokohan 'yan ha?"sabi ni Kristin na nakataas ang isang kilay. Sabay-sabay na side comment ang mga tao sa canteen na para bang may laban sa loob ng canteen.
"Kase kayo na?!"sabi ni Carl na parang naghahamon ng suntukan. Sige! I accept your challenge! Suntukan ba gusto mo!? Aba ibibigay ko sa'yo. 'Wag lang dito sa school kase talagang papapangitin kita! Gaganti ako.
"Akala n'yo hindi ko kayo narinig kahapon na naguusap? Sinabi mo kay Julian na gusto mo s'ya, na mahal mo s'ya"dagdag ni Carl. Puta! Edi kalat na sa buong school 'to ngayon! s**t! Carl letche ka! Ayoko na magmura Carl pero pinipilit mo ko!
"Oo! Bakit angal ka, oo mahal ko si Julian. . . At walang makakapigil sa'kin,"sabi ni Kristin sa harap ng madaming tao sa canteen. Eto nanaman ako. Hindi ulit magsink in sa utak ko ang mga sinabi ni Kristin. Bumalik nanaman ang mga sinabi niya saakin kahapon.
"Grabe si Kristin, si Julian ko pa ang kinuha."
"Sabagay ang pogi naman ni Julian e."
"'Di pwede akin lang si Julian!"
"Kinikilig naman ako sa kanila."
'Yan 'yong mga bulungan ng mga tao sa paligid namin. Parang nagmistulang kulungan ng mga bubuyog ang Canteen for that time. Nakakainis! Hindi ko na kaya ang sitwasyon. Ang emosyon ko. Kinikilig na naiinis na may halong kaba at pagkalito.
"Then prove it,"sabi ni Carl.
Nilapitan ako ni Kristin, no'ng una nailang ako at lumayo sa kanya. Then ang sumunod na nangyari. . .
Hinalikan nya ko!
Nagulat ang lahat sa nakita nila, na parang 'di makapaniwala na may babaeng nanghalik sa lalaki.
"Ano naniniwala ka na?"mataray na tanong ni Kristin kay Carl na hindi makapaniwala sa nangyari.
Si Kristin.
Ang nakakuha ng unang halik ko. Damn!
Atleast hindi nakakahiya ang first kiss ko, kaso pinangako ko sa sarili ko na ang una kong hahalikan ay mamahalin at pakakasalan ko.
"Nevermind!"galit na sabi ni Carl sabay alis sa canteen. He walked out the Canteen.
Nagtawanan naman ang mga estudyante sa Canteen habang bumabalik sa pagkain nila. Ang iba ay nagsibalikan na sa mga class rooms nila. Nakakahiya. Namula na ata ang buong pisngi ko. Damn this s**t!
Habang hinahalikan ako ni Kristin, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng hindi ko alam ang dahilan. Bigla akong hinatak ni Kristin palabas ng canteen.
"Sorry Julian sa ginawa ko,.gusto ko lang naman na layuan ka ni Carl e,"natatarantang sabi ni Kristin sa'kin. 'Di ako nakasagot kay Kristin. Naninigas ang mga paa ko sa sobrang gulat. Hindi ko na namalayang nakaalis na pala sa harap ko si Kristin.
Bumalik ako sa room para sa next subject ko. Pagpasok ko sa room, nag-bubulungan at nakatingin ang lahat sakin. Shete naman kase, bakit ba kase kailangan n'ya pa kong halikan para lang mapaniwala nya si Carl na mahal n'ya ko.
Damn It! I admit it! Nagsink in na sa utak ko lahat ng sinabi niya. Nakakainis talaga ang araw na 'to!
Ano ba 'to? Ang lakas ng t***k ng puso ko. Baka may cancer na ako sa puso-OA masyado. Bakit ba? Mahal ko na din ba si Kristin? s**t nalilito ako! Umupo ako sa upuan ko ng tahimik, walang pinapansin.
"Talaga bang mahal sya ni Kristin?"
"Grabe yung kissing scene nila kanina ni Kristin."
"'Di tuloy ako nakakain ng maayos, 'di ko ba naman alam na may shooting ang Romeo and Juliet sa canteen."
Ano? Shooting!? Grabe naman 'di ako nainform na laganap na pala ang kapraningan sa room na 'to. Pero ang mas malala, kalat na sa buong room-school ang nangyari kanina. At doon ako nahihiya.
At Romeo at Juliet pa ang itsura namin kanina? Ano? Nababaliw na ba ang lahat!? Nananaginip lang ba ako, sampalin ko kaya ang sarili ko?
"Bakit hinalikan ng Kristin na 'yon ang baby Julian ko!"
"Hindi, akin lang si Julian!"
Baby? Anak ba n'ya ko?. Kapag minalas ka nga naman oh! Napapalo ako sa noo ko. Julian kailangan mo na ng common sense. Wala ka nang naiisip na tama. Lintek! Sana naman may magandang mangyayari bukas. Para naman bawi sa araw na 'to.
Kainis talaga, humanda ka lang sakin Carl Joseph! Nagiinit ako sa galit sayo,.may araw ka din sa'kin,.ikaw naman ang ipapahiya ko. Kung hindi dahil sa'yo hindi ako pagchichismisan ng mga kaklase ko.
Kakarmahin ka din.