Chapter 21 : Jasmine
Julian's Pov,
Sa'n naman kaya pupunta 'tong dalawa na 'to? Gabi na, gagala pa. Tsk.
"Pupunta lang sana kami ni Julia sa taas ng bundok, sama kayo?"nakangiting yaya saamin ni Jade. Kita mo nga naman, masabi lang na may kakampi sila sa gagawin nilang gala. Hays.
"Sige, sama kami ni Julian!"hinatak ako ni Kristin, ang higpit ng hawak nya kaya 'di ako nakapalag. Daig pa wrestler nito e. Ang lakas.
Wala na akong nagawa dahil nga mas malakas sa akin si Kristin. I admit, she's stronger than me. Nakakainis lang na nahatak niya ako pasama kila Jade. Ewan ko ba kung bakit nag-padala ako. Maybe I also wanted too?
Madilim na sa paligid dahil nga malalim na ang gabi. Walang tao dahil kami nalang ang gising, at ang mga kasama namin, nasa tent at malamang malalim na ang tulog. s**t this life! Gusto ko na talagang matulog. I don't know if going outside is a good idea. Baka mamaya may mga mababangid na hayop dito.
Marahan kaming nag-lalakad patungo sa bundok. Ano ba kasing gagawin nila sa tuktok ng bundok? I hope they will live happily their.
Nakadaan kami sa kweba, may ingay na nagmumula sa loob no'n. Para tuloy kaming hinikayat na pumasok sa loob.
"Tara pasok tayo!"sabi ni Jade. Baliw ba s'ya? S'ya nalang idadamay pa nya si Julia.
"Sige, pasok tayo do'n Jade,"pag-payag ni Julia. Tsk! Hindi talaga magandang pag-samahin si Jade at Julia. Risk Taker plus uto-uto equals katangahan.
Hinatak ni Jade papasok sa loob ng kweba si Julia. Hays. Ano pa nga ba edi pumasok din kami ni Kristin sa loob. Ang daming mga paniki at ang dilim sa loob.
Kahit dahan-dahan na kaming nag-lalakad at nagiingat sa mga aapakan, hindi parin namin naiwasan ang isang butas. Bigla kaming nahulog.
Parang walang katapusan 'tong butas na 'to sa sobrang tagal namin sa pagkakahulog sa butas. Biglang bumagsak sa malambot na bagay 'yung mga pwet namin pag-katapos ng ilang minuto.
"Nasan tayo?"tanong ni Julia habang nakahawak sa braso ni Jade. Tsk. Ang pabebe eh. Ngayon, nasaan na kami?
Parang may palasyo? Pero nasa ilalim ng kweba? Nananaginip ba ko? O baka imahinasyon ko lang na may palasyo?
Naglakad kami ng dahan-dahan sa carpet na nakalatag sa gitna. Madaming tao dito, agad naming napukaw ang atensyon nila. Mukhang naging interesado din sila saamin.
"Pano sila nakapasok dito!?"
"Sino 'yang mga tao na 'yan?baka masasama 'yang mga 'yan!?"
"Ano ka ba, bampira tayo, tao lang ang mga 'yan. . ."
'Yan 'yung mga bulungan no'ng mga tao do'n sa paligid namin habang naglalakad kami. Bampira? Sinong niloko nila? Hindi kaya d**g addicts ang nandito?
Sa dulo ng carpet, may isang lalaki, nakaitim at nakaupo sa parang trono.
Tumayo sya. "Anong maitutulong namin sa inyo mga bata?"nakangiti sya. May hawak s'yang salamin na tinago n'ya no'ng makita n'ya kami na nasa harap n'ya. Mukhang gwapong-gwapo sa sarili ang isang ito.
"Ah, nawawala kase kami, pwede nyo po bang tulungan kaming makabalik sa taas?"tanong ko sa kanya pero parang dedma lang sya. Bigla naman siyang tumuwa.
"Hindi nyo ba alam? Ang lahat ng napunta dito ay hindi na makakabalik sa lupa!"sabi nya samin. Is this a kind of a joke? Gusto ko na talagang bumalik sa tent. Inaantok na talaga ako.
Ewan ko ba bakit ko naisipang samahan 'tong mga 'to, edi sana natutulog ako sa loob ng tent at malalim ang panaginip.
"Nasaan ba kami at pano kami makakabalik sa taas?"eto nanaman si Jade, nag-mamarunong nanaman! Kung hindi sana sila lumabas hindi kami mapupunta dito.
"Nasa ilalim na kayo ng mundo at hindi nyo ba narinig ang sinabi ni kamahalan? Hindi na nakakabalik sa lupa ang nakapunta dito,"singit ng isang lalaki na nanlalaki 'yung mata.
Ang weird nilang lahat. Parang halloween dito at para ring brown out dahil sa mga kandila sa bawat hakbang mo.
May isang lalaki naman ang tumatakbo papunta sa gawi ng kamahalan ba 'yun? Nevermind. Hingal na hingal, nakasuot sya ng pang-sungdalo at may hawak na sibat. Pero kulay itim parin ang suot.
"Kamahalan, si Jasmine at ang mga tauhan n'ya ay nagbalik!"sabi ng lalaki.
Nanlaki 'yung mata ng kamahalan. Wait! Don't tell me--- "Vlack?" Bulong ko sa sarili ko. Napatingin naman saakin ang kinikilalang hari ng mga tao dito. Ngumisi siya saakin. Mukhang tama nga ako.
Siya si Vlack. Dahil ang lalaking nag-huhumikahos, sinabi niya na si Jasmine ay nag-bal---Si Jasmine!? Nako patay na. Mukhang na-trap kami sa labanan ng mga bampira. Wait, bampira nga ba sila o mga deviant lang na nasa ilalim ng lupa?
"Chief Agustin, ihatid mo ang mga bata na to sa safety room at tawagin ang mga soldiers natin?"ani ni Vlack. Sabi na nga ba't siya 'yon. Dapat ba kaming matakot? O dapat pa kaming matuwa na nakita namin ang sinasabi ng tour guide?
"Yes Sir,"hinatak kami ng lalaki na may soot na pang pulis. Napansin ko lang. . .bakit ang puputi nila dito? Para silang namumutla? Sabagay hindi na kase sila nakabalik sa taas kaya hindi na naiinitan.
Baka ganon din mangyari samin! No way, hahanap ako ng paraan para makalabas kami dito. Pinasok kami no'ng Chief sa isang kwarto na may mga kawal.
"Dito lang kayo mga bata, may kailangan pa kaming gawin. 'Wag kayong lalabas kahit anong mangyari,"sino ba sya para utusan kami? Kaya namin ang sarili namin.
Sinarado nya 'yung pinto. 'Yung mga soldiers na kasama namin hindi naman nag-sasalita o gumagalaw man. May narinig nalang kaming kumakatok sa pinto. Kinakabahan ako sa katok na 'yun.
"Si Vlack ito, buksan nyo ang pinto!"binuksan ni Jade 'yung pinto, malay ba namin kung anong ginawa nya pa'no nya nabuksan 'yung pinto. Maging siya ay nagulat kung paano niya nabuksan. Maybe it's not locked.
"Kailangan na nating umalis dito, nanganganib na ang buhay ninyo,"hinatak kami palabas ng kwarto ni Vlack.
"Anong nanganganib?"ang bilis tumakbo ni Vlack as in, parang ang bilis niya ay mas mabilis pa sa dalawang pusa o chita.
"Si Jasmine ang reyna ng mga bampira ay nagbalik na,"ano namang connect namin do'n? Reyna?---Ng mga bampira? s**t!
Lumipad kami paakyat sa butas kung sa'n kami nahulog, kung kanina ang tagal namin bumagsak, ngayon naman sobrang bilis ng pagakyat namin.
"Akala ko ba wala nang nakakabalik sa lupa kapag nahulog na sa butas?"tanong ni Julia kay Vlack.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo, kailangan muna nating makalayo dito,"sabi ni Vlack habang hinahatak kami papunta sa isang puno.
Babangga na kami sa puno na yun pero hindi parin tumitigil sa pagtakbo si Vlack. Pinikit ko ang mata ko. Pagdilat ko nakita ko na nasa isang kastilyo na kami.
"Nasaan na tayo?"tanong ni Kristin. Kinikilabutan na ko sa mga nangyayari, bumaligtad ang mata ko. Kanina inaantok ako, ngayon gising na gising na ako.
"Ano ba talagang nangyayri?"tanong ko kay Vlack.
"Ang alam namin wala na si Jasmine, pero nagbalik sya upang magpalaganap ng kadiliman."
"Pero, bampira din kayo 'di ba? Edi masama rin kayo?"sabi ni Jade habang lumalayo kay Vlack.
"Hindi, kami ang tagapagbantay nitong kagubatan, nais kasing pag-tayuan ni Jasmine ito ng machine na magpapasabog sa araw upang maging madilim habang panahon at makapaghasik sila ng kasamaan. Si Jasmine ay mula sa ibang kaharian at siya ang reyna nito. Mula ako sa ibang kaharian, at ang kaharian namin ay nag-lalaban," paliwanag ni Vlack.
Biglang may pumasok na nakaitim sa loob ng puno. I assume it's Jasmine. Nakita na namin siya noon. Siya iyon at hindi ako pwedeng mag-kamali. Siya ang nakita namin sa subdivision nila Lola.
"Oo, at gagawin ko din kayong bampira,"nilabas nya yung pangil nya. Geez, ang panget pala nya kapag nakalabas 'yung pangil nya. Mukha siyang bull dog. She has a pale skin and red lips. Bampirang bampira ang dating.
Nilabas ni Jasmine 'yung mahaba nyang kuko. Sasaksakin na sana kaming apat pero naiwas kami ni Vlack. Kaso nahiwa si Vlack dahilan upang manghina sya. We feel useless lalo na't bampira sila at tao lang kami.
"Pasensya na kayo sa gagawin ko, ito lang ang paraan upang maligtas kayo, kayo na ang bahala sa kaharian ko, sooner, Julian at Julia, kasama ng mga kaibigan niyo, You'll rule our Kingdom, Lost---" nang-hihina na siya at hindi naituloy ang sinabi niya.
Naramdaman nalang namin na. . .kinagat niya kami isa-isa. Ako ang huli niyang kinagat. Tinignan niya ako sa mata na para bang may malalim na sinasabi.
Tuluyang namatay si Vlack dahil sinaksak s'ya ni Jasmine, same rin sa aming apat. Sinaksak rin kami ni Jasmine. Ako ang huling pumikit sa aming tatlo.
"Tagumpay na ang lahat, akin na itong gubat, dagdag na sa teritoryo ng aking kaharian!" Malakas na sigaw niya.
Tumayo ako kahit nanghihina ako, biglang humaba ang kuko ko at sinaksak ko sya. Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'yon na naging dahilan kung bakit namatay si Jasmine.
Bumagsak ako sa sahig, nanghihina at nawalan ng malay. Nakita ko nalang, dumating ang mga panig ni Vlack at binuhat kami isa-isa.