Chapter 14

1065 Words
Chapter 14 : Conjuring Julian's Pov, "Kung magmovie marathon kaya muna tayo habang hinihintay mong tumila yung ulan?"sabi ni tita. Good idea, atleast may reason naman ako kung bakit ako umuwi ng gabi. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin kay mama na gagabihin ako umuwi kase malakas ang ulan. Tamad ako magtype kaya tinawagan ko nalang si mama. Dialing. . . Ilang dial pa ang ginawa ko pero hindi parin sumasagot sa tawag si mama. Mukhang tulog na siya. Ewan ko ba, maaga kasi natutulog si mama. Mga alas-otso palang ng gabi tulog na siya. "Your subscribers cannot be reach, please try your call later. . ." Hays. Ngayon naman cannot be reach, malayo ba' yon? Eh lagi lang namang nasa bahay 'yon. "Ano Julian? Mag-movie marathon muna tayo habang hinihintay mong tumila 'yong ulan?" feeling close agad 'tong kuya ni Kristin 'no? Sabagay parang madali naman s'yang pakisamahan e. "Ahm. Sige. Ano pa nga ba?"para silang mga bata na tumatalon na tuwang tuwa. Ang saya naman dito, ang cute nila specially si Kristin. . .Damn! Bakit ko ba s'ya iniisip? Tsk. Ano bang meron at lagi ko siyang iniisip? Maganda, matalino, mabait. Pero makulit at 'di ko s'ya type.  Ano ba 'yan pati konsensya ko pinag-tatalunan na 'yang bagay na 'yan. Kung titignan mo nga naman si Kristin. Maganda, mabait, matalino, masipag, masiyahin at cute din naman s'ya. Period. "Kukuha lang kami ng pop corn ni Tony, d'yan muna kayo Kristin,"parang sinadya talaga ng mag-Inang 'to na iwan kami ni Kristin dito sa sala. Tumalikod sila at naglakad papunta sa kusina. "So tayo nalang?"Kami nalang? Oo nga kami nalang kase wala na sila tita. Nice. Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay namin 'yong popcorn. Ang tagal naman kase dumating, parang natabunan na ng popcorn 'yong mag-ina. Biglang kumulog ng malakas kasabay ng kidlat. "Peter!"nagulat ako kay Kristin bigla kase s'yang yumakap sa'kin. Bigla nyang dinilat yung isa n'yang mata. Nakatingin lang ako sa kan'ya. Gusto ko tumawa kase sobrang takot 'yong mukha n'ya, kaso pinigilan ko lang. Binitawan nya ko tapos nagsalita. "S-sorry, nagulat lang ako sa k-kidlat,"nakatingin s'ya sa sahig. 'Di ko na talaga mapigilan yung tawa ko. Hindi ko napigilan at natawa ng malakas. Pinalo n'ya ko sa balikat ko. "Aray! Ang sakit,"tinignan n'ya ko ng masama, ano? S'ya na namalo ako pa sinisi? Pero ba't no'ng nagulat s'ya ang una n'yang sinabi ay Peter? Sino nga ba si Peter? "Nandito na ang popcorn pili nalang kayo ng papanoorin natin,"dumating sila tita, may dalang tray. Ang dami nilang dalang snacks with drinks. Tinignan ko si Kristin. "Ano 'yang tingin mo?" 'Di nya ba na gets? "It means ikaw na ang mamili ng papanoorin natin,"sabi ko. Ngumiti lang s'ya sakin. "Okay,"naghalungkat s'ya ng mga CD. Ang dami ng CD nila kaya natagalan s'ya. May nakita s'yang CD sa bandang dulo ng lalagyan. "Ito! Ang ganda nito,"binigay n'ya kay Tony 'yong CD. "The Conjuring? Eh 'di mo pa nga napapanood 'to. Baka 'di ka pa makatulog,"ani ng Kuya niya sa kaniya. "Sige na. Bibigyan kita ng favor kapag natakot ako promise,"parang batang ani ni Kristin sa kaniyang kuya. "Bahala ka, basta sinabihan kita ah?"natatawa lang si tita sa dalawa. Nakaupo kaming dalawa sa sahig. Si Tony naman nakaupo sa isang upuan, same sa mom n'ya. Pinlay namin 'yong CD. Ang lakas parin no'ng ulan. Hayaan mo na, for sure pagkatapos nito tapos na din 'yong ulan. Dalawa 'yong popcorn, hawak ko 'yong isa tapos 'yong isa hawak ni tita. Ayaw ni Tony ng popcorn kaya Piattos nalang 'yong kinakain n'ya. Tinignan ko si Kristin, niyayakap nya 'yong binti n'ya. Parang na-eenjoy pa ah. Mukhang mali 'yong kuya n'ya na matatakot s'ya. Mukha siyang excited. Nakakalahati ko na 'yong popcorn. Ang sarap kase, matignan nga kung anong popcorn 'to. Tinignan ko, kettle popcorn kaya naman pala masarap, at chocolate flavor pa. Pero si Julia ayaw n'ya 'to. Alien yata 'yon, ayaw n'ya magtry ng iba. Nasa part na kami na sinaniban 'yong nanay no'ng mga bata. Tinakluban no'ng parang paranormalist na babae 'yong nanay ng kumot. Tapos tinali nila sa upuan. Biglang lumutang yung upuan tapos bumaligtad. Tinignan ko ulit si Kristin. Hindi na 'yong popcorn 'yong nginangatngat n'ya. 'Yong kuko na n'ya sa daliri n'ya. Takot na takot, nagkamali yata ako ng sinabi kanina. Kumulog at kidlat nanaman tapos biglang namatay yung T.V. at mga ilaw. Brown-out. Yumakap ulit sakin si Kristin. Ang dilim. Hindi namin nakikita ang isa't isa. Binuksan ni Tony 'yong cellphone n'ya at tinignan kung ano nang nangyayari. "Manang! Paki sabi nga kay kuya Cosme buksan na ang generator,"sabi ni tita. Ilang minuto ding nakakapit si Kristin sa'kin. Biglang bumukas ang mga ilaw. "Go Julian!"loko din 'tong kuya ni Kristin. Alam niyo 'yong salitang awkward. Ayon kami. Nakangiti lang si tita, ang awkward kaya namin ni Kristin. Hindi na namin tinuloy 'yong panonood ng conjuring kase nawalan na kami ng gana. Ang lakas pa din ng ulan. P'ano na ko uuwi nito. It's over 10:00 Pm. P'ano na ko uuwi nito? Try ko kayang tawagan ulit si mama. Tinry ko ulit tawagan si mama. Sana sumagot na s'ya agad. Dialing. . . "O anak, anong oras na. Kanina pa kita hinihintay. Pakausap nga kay Ms. Valeen," Hinanap ko si Tita at inabot ko 'yong cellphone sa kaniya. Kumunot ang noo niya. At binigyan ako ng tingin na tinatanong kung sino ang nasa kabilang linya. "Si mama po, gusto daw po kayong makausap,"kinuha agad ni tita 'yong cellphone. "Ah, pauuwiin ko na si Julian kase baka nakakaabala na s'ya dyan. Kaya naman n'ya umuwi magisa." Kaso umuulan nga 'di ba? Paano ako uuwi? Ni payong wala akong dala. Baka mamaya wala ding sasakyan na masasakyan dahil sa malalim na ang gabi at malakas na ang buhos ng ulan. "Ay hindi, anong oras na baka kung ano pangmangyari kay Julian, at tsaka 'di pa tumitigil 'yong ulan. Alam ko na, dito nalang matutulog si Julian ngayon,"nakaloud speaker pala 'yong CP ko kaya naririnig ko 'yong boses ni mama. "Sigurado po ba kayo?" "Oo naman, madami namang kwarto dito,"I saw a curved in Tita Valeen's thin lips. "Sige po kung 'yan ang gusto niyo. Salamat." "Sige, sige, bye,"binaba ni tita 'yong phone. Dito ako matutulog? Pero 'di ako sanay matulog sa ibang bahay. "Sabi ko sa mama mo dito kanalang matutulog at bukas ka nalang uuwi, pumayag naman sya kaya sa kwarto ka nalang muna ni. . ." "Nino po?"tanong ko. "Peter?"sabay pa kaming nagsabi, kusang lumabas sa bibig ko ang Peter. Hindi ko naman inisip. Sino ba kase 'yong Peter na 'yon? "P'ano mo nalaman ang pangalan ni Peter?"tanong ni Tita saakin. Sino si Peter? Part kaya s'ya ng family o kaibigan lang s'ya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD