Chapter 23 : Awakened Julian's Pov, Madilim, masikip at tahimik. 'Yan ang pakiramdam ng nasa loob ng isang bagay na hindi ko alam kung ano. Gan'yan ang nararamdaman ko ngayon nang pagkadilat ko ng mga mata ko. Pero nakaka-pagtaka, bakit buhay pa ako? Bakit nakaka-hinga pa ko gayong wala ng hangin sa lugar ko? Hanggang kailan ako magtitiis sa lugar na ito? Hindi ko alam kung sino ako at kung ano ako. *** Julia's Pov, Anong lugar 'to? Bakit nandito ako? Ito ang mga unang tinanong ko sa sarili ko. Bakit kailangang dito pa ako humiga sa madilim at nakakatakot na lugar na 'to? Sino ba ko at na'san na ko? Masasayang lang ang kagandahan ko dito. Mga sapot at mga uod! Nag-lalapitan sa akin! Kadiri! 'Di ko alam kung bakit ako maarte pero may kinalaman kaya 'yun sa buhay ko? Kung bakit ako na

