Chapter 17 : Preparation
Julian's Pov,
Maaga akong nagising sa sobrang excited ko. Ngayon na kase 'yung party namin, it's December 18. Pumunta ako sa sala, gising na sila lola at mama. Nag-hahain sila ng pagkain.
Tinignan ko 'yung orasan, 6:00 palang, maaga pa. Mamayang 8 pa ang pasok namin ni Julia. "Good morning Ma, 'La,"nagmano ako sa kanila. "Ang bango naman n'yan ano po ba 'yan?"lambing ko kay mama na nagluluto.
"Asus, ang anak ko naglalambing oh. Nagluluto ako ng minatamis na saging,"ngumiti s'ya sakin.
"Gisingin mo nga ang kapatid mo para makapagalmusal na s'ya,"sabi ni lola na nag-papalaman ng tinapay.
"Opo,"umakyat ako sa kwarto ni Julia, kumatok ako ng kumatok, "Julia! Gising na! Mag-almusal na daw sabi ni lola,"parang walang tao sa loob, sa sobrang tahimik.
"Anong oras na ba?"naka-rinig ako ng hikab bago siya mag-salita. Mukhang kagigising lang niya.
"6 na po," I said with sarcasm.
"Maaga pa pala mamaya nalang,"sabi niya.
Bumaba ako ulit sa sala. "Oh, nasa'n na si Julia?"tanong sakin ni mama. Tapos na s'ya magluto.
"Ayaw pa bumaba e, mamaya nalang daw s'ya babangon,"tumaas kilay ni mama at nagtinginan sila ni lola.
"Anong oras na ba 'yun umuwi kagabi?"tanong sakin ni lola. Sa'n ba sila pumunta kahapon ni Jade? 'Yun lang ang alam kong kasama n'ya kahapon e.
"Hindi ko po alam,"tinaas ko ang balikat ko at sabay baba. Naginat-inat muna ako. Sinasabayan ko lang ang magandang araw na ito. Ayoko maging bad mood ang araw.
"Mauna na tayo kumain Julian, hayaan mo na muna matulog 'yang kapatid mo,.baka napuyat lang 'yan,"pumunta ako sa kusina. Pagkatapos namin kumain, inutusan ako ulit ni lola na gisingin si Julia.
Umakyat ako sa kwarto nya at nilakasan ko 'yung katok. Nakakahiya naman kase sa gigisingin ko e.
"Julia!gising na 7 na, bahala ka 'di mo makakasayaw si Jade mo," pana-nakot ko sa kaniya.
Bumukas agad yung pinto. Sabi na e, pagka-'Jade' ang pinaguusapan, ang bilis n'yan e. "Maliligo na ko, mag-almusal ka daw muna do'n," bumaba ako sa kwarto s'ya may binitbit s'ya na box,.'di ko alam kung ano 'yon.
Nagdala siya ng box? Sa loob ng kwarto niya? Improving na si Julia, naglilinis na ng kwarto.
"Ma, ligo na ako ah,"nakita ni mama na may hawak na box si Julia.
"Ano yang hawak mo?"tanong ni mama.
"Box, 'di ba?" She said with sarcasm. Ganiyan siya pag-bagong gising at wala pang sa-mood.
Pumasok na ko sa banyo dala 'yung damit ko, nasa kwarto yung polo na isusuot ko para sa party.
Naligo ako ng mabilis cause I'm excited. Oo nga pala natandaan ko, mamayang gabi pa 'yung dance no. Namin. Sana mafast forward na yung mga oras,nakakainip e, pero so sad na kapag natapos na.
Pagkatapos ko maligo, naligo na din si Julia. Antok na antok 'yung mukha pero sa lamig ng tubig—magigising diwa n'yan, panigurado.
"Ang lamig ng tubig!"sigaw niya mula sa banyo sa unang buhos niya ng tubig.
"Mag-bihis ka na Julian at 7:30 na,"Grabe!? 30 minutes akong naliligo? Umakyat ako sa kwarto ko para magbihis. May black polo ako at white polo, ano kayang mas maganda?
Tumapat ako sa salamin tapos tinignan ko kung anong mas bagay sa'kin. Hindi naman ako timang 'di ba? Pinili ko yung black polo, simple but looks elegant. Tapos nagsuot ako ng black pants and shoes.
