Chapter 12

984 Words
Chapter 12 : Meet Mom Julian's Pov, Pagkatapos ko magbihis. Bumalik din agad ako sa pwesto ko. Baka magsimula na sila wala pa ako. Pagpunta ko don parang may iniisip si Kristin. Nakakunot ang noo at parang seryoso. Ano kayang nasa isip nito? Pati tuloy ako napakunot ang noo. Bigla syang tumingin sa'kin na parang nagulat. Sa buong araw na pagpapractice namin. Pagod kaming lahat. Ah! Ang sakit ng likod ko! Parang tutunog kapag ini-stretch ko. Nang pauwi na kami ni Julia, hinarang kami ni Kristin. Anong problema nito? May sasabihin pa yata. Biglang may nag-ring na cellphone akin yata 'yon. Kay Kristin pala, ano ba kasing sasabihin nito? Nakaharang sa dadaanan namin. Sinagot n'ya 'yong tawag tapos binaba n'ya rin ka'gad. Ang tagal nakakainip naman. Ngumiti s'ya sakin tapos nagsalita. "Gusto ka makilala ni mom," tapos 'yong mukha niya ngiting-ngiti. Sigurado ba s'ya? Gusto ako makilala ng mom n'ya? "Bukas daw ng hapon kung pwede pumunta ka sa bahay," dagdag pa ni Kristin. 'Di ako nakagalaw sa sobrang gulat. Tumalikod s'ya tapos umalis. Bakit naman kaya ako gustong makilala ng mom ni Kristin e 'di ba nakilala na ako ng mom n'ya no'ng nasa ospital pa ko? Hayaan mo na nga. Bigla akong tinulak ni Julia. Ewan ko anong nakain nito bakit to laging nanggugulat. Aray! Ang sakit ng likod ko, tumunog. Pero salamat na din, napatunog niya 'yong likod ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad, excercise daw sabi ni Julia, may pera naman kaming pamasahe. Nasa kan'ya kase 'yong pera kaya 'di kami sumakay. Hays. Ang sipag kase maglakad. Ang sakit na nga ng likod ko pati tuloy paa ko nahawa! Pagpasok namin sa bahay nagmano ako kila mama. "Kamusta school anak?"tanong sa'kin ni lola na nagko-crosstich. Hobby n'ya 'yon kaya ang daming crosstich sa dingding ng bahay namin e. "Okay naman po, tsaka nga po pala pinapupunta ako ng mom ni Kristin sa bahay nila. Gusto daw ako po makilala,"ano ba! Nasabi ko pa 'yon? Honest kase ako e. "Ayiee! Si Julian pupunta bukas sa bahay ni Kristin! Sama naman ako," ani ni Julia habang nagpapacute. "Neknek mo! Ako nga lang daw 'di ba?"ani ko habang nang-aasar. Lakas talaga mangasar ng Julia Catarina na 'to. "Ma!? S'an ba pinaglihi 'to?"sabay turo kay Julia. "Sa ampalaya," see kaya ang bitter at kung maka-pangasar walang bukas. Nagpalit ako ng damit para makatulog. Humiga ako sa kama tapos pinikit yung mata ko. Sheteng pitungpu't pitong puting tupa! Sino ba 'yong leche flan na 'yon!? Nando'n na e, nananaginip na ako na kahalikan ko si Kristin. Putang--bakit ko ba yun napanaginipan? Bangungot 'yon. Bumangon ako sa kama. Kainis naman kase ang ganda na sana e. Ay hindi tama lang pala na nagising ako sa bangungot. Bata pa ko para mawala. Pagtingin ko sa baba nakita kong nasa bahay si Mr. Raymond kausap si Mama. May dalang kahon. Ilang segundo lang umalis din si Mr. Raymond, ba't ganon nanay lang ni Kristin ang may gustong makilala ako? Bumaba ako tapos nakita ko si mamang nakangiti. Anong ibig sabihin n'yan? Kay papa ko lang nakita na gan'yan 'yong ngiti nya kapag umaalis si papa. 