Chapter 22 : Gone Loretta's Pov, Hays. Sana nag-eenjoy sa camping nila 'yung mga anak ko. "Anak ikuha mo nga ako ng basong tubig,"utos ni mama sakin, may sakit na kase si mama sa puso kaya kailangan bantay sarado. Hindi na rin siya makatayo kaya ako nalang ang nag-sisilbing paa niya. Pumunta ako sa kusina, kumuha ako ng baso, pero hindi ko pa man nalalagyan ng tubig 'yun. Nahulog sa kamay ko. Bigla akong kinabahan, parang may iba nang nangyari. "Anong nangyari anak?"bumaba si mama sa kwarto. Alalang-alala sa'kin. Pinilit niyang bumaba kahit mahina na ang mga paa't tuhod niya. "Ma wala po, nahulog lang po sa kamay ko 'yung baso,"sabi ko habang pinupulot ko 'yung mga malalaking piraso ng baso. Kumuha ako ng dustpan at walis tambo para mawalis ang mga natirang butil ng nabasag na baso.

