Chapter 16 : Night with Jade
Julia's Pov,
"Is this a date?"seryosong tanong ko kay Jade. Parang kakaiba kase 'yong feeling ko about sa dinner na 'to. O baka nagaasume lang ako? Ang haba kase ng hair ko. Tumigil s'ya sa pagkain nya. Parang 'di malaman kung anong isasagot nitong Jade na 'to.
"No. It's just a dinner,"seryosong sabi niya bago ituloy ang pag-kain. I know, I assume. 'Di naman masakit. Konti lang.
Sumibangot ako. Naalala ko bukas na nga pala 'yong party. Kailangan maging perfect dance kami ni Jade bukas. "Ah. May sosootin ka na ba para bukas sa party?"tanong n'ya sa'kin.
"Hindi ko pa alam pero mamaya siguro lalabas kami ni mama para sa sosootin ko,"kaso baka baduy ang pasoot sakin no'n. Mapapahiya ko pa si Jade.
"Kung gusto mo tayo nalang ang bumili ng sosootin mo pagkatapos nating kumain?" He said without hesitation.
"Sure ka? Nakakahiya,"taas kilay kong tanong.
"Oo naman. Ikaw pa, wala naman akong gagawin mamaya kaya pwede tayong pumunta sa mall,"maikling tugon nito.
"Talaga? Salamat,"tinuloy n'ya ulit 'yong pagkain n'ya. Kung kami ni mama 'yong bibili no'n malamang sa ukay-ukay ako ibibili no'n. Hindi naman sa kinahihiya ko ang ina ko pero kase baduy si mama mamili ng damit. Hindi siya magaling pumili ng damit in short.
Konti nalang naman 'yong pagkain namin kaya mabilis kaming na tapos. Bumalik kami ulit sa parking lot para kunin 'yong kotse. Pagsakay ko para akong kinakabahan, first time ko kayang mag-mall kasama ang dance partner ko.
"Tara na?"ngumiti sya tapos pinaandar yung kotse. Obvious ba na excited ako? Kase natawa s'ya e. Nagbukas muna ako ng f*******:. Ang daming naka-online. Wala namang magandang kachat. Makapagpost nga muna ng status.
Post your Status:
With Jade Wilburt. See you to the Party! - Feeling excited.
'Di ko namalayan nasa tapat na pala kami ng SM. Bumaba si Jade tapos binuksan n'ya 'yong pinto ko. Ang gentleman n'ya talaga. Pinark n ya muna 'yong kotse n'ya sa parking lot tapos pumasok kami sa loob.
Ang lamig. Pumunta kami sa second floor. Nando'n kasi 'yong mga nagbebenta ng damit. Sa first floor kase puro pagkain lang. Nakakagutom ulit tuloy. Ayts! Kakain lang pala gutom na agad.
Umakyat kami gamit ang Escalator. Pagakyat namin sa second floor, tinuro ni Jade 'yong isang shop.
Gown & Dress Shop
Hinatak ako ni Jade. Hawak-hawak n'ya 'yong kamay ko. Nagba-blush na 'yong pisngi ko,.habang nakatitig sa magkahawak naming kamay. May tinawag syang babae, tumaas kilay ko. Girlfriend n'ya kaya 'to?
"Julia, si Ate Ella nga pala,.pinsan ko. Ate si Julia. Ahm, kai-bigan ko,"sabay kamot sa ulo. Ahh, pinsan lang pala.
"Hello,"sagot no'ng ate n'ya.
"Ikaw na bahala sa pag-hahanap ng bagay sa kanyang damit,"ano? Iiwan n'ya ko dito?
"Okay. Ako ng bahala dito kay Julia,"hinatak ako ng ate ni Jade tapos may pintuan s'yang binuksan.
"Here are my collections of gown and dresses,"nilibot ko 'yong mata ko. Akala ko wala ng ibang gown, kundi 'yong nasa labas kanina. E mas madami pang gown dito kesa sa labas e.
Pumunta sya sa bandang dulo nung kwarto. May kinuha s'yang pink na gown. Ang ganda no'n, sigurado ako mamahalin ang isang 'yon.
Ngumuti s'ya sakin tapos lumapit s'ya. "This is perfect. Ito na 'yong bagay sayo. Ano sukatin mo na?"pinapunta n'ya ko sa dressing room. Paglabas ko nakatingin sya sa malayo, nakatulala. Bigla s'yang lumingon sa'kin.
