Chapter 11 : Dance Practice
Kristin's Pov,
'Di pa nagaalarm 'yong cellphone ko, nagising na ko. Well as usual kase I have inspiration and you know who is it. Of course my knight and shining armor, ang galing pala nya makipagbakbakan.
Niligtas n'ya ko sa mga bad boys kahapon. Pag-kauwi ko dito kahapon, bwiset, ang sakit ng pwet ko! Lokong carnaper na 'yon! Sinampal ako. Kahit 'di ko makita ramdam ko na namumula yung pisngi ko. Sa kahihiyan.
Napaupo pa tuloy ako sa sahig sa lakas ng sampal n'ya sakin. Leche 'yang carnaper na 'yan. Pagnakita ko ulit yan sisipain ko 'yan! Pumunta ako sa sala, nando'n na si Kuya Tony. At si Mama. Ang aga din nilang nagising.
"Good morning Mama, Kuya,"masaya ako ngayon, actually araw-araw, because of Julian. Oh no! Nagblush ako. Kaya pala nakatingin sa'kin sila mama at Kuya. Ang epic naman!
"Bakit ang Princess ko nagbablush at laging ganado tuwing pumapasok?"nakangiting sabi sa kin ni Mama. 'Yong ngiti niya parang nangaasar. Sabihin ko kaya na may crush ako?
'Wag na lang baka asarin pa ako ni kuya e. At tsaka pagsinabi ko 'yon ipagkakalat pa n'ya 'yon.
"Ah wala lang 'to Mama,"palusot ko. Pumunta ako sa kusina. Gutom na ko e. Kumuha ako ng cereal at nilagyan ko ng gatas. Favorite breakfast ko 'to.
Pagkatapos ko kumain, dumaretso na ako sa C.R. para maligo. Excited na talaga ako pumasok. Kase kapartner ko si Julian. Mabilis lang naman ako maligo,kumakanta ako para di mabored sa C.R.
Nagbihis ako habang nakatapat sa salamin. Kaya mo 'to Kristin. Mapapansin ka na ngayon ni Julian. Nagbihis ako ng sobrang ganda para kay Julian. Sana mapansin n'ya ako. Gah! Why so desperada?
"Bye ma!"masigla kong ani.
"Bye my princess. Ingat kayo ng kuya mo sa byahe. Enjoy the day,"sabi ni mama habang nanonood ng teleserye na gustong-gusto n'yang pinanonood araw-araw. Pumasok ako sa kotse ni kuya, kahit may kotse ako, ayaw na nila akong pagimitin nito for 1 month kase nalaman nila yung nangyare kahapon. That's why gusto nilang makilala si Julian.
Kay Kuya tuloy 'yong gagamitin naming kotse. Binuksan n'ya 'yong pinto sa likod ng kotse. Pagpasok ko sa kotse,.nagbasa ako ng libro, 'yong libro na binabasa ni Julian. Nasa akin parin.
Ang ganda pala nito. Baka mahilig si Julian sa mga vampire stories. 20 minutes lang 'yong byahe nasa school na agad kami ni kuya. Do'n din s'ya nagaaral kaso 'di nya ko sinusundo kase may sariling mundo 'yon.
Binuksan ko 'yong pinto. Hay. Kinuha ko lang 'yong bag ko sa upuan at tumakbo ko papasok. "Kristin! Hoy! Baka madapa ka!"bait ng kuya ko 'no? Sorry s'ya excited na ko pumasok e. "Sunduin kita mamaya ah!"na-smile nalang s'ya at may sinabi s'ya, 'di ko lang narinig.
Okay na 'yon, sunduin n'ya ko kesa naman maglakad ako pauwi ng bahay. Ayoko no'n. Pagpasok ko sa room, nand'on na 'yong inspiration ko. Umupo ako sa upuan ko. Nagbasa ako nung book na binabasa ko kanina.
Kakabasa ko palang kanina, nasa chapter 10 na kagad ako. Ang ganda kaya ng storya. The plot twist makes me more excited to read it. Pumasok si Sir. Alvarez. Tinabi ko 'yong libro sa bag ko. Babasahin ko pa 'yan mamaya.
Tumayo kaming lahat at naggood morning kay Sir.—Excited na talaga akong sumayaw. "Okay now, get your partners at pupunta tayo sa ground para makapag practice ng maayos sa maluwag,"sabi ni Sir. Sinimulan naming kuhain 'yong mga partners namin.
Hinanap ko si Julian. Nasaan na ba kase yun? Grabe kinakabahan ako baka nakakuha na s'ya ng bagong kapartner.
"Ako ba hanap mo?"
"Anak ng kalabaw!" nagulat ako ah, sino ba 'tong—nilingon ko s'ya. Gwapo na 'to? Si Julian pala 'tong nanggugulat. Kung 'di ko s'ya crush malamang sinapak ko na s'ya.
"Tara na?" tanong n'ya sa'kin tapos inabot n'ya sakin' yong kamay n'ya. Hinawakan ko 'yong kamay n'ya at sumama sa kan'ya. Ghad! Ang lambot ng kamay n'ya at ang sarap hawakan. Sana lagi na lang n'ya ko hinahawakan.
Bigla kaming huminto. Natapilok tuloy ako. Pinagpapantas'yahan ko kase si Julian kaya wala ako sa sarili. Pero masakit 'yon ah. Buti nalang hawak pa ko ni Julian kaya nahatak n'ya ko.
"Dito na tayo mag-papractice, pinaalam ko na kayo kay Ma'am Kacey, at buong araw tayo magpapractice," sabi ni Sir samin. Pabor pa sakin 'yon. Buong araw kong kasayaw si Julian. Tinititigan ko 'yong mukha ni Julian. Putcha! Ang pogi talaga!
"Okay, first step. Hawakan ng babae ang lalaki sa balikat at ang lalaki naman sa bewang ng babae," Oh my, ang laki pala n'ya, halos leeg lang n'ya ko e. Nakatitig lang ako sa mga mata n'ya at talagang 'di ko mapigilang ngumiti.
Tumingin s'ya sa'kin. At iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya. After 1 hour na pagpapractice. Nagpabreak si Sir. Tama lang 'yon. 1 hour kaming walang break!? Hirap kaya tapos sasabihin pa n'ya, from the top, hirap kaya no'n. Nakakauhaw.
Nakita ko si Julian na umiinom ng tubig. Tapos 'yong tubig binuhos nya sa katawan n'ya at naghubad ng damit.
"Kristin? Hoy ano ba?"
Argh! Pinagpantasyahan ko nanaman s'ya. Natutulala nanaman ako.
"Ano ba 'yun?"tanong ko sa kanya.
"Bakit ba basa 'yong bibig mo?" Ano? Pinunasan ko 'yong bibig ko, kahiya naglalaway ako sa kan'ya. May 10 minutes break kami. Kaso ang boring. Biglang tumayo yung isang kasama namin.
"Pagalingan sumayaw. Hiphop ah. Kapag nanalo, kahit anong ipagawa n'ya sa kahit kanino, magform tayo sa 3 groups at sa bawat team may pambato. Basta ako host,"ani nito.
Hay salamat. 'Di na ako mabobored. Basta gusto kong ka grupo si Julian ah. Bakit ba? I'm lucky naging kagroup ko si Julian. Lima kami sa grupo.
"Pumili na kayo ng pambato ninyo. Meron nalang tayong 7 minutes."
Hmm. Si Julian kaya? Paano kaya s'ya sumayaw? "Si Julian!"sigaw ko.
"Oo baka magaling baby Julian ko. Go Julian!"
"Go Fafa Julian. . .kaya mo 'yan!"
Papa mo? O baby mo? At nagcheer sila kay Julian e hindi naman nila sya kagrupo. Tss. Pinili ng group ko na si Julian ang sumayaw.
"Ah? Hindi ako marunong sumayaw e," nagkakamot sa batok na ani niya.
"Anong hindi? Baka nga magaling ka sumayaw e. Kaya mo 'yan!"
"Ichecheer ka namin Julian!"
"Let's the battle begin!"
Yes! simula na. Unang sumayaw 'yong group 1. Si Carl ang pambato. Tse. Kada group may 3 mins. para sumayaw. Ang tugtog ng group 1. Uptown Funk. Hah! Ang panget. Boo!
Pagtapos ng group 1, pumasok ang group 2. Babae ang pambato nila, si Jennelyn pala. Worth it naman 'yong song nila, kikay ang sayaw n'ya. Pero bagay naman sa kanya. Pero mas magaling pa rin kami.
Wooo! Kami na.
"Go Julian!"Napalakas ata pagkakasabi ko. Nagtilian yung group namin, pa'no ba naman puro babae 'yong group namin, si Julian lang 'yong lalaki samin.
Pagpunta n'ya sa harap, parang kinakabahan s'ya. Pero sure ako kaya nya 'yan. Ang song na sasayawin nya, Cheerleader!
When I need motivation, my best solution is my queen cause she stays strong. Yeah yeah. . .
Grabe 'di pala sya marunong super galing nga nya. At 'yong step nya. Very simple lang.
Oh, I'm think that about myself for cheerleader, she is always right there when I needed
Shet! Ang galing n'ya umindak, pati kami napasayaw. Mas magaling pala s'ya sumayaw. Kaya pala s'ya nasa Dance club. Ako nga din. Do'n na ko. Kaso nasa Gee club na ko. Kanta lang ako e.
Nang matapos si Julian sumayaw, pawis na pawis s'ya. Ang energentic n'ya kase sumayaw. Nagpalakpakan kaming lahat. Nagwalk out pa nga si Carl. Belat! Asa ka kase na magaling ka sumayaw. Ano talo ka kay Julian 'no?
Tinawag kami ni Sir. Magpapractice na kami ulit. Kaya 'di na nasabi kung sinong panalo. Pero obvious naman na si Julian na 'yon. Hinintay ko s'ya bumaba ng stage. Do'n kase kami nagshowdown.
Naghubad sya ng damit. OMG, ang ganda ng 6 pack abs nya! Tumutulo pa 'yong pawis nya sa magandang katawan nya. Sana ako nalang ang nagpupunas ng pawis n'ya.
Ilusyunada, nagbihis s'ya ng damit n'ya. Nagt-shirt nalang s'ya. Bumalik na ko sa practice area, baka may makapansin pa sa'kin. Bumalik si Julian at tumabi sakin. Nakita nya kaya ako?