Chapter 15 : Date?
Jade's Pov,
Jade Clarenz Wilburt is my name. Single until I found Julia. Hindi pa kami pero malapit na. Konting suyo pa, ma-papasakin na siya. Like other girls, but I know she's special. I guess?
Ihahatid ko pa nga s'ya bukas e. Kaso 'di ako makatulog sa sobrang excited. 10:00 pm na. Nagbukas muna ako ng f*******:. Nakakabored kase. Naghahanap ako ng mga nakaonline. Ang dami, pero mas mabobored ako sa kanila kase ang kocorny nila kachat.
Makapaghanap nga ng bagong friends. Nag-search ako ng mga names ng kaklase ko. Wala kasi akong time para mag-add kase mas inuuna ko 'yong pang-bababae kesa sa gan'yang bagay.
Hays, kaso 'di ko pa alam kung kelan nila ako i-aaccept. Humiga ako sa kama, hinayaan ko lang na nakabukas 'yong f*******: ko. Tumingin sa kisame at pinikit ang mata. Irerelax ko muna ang sarili ko. Biglang nag-vibrate 'yong Cell phone ko. Dinilat ko agad 'yong mata ko tapos tinignan ko yung Cellphone ko.
Notification:
Julia Collins send you a friend request
Nanlaki 'yong mata ko. Inaccept ko agad s'ya. No'ng pinikit ko 'yong nata ko antok na antok na ko, nang naaccept ko s'ya naging dilat 'yong mata ko.
Jade Wilburt accepted your friend request.
Hays. S'ya na ata ang special one para sakin. Pero baka 'di ko mapigilang mang chicks e. Nagbeep ulit 'yong cellphone ko. Tinignan ko ulit baka kase si Julia ulit 'yon.
Julia: Gabi na ah? Bakit ka pa gising?
Concern ba talaga s'ya? Sabagay 'tong poging 'to. Madaming naghahabol dito. Halos maubos ko na nga ang mga babae sa campus kaya lumalabas na rin ako ng campus para mag-hanap ng chicks.
Jade: Di ako makatulog eh. Buti nga nandito ka para gisingin ang natutulog kong puso.
Ito yung mga naging chat namin buong magdamag. Medyo cheesy ang moves ko pero bakit um-epekto sa kaniya? Gano'n ba kababaw ang puso niya para kiligin siya?
Julia: Hihi. Ikaw talaga, susunduin mo ba ako bukas?
Jade: Oo naman, ikaw pa eh malakas ka sakin.
Julia: Salamat ah, lagi mo kong hinahatid at sundo.
Jade: Okay lang 'yon. Teka, wala namang pasok bukas 'di ba?
Julia: Ay! Oo nga pala. Sorry naman, tao lang.
Jade: Edi lumabas tayo bukas, sabado naman 'di ba?
Julia: Sige. Anong oras ba?
Jade: Hmm. . .Siguro mga dinner time, like 7pm?
Julia: Okay. Sa ministop nalang tayo magkita bukas.
After no'n wala na kong sinagot. Nakaramdam kase ako ulit ng antok. Bukas ko nalang problemahin 'yang girl na 'yan. 'Di naman ako masyadong interisado sa kan'ya dahil sa kapatid n'ya! Oo magulo ako.
Kung kanina sinabi kong siya na ata ang special sakin, nag-bago na isip ko nang mag-pop up sa utak ko ang mukha ng kuya niya.
Inagawan ako ng mga chicks. Naging heartthrob pa kase ang lintik! Sana nalang mag-hulog ulit si lord ng kagwapuhan na babagsak lahat sa'kin. Ay 'wag! Baka masobrahan ako at pati mga gurang mafall sakin.
Makatulog na nga. Baka pati sa panaginip ko nando'n si Julian. Maging bangungot pa 'yong sweet dreams ko. No way ano! Buti pa kung ang panaginip ko ay nasa harap ako ng salamin, ayun. Sweet dreams 'yon.
***
Sa sobrang excited ko, naunahan ko pang tumilaok ang manok. Nagising kase ko sa kidlat at kulog kaya nagising ako. Tumingin ako sa orasan. It was 4:00 am. Grabe halos 5 hours lang ang tulog ko. Makapag-open nga ng f*******:.
Lowbat na yung cp ko, kainis. Sinaksak ko 'yong charger, ginamit ko ng nakacharge. Walang magawa e. Tumunog ulit 'yong phone ko. May nagtext yata. Tinignan ko, si Samantha pala. Last girlfriend ko pero break na kami.
Tumunog nanaman, galing sa f*******:. Tinignan ko, sya ulit?
Notification:
Samantha tag a photo in you
Ano namang picture? Tinignan ko sa wall ko 'yong tinag sakin ni Samantha. Nanlaki 'yong mata ko, literal. Picture namin 'to ah? Pinost n'ya ba to sa lahat? Lagot ako kay Julia kapag nakita n'ya 'to.
—with Jade Wilburt-feeling Lovely.
Lovely!? Tang---! Nakakainis na talaga ang babaeng 'to!
Kainis. Naiirita ako sa mukha ni Samantha, nagpapapansin na naman s'ya! She can't accept na break na kami. I saw her kissing someone kaya. Nakipag-break ako. And I want a revenge.
Nakatanggap ako ng notification, mula sa f*******: ulit. Sana naman importanteng tao 'to. Ang aga-aga mukha ni Samantha ang bumungad saakin. Nakakairita. Damn!
Julia: Bakit ang aga mo gumising? 5:40 palang ah?
Tumingin ako sa orasan. Oo nga 'no? Pero 20 minutes nalang naman magaalarm na alarm clock ko.
Jade: Eh ikaw? Bakit ang-aga mo magising?
Julia: Kase. 'Di ako nakatulog sa sobrang excited, para sa dinner natin. Hihi.
Tsk. After 10 minutes. Sumagot rin siya.
Tinawag ako ni mommy sa sala. Iniwan ko 'yong cellphone ko na nakacharge.
"Anak! Ano ba?! Ang tagal mo naman!" Ano nanaman kayang iuutos nito sakin? "Pumunta ka sa grocery mamayang 8:00 Pm. Darating kase bukas yung tita mo,"she said. Tsk. Mamayang gabi pa pala, akala ko naman as in ngayon na.
Adopted lang ako sa Wilburt family pero masaya naman dito. Ni minsan hindi ko na tinangkang hanapin ang totoo kong magulang. Kase naiisip ko, kung mahal nila ko, hindi nila ako iiwan sa tapat ng bahay namin.
Bumalik ako sa kwarto. Wala nang message or else sa cellphone ko. Napabuntong hininga na lamang ako. What a good day to start. Mukhang magiging busy ako ngayong araw.
***
Naligo ako pagkatapos ko gumawa ng project about food web. Madali lang pero 'di madali kapag project na. Nakaka-bobo although pwedeng-pwede mo bilin ang materials. Nakaka-loko kasi 'di ko alam kung saan ilalagay ito at si ganiyan.
From : Julia <3
Dito na ako sa ministop. Saan ka nga?
Sent : 6:37 Pm
Aba hindi halatang excited 'tong babaeng 'to. Nag-reply ako sa kanya. Para hindi naman kami magaway. Gagawin ko pa siyang libangan. Kapag kase babae nag-bunganga. Maingay at mabibingi ka.
To : Julia <3
On the way na ako. Give me 10 minutes.
Sent : 6:38 Pm
***
Pumunta ako agad sa ministop. Nakita ko s'ya sa upuan. Nakaupo, kumakain ng ice cream. Pinark ko ang kotse ko doon. Mukhang hindi nahalata ni Julia ang pag-dating ko kasi nakatalikod siya saakin.
"Nauna pa ang dessert mo ah,"nagulat s'ya at natigil kumain.
"Ang tagal mo e. Kaya naglibang muna ako, tara na ba?" Sabi nito bago ubusin ang natitirang ice cream. Napalunok ako ng laway. s**t! Why do I feel seduced?
"Tara, sa'n mo ba gusto?"binaling ko ang tingin ko sa ibang bagay.
"Sa puso mo,"seryosong sabi nito. Tsk. Kung alam lang niya. Gusto ko sana isagot na overloaded na puso ko sa dami ninyo kaso baka magalit siya.
"Alam ko na. Sa Ciao Chinese restaurant,"tumaas kilay nya. Malamang hindi n'ya alam 'yon. Ignorante 'yon e. Sinakay ko s'ya sa kotse ko. Pagdating namin don. Tumingala s'ya.
"Ang laki at ang taas naman nitong kainan na 'to. Nakakalula sa taas," 3 floors lang nalulula na siya? Pumasok kami sa loob. Walang bakante sa baba kaya sa second floor kami pumwesto.
"Waiter!"lumapit samin yung waiter.
"Sir ano pong order nila?"
"Isa ngang macaroni salad at coffee, mocha,"nakatingin si Julia sa menu. Parang nanlalaki yung mga mata sa nakikita n'ya.
"Ikaw Julia? Anong order mo?"nakatingin lang 'yong waiter kay Julia. Parang natatawa. Pero kapag pinag-tawanan niya si Julia, humanda siya sakin. Argh! Damn this mind!
Sabi ko laruan lang siya. I should keep this in my mind, not in my heart cause I know, something weird is happening to me.
"Ahm. Spaghetti lang," nahihiyang sabi niya.
"Give her spaghetti and Chocolate juice salad na din,"sabi ko. "I think that's all," dagdag ko pa.
"Okay Sir, coming up!"
"Ang dami mo namang inorder. At ang mahal ng mga pagkain dito Jade," nahihiyang sambit niya habang nakayuko sa mesa.
"Okay lang 'yon. Mas mahal naman kita,"sabay kindat. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya. Tsk. Babae nga naman. Ang daling pakiligin kahit ang pangit ng line na ginagamit naming mga lalaki.
"Here you go Sir. Enjoy your food,"nakatingin lang ako kay Julia. Parang bata kase.
"Kain na,"sabi ko sa kanya. Parang nahihiya pa. Hindi yata siya sanay kumain sa harap ng hindi niya pa gaanong kilala. Well, she need to get used to it.
"Ah, okay,"inikot n'ya 'yong spaghetti tapos kinain. Ang bilis pala nito kumain. Within 20 minutes nakain n'ya na lahat ng nasa harap nya. Tumingin s'ya, parang nagtataka. Bigla s'yang nagsalita.
"Jade, I have a question," tumingin siya saakin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Is this. . .a date?"