"Ano? Maganda ba?"tinignan nya ko ng maigi. Nakakunot 'yong noo, pinaikot n'ya ko tapos ngumiti.
"Perfect! Bagay na bagay sayo,"ngumiti nalang ako.
'Di na namin tinawag si Jade para malaman 'yong susuutin ko. Surprise na daw 'yon sabi ni Ate Ella sa'kin.
Mukha naman syang mabait. Pero may halong kalandian 'yong mukha n'ya. Honesty is the best policy. Lumabas ako dala 'yong gown ko na nakalagay sa isang box. Ewan ko ba bakit sa box n'ya naisipan ilagay.
"O ano? Okay ba yung gown mo?"tanong n'ya. Gusto n'yang makita kaso sabi ni Ate Ella dapat bukas na n'ya makita, ewan ko ba bakit. Malas daw. Akala ko kapag kasal lang 'yong mga gano'n?
"Oo, ang ganda nga e. Salamat ah, tara na,"sabi ko sakan'ya. Bumalik kami sa parking lot tapos sa tabi na n'ya ko pinaupo.
Habang nasa kalagitnaan kami ng daan bigla syang nagsalita ng malakas. "Oo nga pala! 'Yong pinabibili sa kin ni mommy sa grocery para kay tita!" Lumiko kami pabalik. Tapos huminto kami sa isang grocery. "Bibili lang ako ng mga snacks, gusto mo ba sumama?"
"Oo,"syempre sasama ako,ano pa bang gagawin ko dito sa kotse? Mabo-bored lang ako e. Another ginaw moments nanaman. Pumunta kami sa snack area. Halos walang bukas kung maglagay ng chichirya sa basket n'ya.
Kung anong makuha n'ya 'yon nalang yung nilalagay n'ya. Halatang nagmamadali na s'ya. Tinignan ko yung phone ko, 8:15 na pala. Ang bilis ng oras. Nagbayad kami sa cashier. Tapos umalis na din kagad. Isang box 'yong dala nya. Ang dami ba naman kaseng snacks na nilagay sa basket n'ya.
"Pupunta muna tayo sa bahay bago kita ihatid sa inyo," wala na akong magagawa. At tsaka wala namang masama kung anong oras na ko umuwi. Nagpaalam naman na ko kay mama kanina.
"Okay"'yan nalang sagot ko tapos nagpatugtog s'ya sa radyo. Hindi ko alam yung pamagat pero ang ganda no'ng song.
Pinatay n'ya din 'yong tugtog kase nasa tapat na kami ng bahay nila. Pa'no ko nalaman? Halata naman e. Alanga g hospital ang hinituan namin?
Binuksan n'ya ulit 'yong pintuan ko. "Pasok ka na do'n," papapasukin nya ko sa bahay nila? Well. . .Hinintay ko nalang sya, tapos sabay kami pumasok sa loob.
Pinaupo nya ko sa sala nila. "Mommy ito na 'yong mga groceries ko,"lumabas 'yong mommy n'ya sa kwarto tapos tumayo ako kase nakita ako ng mommy n'ya.
"Ahm. Magandang gabi po,"nagmano ako, tumaas kilay n'ya.
"Ah ma, si Julia pala. Dance partner ko para sa party bukas,"Buti nalang dumating s'ya kase nagtataka na 'yong mommy n'ya kung sino ako e.
"Nandyan na po ba si tita?"tanong ni Jade sa nanay nya.
"Ah, wala pa nga e,"nakatingin parin sa'kin 'yong mommy n'ya tapos biglang ngumiti. "So. Ikaw si Julia? Ang kapartner ng anak ko sa party bukas?"ani nito.
"Opo,"nagpaalam si Jade sa mommy n'ya na ihahatid lang n'ya ko sa bahay namin. After 10 minutes nasa bahay na ko. Kapagod ang buong araw.
"Mauna na ko Julia,"sabi n'ya sa'kin.
"Ah sige. Salamat sa gown at sa dinner ha, you made me happy today," nakangiting sabi ko.
"Welcome, goodnight,"umalis s'ya tapos pumasok na ko sa loob. Ni-lock ko 'yong gate tapos umakyat sa kwarto. Tulog na sila Julian, mama at lola,humiga ako sa kama, nilagay ko sa lamesa ng kwarto ko 'yong gown ko.
Tinignan ko ulit 'yong phone ko kase kanina pa nagbavibrate. Pagkatingin ko, There are new 57 likes in your status and 34 new comments.