'Di kaya---? No way. Ang tanda na e, nagmumurang kamatis pa. May asim pa! "Ma ano po 'yong box na 'yon? Para sa'n po 'yan?"nung una 'di n'ya narinig tapos narealize n'ya nasa likod pala n'ya ko. "Ah, 'yan ba?" "Mga bagong gamit daw, hindi ko din alam kung ano 'yan. It's a surprise daw e,"ani ni Mama. Ha?  "Bat 'di pa natin buksan para malaman natin kung anong laman n'yan?" Binuksan namin yung box, tumambad samin 'yong mga lalagyan ng cellphone. Ano pa bang laman edi cellphone. Tuwang-tuwa si Julia kaya kinuha n'ya 'yong isang box na kulay pink, tapos kinuha n'ya sa pagkakabalot 'yong cellphone. Tapos nagselfie. Talagang tatak Julia lang 'yan. Kinuha ko naman yung isang box ng cellphone. Sakto my favorite color blue. Parang ignorante talaga kami ni Julia kakakalikot ng cellphone. Ano naman kaya ang susunod na ireregalo ni Mr. Raymond sa'min? *** Pagkatapos ng klase namin, nagbihis muna ako sa bahay, first time ko kasing pupunta sa bahay nila Kristin kaya dapat pormal ang itsura ko. Pumasok ako sa bahay, walang tao, si Julia kase kasama ni Jade. Alam mo na, baka nga pinagmamayabang pa n'ya 'yong cellphone n'ya. Sila mama at lola pumunta sa palengke. Biglang nagbeep yung phone ko, may nagtext ata. From: 09********* San ka na ba? Hintayin nalang kita sa sakayan ng tricycle. Sent : 4:36 Pm Sino 'to? Si Kristin? Bakit naman sa sakayan nya ko hihintayin? Bahala na nga. Nagbihis lang ako saglit tapos pumunta na ko sa sakayan ng tricycle. Nasa'n na ba 'yon? At sa'n niya nakuha ang number ko? Hay. Ewan. "Julian!" "Ay palakang shete!"sino ba kase 'tong nanggugulat na 'to. Aatakihin ata ako sa ginawa n'ya. "Si Kristin 'to, magugulatin ka pala?" kaya nga ako sumigaw 'di ba? "Tara na ba?"tanong ko sa kan'ya, para kaseng may hinahanap sya. "Dito daw tayo susunduin ni Kuya e,"kuya n'ya? May kuya pala s'ya. Nagtext sya, 'di ko alam kung kanino pero sure ako sa kuya n'ya 'yon. "Dyan na pala si kuya. Hi kuya!"ganda ng kotse ng kuya n'ya, pangmayaman talaga. Binaba ng Kuya n'ya 'yong window ng sasakyan, "Sumakay na kayo,"ani nito. Pumasok si Kristin sa likod. Ako naman sa tabi ng kuya n'ya sa harap. 'DI naman ako naiilang sa kuya nya, pero parang nakatingin s'ya sa'kin. "So, ikaw pala si Julian?"kilala n'ya ba ko? Malamang sinabi n'ya nga pangalan ko 'di ba? Tsk. Ano bang nag-yayari sakin? "Ahm..."grabe ba't parang natakot ako bigla sa kuya n'ya? Bigla s'yang ngumiti. Ano 'to? Baliw ba s'ya? "Wag ka matakot sa'kin. 'Di ako nangangain ng tao. Ako nga pala si Tony,"inabot n'ya 'yong kamay n'ya sa'kin. Inabot ko yung kamay ko, nagshake hands kami, "Julian nga pala." Huminto kami sa tapat ng isang puting bahay. Ang ganda at ang laki no'n, "Nandito na tayo sa bahay,"sabi ni Tony. Grabe ang laki. Sabagay 'di na ko magtataka kung bakit ang laki ng bahay nila. Bumaba kami sa kotse, tapos may babaeng lumabas sa gate na kulay brown. Nakasoot siya ng kulay Red na damit. "Nand'yan na pala kayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD