Chapter 9

1282 Words
Chapter 9 : Partner Julian's Pov, Ganda ng araw, sana lang walang bad luck ngayon. Para naman mas makapag focus ako sa studies ko. Baka kung anong magawa ko kapag may nagpapanget ng araw ko. s**t this life. It's December 15. Ten days before christmas. Madami nanaman ang naghahanda ng Noche Buena nila, pero kami okay lang na walang Noche Buena, basta magkakasama kami sa pasko. Drama 'no? Damn this life. *** Pasok nanaman school, masipag kase tayo e. Parang first time kong pumasok ng hindi ako ang pinaguusapan ng mga school mates ko. Mukhang may pinag- kakaabalahan na sobrang importante. Ganito ba lagi sa kanila kapag magpapasko? Pagpasok ko sa room, tahimik ang lahat. At maayos na nakaupo. Kaya naman pala. Bumalik na si Ma'am. Adviser namin, pero akala ko ba next month pa sya babalik? "Good morning po ma'am,"naka-ngiting sabi ko kay Ma'am Kacey. Ngumit din siya saakin. "Good morning din,"sabi ni ma'am habang nagche-check ng absents. Tahimik lang kaming lahat, parang simbahan lang. Maya-maya may nagtanong sakin kung may partner na daw ba ako para sa christmas dance. "Anong christmas dance?"tanong ko kay Cedric, katabi ko sa upuan. "'Yon 'yong celebration namin dito tuwing Christmas party. Kailangan mo maghanap ng kapartner na isasayaw mo para sa party," paliwanag sakin ni Cedric. "Ah. . . Ganun ba 'yon? Eh kelan naman 'yong christmas party?"tanong ko sa kan'ya. "Ang alam ko sa 18 na, kaya kung ako sayo humanap ka na ng kapartner mo para sa party,"sagot n'ya sa'kin bago siya bumalik sa pakikipag-usap sa nasa likod niya. Kumunot ang noo ko at napaisip, bakit ko ba kailangan maghanap ng partner edi si Julia nalang 'di ba? Ka'gad kong tinanong si Julia about sa party kung may partner na s'ya. Sure naman akong wala kase hindi n'ya pa alam ang tungkol sa party. "Julia, may partner ka na ba para sa party?"tanong ko sa kan'ya. Nang sinabi ko 'yon kay Julia hindi n'ya ko pinapansin kase nakikipag-landian sa mga lalaking nasa harapan n'ya. Kaya muli ko syang tinanong, pero this time mas nilakasan ko pa ang tawag ko sa kaniya."Julia! May partner ka na ba sa party?"nakuha ko naman ang atensyon niya. "Ah, eh. Oo e,.bakit?"tanong nya sa'kin. 'Di ako makapaniwala, meron na agad syang kapartner? "Alam mo na na may party tayo?"tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo. "Oo, kahapon pa,"natatawang sabi nya na parang sinadya nya na hindi sabihin sakin. Argh! Nakakainis ka talagang babae ka! Hindi man lang sinabi saakin? E alam naman pala niya! Pakshet. "Eh sino naman ang kapartner mo?"tanong ko sa kanya habang naghahanap ng maaari nyang kapartner. Carl? Cedric? "Si Jade,"nakangiting sabi nya sakin habang nakatingin kay Jade na kilig na kilig. Anong kalokohan nanaman ang naisip ni Julia at bakit ang campus playboy pa ang pinartner n'ya!? Eh pano na ko? Sino ang magiging kapartner ko?  Mamaya ko na nga lang iisipin 'yan. Bwiset araw-araw may problema. Hindi na naubos. Kelangan pa kase may kapartner sa sayaw? Hindi ba pwedeng magisa sumayaw? *** Naglalakad ako sa hallway papunta sa canteen. Madaming babae ang nag-sisunuran sakin. Ano ba 'to? Prosisyon?! "S'ya ang magiging partner ko para sa party." "Inalok nya na kaya akong makasayaw sa party." "Dapat ako ang makasayaw nya dahil ako ang bagay sa kanya." Anong kapartner ko sila? Wala pa nga akong mapiling kapartner at wala pa akong idea kung sino ang aalukin ko. I wonder kung sino ang nagalok kila Julia at Jade. Si Jade ba ang nagalok kay Julia? O si Julia? Naiimagine ko na Julia ang nagalok na maging kapartner si Jade. Biglang nag-layuan ang mga babae sa likod ko ng dumating ang isa pang babae. Si Samantha Poveda, isang sikat,.sexy,.at dala-dalawa kung magboyfriend. "Pwede bang ako ang ipartner mo sa party?" Ako? Bakit naman ako ang napili nitong sexy na 'to? Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, malay ko ba, baka pinag-titripan lang ako nitong babaeng 'to. "Okay,.kung gusto mo kong maging partner puntahan mo lang ako sa room 006." "Okay," maikling sagot ko sa kanya na parang nagaalangang sumagot. Kahit maganda at sexy pa sya, 'di ko sya gustong maging partner. Baka mamaya sapakin pa ko nung mga boyfriend no'n, 'di pa nga magaling yung sapak sakin ni Carl. Tumuloy na ko sa paglalakad papuntang canteen. Sa ngayon magisa akong kakain, niyaya kase ni Jade si Julia na kumain ng sabay sa room. O baka naman si Julia ang nagyaya? Ewan. May isa nanamang babaeng lumapit sakin at nagtanong,."Pwede bang umupo dito?" Hindi ko kita ang mukha niya dahil kumakain ako ngayon. Sa sobrang sarap ng pagkain ko,.hindi ko na sya tiningin at sinagot ko na lang s'ya. "Okay," maikling tugon ko. Wala din naman kase akong katabing kumain. Umupo s'ya sa harap ko at nagsalita. "Ang lakas mo pa rin kumain Julian," Napatigil ako sa pagkain at tinignan ko 'yong babae. Si Kristin pala. "Kung gusto mo kong kapartner para sa party I will say no!"sabi ko sa kanya. Nagassume na ko. Mukha naman kasing 'yon ang sasabihin niya. "Hindi naman eh, dito lang ako umupo dahil wala nang upuan," 'Di ko na sya tinignan at tinuloy ko na ang pagkain ko. Bigla ko nalang narealize na umiiyak na s'ya sa harapan ko. "Bakit ka umiiyak?"tanong ko sa kanya. Nasaktan ko yata sya sa mga sinabi ko. 'Di na kase ako nagiisip ng mga sinasabi ko e. Nakakainis. Kakausapin ko pa sana saya kaso tumayo sya at lumayo. f**k this bullshit life! Sinundan ko sya at nakita kong niyakap nya si Mark Raven. Isa sa poging estudyante ng Ministry Academy. Bigla akong nagalit hindi ko alam kung bakit. Umalis kagad ako. Baka 'di ko pa magustuhan ang susunod na mangyayari. Bumalik ako sa room at nakita kong pumasok si Kristin d'on sa room. Pumunta ko sa upuan nya. Nakita kong umiiyak s'ya ng nakatungo para hindi mapansin ng iba. "Sorry sa mga sinabi ko kanina, napaiyak pa tuloy kita. 'Di kase ako nagiisip ng mga sasabihin ko,"sabi ko sakanya sabay inabot ang panyo ko. "Ah 'yon ba? Wala 'yon,Okay na 'yon,may partner ka na ba?" Sabi ko na nga ba tatanungin n'ya ko kung meron na kong partner. Pero bakit hindi? Wala akong partner and same din s'ya. "Mmm, Kristin? Pwede bang ikaw ang maging partner ko para sa party?" Mukhang napalakas ang pagkakasabi ko kaya tumingin 'yong mga kaklase ko sa amin ni Kristin. "Choosy pa ba? Syempre pwedeng-pwede. . ."Ngumiti ako, pero ito nanaman si heartbeat, ang bilis. Ano ba? Inalok mo lang naman si Kristin na makasayaw ah. At pumayag sya. 'Yon ba ang reason kaya ka tumitibok? Umupo rin ako sa upuan ko. Pinapakinggan ko lang 'yong mga bubuyog na nagbubulungan sa room. "Ano ba 'yan! Naunahan na ako sa partner ko, humanda 'yang Kristin na 'yan sakin mamaya!" "Nagiinit ako sa galit,'.di ko tatantanan 'yan si Kristin." Ano naman kayang balak ng mga bubuyog na 'to kay Kristin. Pagpasok ni Sir..Alvarez, teacher namin sa Mapeh, Nag-good morning kami. Si Sir. Alverez ang pinaka-strict at masungit na teacher. Kabaligtaran ni Sir. Lao, mapagbiro at funny. Isang Chinese teacher sa Ministry. "Good morning," he said in a serious voice. "Siguro naman nakapili na kayo ng partner n'yo para sa party,"seryosong sabi ni Sir habang nilalapag ang mga gamit nya sa desk. "Yes sir!" "Good dahil bukas, ako ang magtuturo ng sayaw nyo para sa party. And it should be perfect and wonderful. . ." Oo nga pala,Si Sir. Alvarez ay half-Sir and Half-Ma'am. Nakalimutan ko pala, 'di ako marunong sumayaw ng sayaw pangmayaman. Bahala na nga si batman at superman na magtalo kung sasali pa ko sa sayaw o hindi. Pero kapag hindi ako sumali. . .Pa'no si Kristin? Bahala na. Hindi naman siguro ako pababayaan ng kapartner ko. Nagsimula na mag-lesson ang Half-Half naming teacher na strikto. Wala naman kaming maintindihan. Akala niya ang galing niya magturo. E puro Ha? At Ewan ang magandang sagot sa kung anong tinuturo niya. Napatingin ako sa labas gamit ang maliit na bintana. Ano.kayang pakiramdam na makasayaw ang isang Kristin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD