Chapter 10

1472 Words
Chapter 10 : Carnaper Julian's Pov, Grabe ang hassel! Bukas na ka'gad ituturo 'yong sayaw e hindi pa nga natatanggal 'yong saklay na gamit ko. Grabe ka Sir na Ma'am. 'Di mo man lang naisip na nakasaklay pa ko. Halos isang linggo na kong nakasaklay. Sa tingin ko kaya ko ng maglakad ng walang saklay. Nagring na yung bell as a sign of uwian. "Julia! Tara na, bakit ba parang s**o ka maglakad?" "Teka lang,.kausap ko pa si papa Jade. Mauna ka ng lumabas. Susunod nalang ako sayo," Nako ang kapatid ko lumalandi nanaman yata. "Tatay mo?"sarkastiko kong sabi sa kaniya. Well dahil masunurin akong kapatid. Nauna na akong lumabas at naghintay ng masasakyan. Ang boring walang magawa dito. Makabili nga ng shake para 'di ako mabored. Pumunta ako sa binibilhan namin ni Julia ng shake. "Pabili nga po ng buko shake. 'Yong tig-20 pesos po," order ko. Habang ginagawa ng shake vendor 'yong shake ko, nakita ko si Kristin. Wala ba s'yang sundo? Ang yaman-yaman nila tapos wala s'yang service? "Ah kuya, gawin nyo na pong dalawang buko shake," dagdag ko. Aalukin ko si Kristin, bakit kaya nakatulala 'to? Mukhang malayo ng iniisip nya. Nakapalumbaba pa. 'Di ba sabi ng mga matatanda malas daw kapag nakapa-lumbaba? "Ito na po," inabot sakin no'ng vendor 'yong dalawang shake. Nagbayad na ako at tsaka umalis doon. Pinuntahan ko si Kristin kung saan s'ya nakaupo. May nakita akong litrato na hawak niya. Tumaas ang kilay ko. Sino kaya 'yong nasa picture? Baka si boyfriend n'ya. Pero hindi din. Ang sure lang ako, 'yong pic ang iniisip niya. Wala kaya siyang frame para do'n? Kaya siya nagiisip? Tsk. Dami ko nanamang naisip. "Huy!" "Ay anak ng unggoy!" "'Di naman ako mukhang unggoy,"sabi ko sa kan'ya na napa-hawak pa sa puso niya sa sobrang gulat. "Sorry, 'di kita napansin,"tinago n'ya agad 'yung picture bago ko pa sya gulatin. Tanungin ko pa kaya s'ya kung sino 'yong nasa picture na hawak niya? 'Wag na nga lang. Sigurado akong hindi niya sasabihin sakin. "Kristin, shake," binigay ko sa kanya 'yong shake. Tinanggap naman n'ya.  "Sakto nakakabored naman kase dito,"nakangiting sabi nya. Umupo ako sa tabi nya. "Wala kang service?"tanong ko sa kan'ya habang hinahalo 'yong shake kahit shake na. Astig. "Ah, sa totoo n'yan,.meron. 'Yon oh,"sabay tinuro nya 'yong dalawang lalaki na nasa tapat ng isang kotse. Ang gara ng kotse na 'yon, "Sayo ba 'yong kotse na yon?"usisat ko. "Oo," Wow ang yaman talaga nila, kami din naman mayaman bago maghiwalay sila mama at papa. Hays. Pero hindi naman ako nag-sisi,atleast napunta ako kay mama. Pero minsan talaga nakakamiss na buo kami. Atleast may space. At peace. Malamang sa kan'yang body guard 'yong dalawang lalaki na nakabantay do'n sa kotse nya. Sorry, pero sa totoo lang mukhang carnaper yung body guard n'ya. Biglang tinignan no'ng isang lalaki 'yong loob ng kotse. Parang may masamang kutob ako sa mga lalaki na 'yon. 'Di ko pa kase tinanong kay Kristin kung bodyguard nga n'ya ang mga 'yon. "Kristin, body guard mo ba 'yung mga nakabantay sa kotse mo? Kanina ko pa kase napapansin na tumitingin sa loob ng kotse mo 'yong mga 'yon e,"ani ko ng hindi nakatingin sa kaniya. Nakafocus lang ako sa mga lalaking nasa kotse ni Kristin. Nagulat s'ya sa sinabi ko, binitawan n'ya 'yong shake at tumayo s'ya. "Hindi ko sila body guard at wala akong kasama,"ani nito. Sa tono niya mukhang ninerbyos siya. Nanlaki 'yong mata ko at tumayo rin ako. Tumakbo si Kristin papunta sa mga lalaki. Anong gagawin n'ya? Susugurin n'ya ba 'yong mga lalaki na 'yon? Sinundan ko s'ya at kumaripas ako ng takbo. "Carnap!"sigaw ni Kristin, sinampal si Kristin ng isang lalaki. Kaya bumagsak si Kristin sa sahig. Sinuntok ko 'yong lalaki sa mukha. Puta! Ang tigas ng mukha nito ah. Susuntukin naman sana ako ng kasama n'ya sa sikmura kaso na iwasan ko 'yon. Parang may shooting si Robin Padilla sa kalasada. Ang daming nakapaligid samin. Hindi naman kami tinutulungan. Parang may free sine pa dito. Hays nakakainis. Sinipa ko sa ano niya 'yong isang lalaki. Nasuntok naman ako ng kasama n'ya sa sikmura. Letche! Sumusobra ka, ang laki kaya ng katawan nito. Sinapak ko s'ya sa mukha at 'di na nakapalag. Tatakas na sana ang dalawa pero dumating ang mga pulis. "'Yan ang dapat sa inyo!"sigaw ko ng mahuli ng mga pulis 'yong dalawang carnaper. "Mga magnanakaw!" Dagdag ko pa. "Ahm. Julian. . . Aray!" Oo nga pala si Kristin, 'di na nakatayo sa sobrang sakit ng pwet n'ya. Lintek na carnaper 'yan! Nananampal? Lumingon ako kay Kristin. Ang cute niya sa anggulo niya. Inabot ko sa kanya 'yong kamay ko at hinwakan ko nang mahigpit 'yong kamay n'ya para maitayo ko sya. "Jeez, ang sakit ng pwet ko!"sabi n'ya habang hawak-hawak 'yong pwet n'ya. Pinigil ko lang tumawa. 'Yong mukha kase nya parang bata na maiyak iyak. Namumula pa ang mukha niya sa kahihiyan. Buti nalang hindi sya nabiktima ng carnap. "Salamat ah,"sabi n'ya sa'kin. "Welcome." Baka lumabas na si Julia ng school. Ang dami ng nangyari, sure nasa labas na s'ya at hinahanap ako. "Kristin, mauna na ko. Baka kase hinahanap na ko ni Julia," ani ko. Alam ko dapat tanungin ko si Kristin kung okay lang s'ya pero talagang kailangan ko na umalis. Para akong super hero na magliligtas tapos aalis din. "Okay! Salamat ulit,"sumakay na s'ya ng kotse nya, hinintay ko lang umalis s'ya at tsaka ko nagmadaling bumalik sa school. Nandon si mama. "Oh ma, bakit ka po nandito?" Tanong ko. Nilingon n'ya ko at nagmano ako. "Kase wala ako do'n kaya nandito ako," Ang galing ni mama mang-bara. Dating tubera 'yan. Tagaalis ng bara ngayon sya na nam-babara. Alam ko na kung saan nagmana ng kabarahan si Julia, at ako naman kakornihan. "Ma?!" "Pupunta kase tayo sa ospital para ipatingin kung pwede nang tanggalin 'yang saklay mo. Bawas pogi 'yan e," Ayun, bumawi rin. Lumabas si Julia. Ang tagal naman lumabas nitong babaeng 'to! "Oh mama, dito ka pala?"nagmano s'ya. Ano kayang lihim nito? Parang natakot s'ya ng nakita nya si mama. Sabagay nakakatakot naman si mama e. Bumabawi lang. "Pupunta tayo sa doctor ni Julian para malaman natin kung kelan pwedeng tanggalin yung saklay ni Julian, tara na at baka matrafic pa tayo,"ani ni mama. Tumango naman si Julia at umalis na rin kami. Pumunta kami sa doctor ko. Si Doc. Zian. Magaling s'yang doctor, pero ang pinakahinagaan ko sa kanya. Mahilig s'yang mag-hugot. Astig nga n'ya e,.at medyo malalim din yung ibang hugot n'ya. Wala namang pinang-huhugutan. Minsan gusto kong sabihin sa kaniya. Babalikan ka din niyan' kung meron man. Pagpasok namin sa clinic n'ya, ang lamig. Ang saya para kong nasa ref. 'Di kagaya sa labas para kong nasa oven. Nakita namin si Doc. Zian na may kausap na babae. Baka Girlfriend niya. I admit, may itsura si Doc. Zian. Sure ako madaming chicks 'yon. Bigla s'yang lumingon samin,siguro na pansin nya kami. "Oh! Mrs. Collins! What can I help you?"sabi ko na e,.napansin n'ya na kami. Nagexcuse sya sa kausap nyang babae at kiniss n'ya 'to, baka nga girlfiend nga n'ya 'yon. "Pasok po kayo sa office ko,"sabi nya, nakatingin parin ako sa babae. Pag-pasok namin sa office ni Doc tinanong n'ya ko kung okay na 'yong paa ko.  "'Yon nga po yung pinunta namin dito,"sabi ni mama. "Dyan nyo lang ako hahanapin kapag kailangan nyo na ko?" Sabi ko sa inyo. Only here lang merong doctor na hugotero. "Okay, titignan ko lang yung paa nya para malaman ko kung pwede na,"ani ni Doc. Zian. "Okay po,"sagot ni mama, "Labas lang kami ni Julia 'nak,"sabi pa n'ya. Lumabas ng clinic sila mama,.grabe nagugutom na ko, tinanggal ko yung saklay ko. Sabi ni Doc e. Nilabas n'ya yung maliit na martiyo nya, maliit 'to na martilyong kahoy. Tapos pinupukpok n'ya 'yong tuhod ko at inaangat baba ang paa ko.  "Hmm. . .okay naman ang paa mo. Sigurado akong pwede ka nang magtanggal ng saklay mo,"sabi ni Doc. Yes! Pwede na. Sakto bukas na kase magtuturo ng sayaw si Sir. Wala pa naman sila mama kaya tatanungin ko si Doc kung girlfriend n'ya 'yong kaninang babae. "Doc, girlfriend n'yo po ba 'yong babaeng hinalikan nyo kanina?" Tanong ko. Natigilan s'ya at biglang tumawa. "Sino ba sa lima?"tanong n'ya sa'kin. Ano 'yon? May limang babae s'yang kausap at lahat 'yon hinalikan nya? Chick boy 'to. Sabi na for sure madami 'tong chicks. "Sino-sino po ba 'yong lima?"tanong ko kay Doc. Bakit ba? Masamang maging curious sa isang bagay? "Ah, sila Pia, Cauleen, Isabelle, Angel, at si Ruby," Wow puro artista 'yon ah. Biglang dumating sila mama, may dalang coke at donut. Sakto gutom na ko. "Okay na po s'ya, pwede n'ya na po tanggalin 'yong saklay n'ya," Ngumiti si mama. Makakalakad na ulit ako ng walang sagabal. "Thanks po Doc,"sabi ni mama. Tumango naman si Doc. Umalis na din kami kasi walang kasama sa bahay si lola. Pagkauwi namin pumasok kagad ako sa kwarto at tinapos ko na 'yong mga assignments ko. Kapagod na araw! Pero atleast wala na 'kong saklay. Humiga ako sa kama at tumingala sa kisame. Ang normal ng araw ko, sana ganun din bukas 'no? Ano kayang mangyayari bukas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD