Chapter 13 : Boy Talk
Julian's Pov,
"Nandyan na pala kayo."
Sumalubong sa gate ang mama ni Kristin. Nagmano ako sa kanya. "Oh pumasok na kayo sa loob at magmiryenda,"nakangiting sabi n'ya sa'min.
Pagpasok namin sa loob, ang linis pure white ang loob. Para kong nasa heaven, totoo. Halos lahat ng gamit puti. Pumunta kami sa dining room nila, ang linis ng kusina nila at may mga kasambahay din do'n na naglilinis.
"Ihanda nyo na ang miryenda ng mga bata para makakain na,"utos ni Ms. Valeen sa isang kusinera.
Habang hinahantay namin 'yong pagkain pinaupo kami ni Ms. Valeen. Iniikot ko lang 'yong mata ko sa buong kusina. Parang literal akong nakanganga sa laki ng kusina nila.
"Ang laki po pala talaga ng bahay nyo Ms. Valeen,"nakangiti lang s'ya sa'kin. Katabi ko 'yong kuya ni Kristin at kaharap ko naman si Kristin.
"Tita nalang, at tito nalang kay Raymond," sabi nito saakin. Tumango naman ako.
"Nasan po ba si Tito?"tumingin lang sa'kin si Tony.
"Nasa trabaho s'ya, hindi pa nga s'ya umuuwi dito simula kahapon?" Ano? Eh pumunta pa nga samin si Tito kahapon. Parang may problema dito. Biglang lumingon sakin si Tony, nakataas ang kilay at nakangiti.
"Julian! Gusto mo ilibot muna kita dito sa bahay?"nakangising sambit niya. Seryoso ba yung kuya ni Kristin? Parang lumakas 'yong t***k ng puso ko. Merong balak 'tong kuya ni Kristin, sigurado ako.
Hinatak n'ya ko papunta sa roof top ng bahay, ang bilis pala maglakad nitong Tony na 'to. "Alam mo bang mahal ka ng kapatid ko?"nakataas yung kilay n'ya. Anong sasabihin ko? Magdeny nalang kaya ako na 'di ko alam. Tama magdeny ako!
"Oo,"Tang--! Ano bang bibig 'to? Ang daldal. Kainis, tinakpan ko 'yong bibig ko tapos tumingin sa sahig.
"Eh ikaw? Mahal mo ba ang kapatid ko?"tinaasan n'ya ulit ako ng kilay. Anong sasabihin ko? 'Di ko s'ya tinitignan.
"Ah. . .Eh."Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang isasagot.
"Haha! 'Wag ka nga sabing matakot sakin. Alam mo ganito lang ako magsalita lalo na kapag tungkol sa kapatid ko,"Grabe pinagpawisan ako do'n ah. Ewan ko ba, nabawasan ata pagiging matapang ko.
Inakbayan n'ya ko. "Pwede mo kong kaibigan at lapitan kung gusto mo. Basta ikaw nang bahala sa kapatid ko ha? Ayaw kong umiiyak si Kristin,"tinaasan nya ko ng kilay. Syempre sino ba namang kuya ang gustong umiiyak ang kapatid n'ya?
"Kilala mo ba si Mark?"ewan ko kung bakit ko natanong 'yon. Naalala ko kase 'yong nangyari. Niyakap ni Kristin si Mark. Tumaas nanaman kilay n'ya. May manarism ba 'to na pagtaas ng kilay?
Ngumiti sya tapos nag-salita "Si Mark ba? Pinsan namin 'yon, madalas puntahan ni Kristin 'yon pag may problema s'ya. Bakit mo natanong?" Pinsan? Ba't ngayon ko lang nalaman? Hays. Atleast nabawasan 'yong pagkaselos ko. s**t! Ba't ba ko nagseselos?!
"Ah, okay,"biglang kumunot noo ni Tony. Ano kayang iniisip nito?
"Sama ka samin nila Mark at Jade bukas. Pupunta kami sa party ni Samantha. Birthday n'ya kase bukas, madaming chicks do'n"playboy din pala 'tong kuya ni Kristin. Sinama pa ko nito. Wala akong magagawa.
"Sige. Magpapaalam nalang ako kay mama. Baka kase pagalitan ako no'n, ngayon lang kase ako pupunta sa party,"ngumiti lang s'ya tapos nag-oo.
"Alam mo. Boto ako sayo, bagay kayo ng kapatid ko. Basta kapag may gusto ka kay Kristin, ako kagad ang unang lalapitan mo ah,"abno ba 'tong kuya ni Kristin? Ano bang pinagiisip nito?
"Pa'no mo ba malalaman na mahal mo ang isang tao?"ano ba talaga 'tong pambihirang bibig na 'to? Kung ano-anong pinagsasabi. Kumunot noo n'ya pero ilang segundo lang sumagot din s'ya.
"Para malaman mo na mahal mo ang isang babae, first on my list, Nagseselos ka kapag may iba s'yang kasama. Second, 'di s'ya mawala sa isip mo, hanggang matulog ka sya ang iniisip mo. Third, ayaw mo s'yang nasasaktan at umiiyak. Fourth napapasaya ka n'ya at huli may kakaiba kang nararamdaman sa kanya na 'di normal."
Nagseselos? Check. Iniisip? Buti nalang hindi hanggang pagtulog. Positive, wala kang gusto kay Kristin.
"Julian! Tony! Halina kayo kakain na, at magmomovie marathon pa tayo mamaya,"tinatawag na pala kami ni Tita kanina pa. Ang tagal pala ng naging usapan namin ni Tony.
Bumalik kami ka'gad sa dining room, miryenda time. Umupo ako kung saan ako nakapwesto kanina. Grabe ang sasarap ng miryenda nila. Miryenda lang 'yon pero parang may fiesta sa dami ng pagkain nila.
Pagkatapos namin kainin ang miryenda, nagsalita ulit si tita "Ano bang pinagusapan n'yo kanina Tony?"syempre pang lalaki lang 'yong usapan namin kanina, hindi sasabihin ni Tony 'yon sa mama n'ya.
"Ah,wala 'yon mom, panlalaki lang 'yon,"tumaas yung kilay ni tita. Mamaya mag-mamarathon pa daw kami. Eh hindi pa nga ako nakakapagpaalam kay mama.
"Tita, hindi ko po alam na magmomovie marathon po tayo mamaya kaya hindi ko po nasabi kay mama,"nanlaki yung mata n'ya tapos nagsalita.
"Ah ganon ba? Edi bumalik ka nalang dito bukas. Tutal sabado naman bukas 'di ba?"ngumiti s'ya sa'kin, nginitian ko nalang din s'ya. Pagkatapos namin kumain, naglibot kami ulit sa bahay nila. Ang laki talaga, feeling ko nga nakanganga nanaman ako kaya tumatawa sila tita.
Biglang may dumaan na ipis sa harap namin, "Argh, kadiri!" ipis lang? Sabagay babae nga naman. Tawa lang kami ng tawa ni Tony, mukha kasing bata si Kristin at si tita kanina sa kakatili.
"Manang! Paki bygon nga po 'tong ipis, baka mabasag pa ang tenga namin ni Julian kakatawa,"sinamaan ni Kristin ng tingin 'yong kuya n'ya. Pero tawa lang ng tawa si Tony.
Tinanggal ng isang kasambahay yung ipis. Binygon n'ya 'yon tapos nilagay sa trashcan. "Haha. Takot ka pala sa ipis Kristin!"ewan ko ba ba't ko 'yon nasabi. Nakakatawa naman kase 'yong mukha n'ya. Parang bomba na puputok sa sobrang pula ng mukha.
"Tse! Ewan ko sayo,"grabe ang sakit ng t'yan namin ni Tony kakatawa kila tita at Kristin.
Inakbayan ako ni Tony. "Haha. Ang sakit talaga ng t'yan ko kakatawa sa dalawang 'to," tawa parin siya ng tawa. Parang 'yun na ang pinaka-nakakatawang bagay na nangyari sa buhay niya. Tsk.
Tumuloy kami sa paglalakad. Ang laki at ang lawak talaga ng bahay nila. Bumalik kami sa sala. Puro puti ang gamit nila sa sala. Actually buong bahay. Ang linis kaya tignan. Magpapaalam na ko, padilim na din kase at napahaba yung oras ko na nandito ako.
"Tita mauna na po ako," pag-papaalam ko.
"Ah, sige ingat ka,"tumingin ako sa labas. Shoot! Ang lakas ng ulan, pa'no na ako uuwi nito?
"Ang lakas ng ulan, pa'no ka uuwi n'yan? Gusto mo dito ka muna. I-text mo nalang mama mo na 'di ka kagad makakauwi," sabi ni Tony.
"Ano pa nga ba?"nag-stay muna ako doon. Halos 30 minutes na ko na naghihintay na tumila 'yong ulan, pero 'di parin tumitigil. 7:10 na wala pa ko sa bahay. Natataranta na ko na hindi ko alam ang gagawin. Biglang ngumiti si Tita. Ano kayang balak nito?
"Kung magmovie marathon kaya tayo habang naghihintay ka na tumila 'yong ulan?"