025 Kira Halos mapapikit ako ng biglang sumugod si Sander sa pinaka leader ng limang ugok at mabilis na binigyan ito ng malakas na suntok. Agad na kumilos yung isang lalaki para tulungan yung leader nila at sinikmuraan naman si Sander. Pero parang baliwala lang iyon kay Sander ng bigla niya itong itulak gamit ang pag sipa. Nakita ko kung gaano kalakas ang ginawa niyang pagsipa dito na halos tumalsik na ito sa malayo. "SANDER SA LIKOD MO!" sigaw ko ng makitang may gustong sumaksak sa kanya mula sa likod. Agad agad niya naman iyong nailagan awa ng dyos. Mygod! Bakit may patalim ang isang ito. Duon natigilan si Sander. "Ano Castillo? Lalaban ka pa rin ba?" Tanong ng lalaking may hawak ng kutsilyo. Hindi nag pakita ng ano mang takot si Sander. Matigas pa din ang hilatsa ng kanyang mukha