Parang ang awkward ng suot ko, pero no choice ako eh, ito lang 'yung meron ako.
"Julian! Ano na?"paakyat na sa kwarto ko si mama. Inayos ko 'yung mga gamit ko,.ang g**o kase.
"Okay na po,"pumasok sa loob si mama, ngumiti s'ya sakin, alam ko na 'yang ngiti na 'yan. Kadramahan ang ibig sabihin n'yan e.
"Naku! Binata na ang anak kong si Julian,"sabi ni mama, may kaduktong pa 'yan. "Sana pagtanda mo 'wag mo kaming iiwan ng kapatid mo ah,"tanda agad? Ayoko pa nga tumanda. Si Julia iiwan ko 'yan. Wala namang pakinabang. Syempre joke 'yun.
Ngumiti sya tapos lumabas na ng kwarto. Tapos na din pala maligo si Julia, nasa kwarto n'ya na s'ya.
"Wow! Ang ganda naman n'yan anak! Ayan ba 'yung isosoot mo sa party?"ang lakas naman ng bibig ni mama. Tumingin ako sa kabilang kwarto,.kwarto ni Julia. Nanlaki 'yung mata ko, ang ganda ng sosootin n'ya, halatang mamahalin.
Parang may idea ako kung sinong bumili nyan sa kanya. Pumasok ako sa loob.
"Ang ganda nga ng isusuot, pero panget naman mag-susuot,"sinamaan ako ng tingin ng mama ko at ng kapatid ko, bakit? Totoo naman ah.
"Lumabas ka na nga, ako nang bahala kay Julia dito," Pumunta ako sa sala tapos may dumating na kotse sa tapat ng bahay namin.
Si Jade. Anong ginagawa n'ya dito, nanliligaw ba 'to? Sabagay party nga pala ngayon. Baka sinusundo niya sI Julia?
"Pasok ka muna,"sabi ni lola, s'ya kase 'yung nakaharap ni Jade. Pasalamat sya kung ako nakaharap n'ya 'di ko sya papapasukin dito.
"Magandang umaga Julian, nas'an ang kapatid mo?"anong maganda sa umaga e nandito ka na? Ewan sumama bigla ang atmosphere dito. I'm not feeling well every time na mag-kasama si Julia at Jade.
Tumaas kilay ko. 'Di kase ako boto kay Jade kase playboy yan sa school,.'di ko alam kung ilan na nakahalikan n'yan. Ang alam ko lang hindi na siya virgin pagdating sa kiss na 'yan. Baka pagkatapos nya kay Julia, iba naman ang ipalit n'ya. Baka si Kristin.
Tang--! Ano ba 'yang nasa isip ko? Lagi nalang sya. Throw it away!
"Nasa taas pa, pababa na 'yun,"sabi ko Jade. May itsura naman kaso playboy lang. Malamang may itsura! Hindi naman siya magiging playboy kung hindi siya gwapo. Ang sagwa naman siguro na panget ka tapos playboy ka. Kamusta naman.
Umupo sya sa sofa ng 'di ko sinasabi. Bastos talaga 'tong Jade na 'to. 'Yan ba ang sinasabi ng mga magulang natin na 'Magkusa ka'? Damn.
Bumaba si Julia sa hagdan, tumayo si Jade. Kahit hindi literal alam ko nakanganga 'to ngayon.
"Good morning Julia,"sabi ni Jade. Nginitian naman siya ni Julia.
"Good morning din, thank you nga pala sa pagbili ng damit ko,"sabi na e, s'ya ang bumili n'yan. Tingin ko tuloy tumaas ang landi ni Julia. Hays, hayaan na nga silang dalawa.
"Welcome,"bumaba na si mama sa hagdan, ngumiti sya kay Jade gano'n din si Jade sa kan'ya.
"Umalis na kayo at 7:45 na, baka malate pa kayo sa party n'yo,"umalis kami sa bahay. Hinatid kami ni Jade sa school, nag-lalandian sila sa kotse kaya nag-f*******: ako.
May nagpost ng status, si Kristin. Tinignan ko.
Kristin Posted her Status:
Excited much to Dance with Julian Collins at the party—feeling excited.