Prologue
Prologue
"Mamay, si Zach po hinawakan ang pwet ko, kanina," umiiyak na sumbong ng isang batang babae sa kanyang ina. Ang kanyang ina na ngayon ay kasalukuyang nagsisilbi sa kanilang amo ay pinandilatan lamang siya ng mga mata na tila ba palihim siyang sinasawa na manahimik na lamang.
Ang Zach na tinutukoy ng batang si Yakira ay ang anak ng kanilang amo na ngayon ay manghang nakatitig sa kanya.
Her mother smiled apologetically to her boss. "Pasensya na po kayo sa anak ko, sir," said the mother, but the younger version of her frowned, hindi maintindihan kung bakit humihingi ng paumanhin ang ina sa amo.
"Mamay, hinawakan niya nga ang pwet ko! Bakit kayo nag-so-sorry sa daddy ni Zach? ‘Di ba dapat ang daddy ni Zach ang nag so-sorry sa atin dahil sa ginawa ng anak niya?"
Her mother's eyes widened in horror. Sinamaan niya ng tingin ang anak na ngayon ay nakasimangot at walang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi tuloy alam ng kanyang ina kung anong sasabihin nito sa amo dahil sa sinabi ng anak. Bigla itong nakaramdam ng kahihiyan para sa amo. Ngunit wala naman siyang magawa para pigilan ang bunganga ng kanyang anak na pinipilit ang kung ano sa tingin nito ay tama.
"Tama ka naman doon, hija. I should apologize for what my son did," said Mr. Walcott, smiling genuinely. The young girl smiled sweetly back at the man.
"It's okay mister. As long as hindi mo naman hahawakan ang pwet ko bati po tayo."
Muling nanlaki ang mga mata ng kanyang ina habang pumalahaw naman ng tawa ang amo sa sinabi ng batang babae. Hindi alam ng kanyang ina ang gagawin nito at masiyado na siyang napapahiya sa harap ng amo dahil sa madaldal na bunganga ng kanyang anak.
"So mister, hindi mo naman gagawin iyon di ba?"
"Of course not. Ginawa niya ba talaga iyon?"
Tumango tango ang bata at nagpapaawang sumimangot. Mr. Walcott smiled at her again bago ipinatawag ang salaring anak. Dumating naman agad ang anak nito pagkatapos ipatawag. Pinaningkitan nito ng tingin ang batang babaeng si Yakira at pinagkrus ang mga braso habang matamang tinititigan ito.
"What's the matter, Dad?"
"Son, hinawakan mo daw ang…” tumikhim ang ama bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Hinipuan mo raw si Yakira sa kanyang pang-upo. Why did you do that?"
"She has no butt, Dad. Kaya paano ko gagawin iyon?"
Agad na sumama ang tingin ng batang babae sa kararating lang na batang lalaki at nginisian lamang niya ito.
"Hindi totoo yan," mangiyak-ngiyak na untag ng batang babae at nagpapaawang tumingin sa don para humingi ng tulong dito.
"Zachary! Hindi ba sinabi ko sa iyong mali ang makipag-away sa babae? Hindi ba sinabi ko sa’yo na ang mga babae ay dapat nirerespeto?”
"Yes, Dad,” seryosong sabi ng batang lalaki sa kanyang ama.
"Kung ganoon ano ang dapat mong sabihin kay Kira?"
"I'm sorry, Kira, for caressing your non-existing butt."
Agad na pumalahaw ng iyak ang batang babae habang ang ina naman nito ay pilit na pinatatahan siya. Ang ama naman ng batang lalaki ay masamang tumingin sa kanyang anak bago ito muling pangaralan. Tila naman nabahala ang batang lalaki dahil sa pag-iyak ni Kira kaya muli itong nagsalita.
"Don't worry, Kira. Pakakasalan naman kita paglaki natin kaya huwag ka ng umiyak. I'm sorry. Hindi ko na uulitin," may sinseridad na sabi ng batang lalaki. Ang mga mata ng ama at ng taga silbi nilang ina ni Kira ay parehong nanlaki dahil sa pagkabigla sa sinabi ng batang lalaki. Hindi sila makapaniwala na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ng isang pitong taong gulang na bata.
"Paglaki natin dapat may butt ka na dahil doon lalabas ang mga baby natin," dagdag na sabi pa nito, halatang walang kaalam-alam sa kanyang sinasabi.
Sinamaan siya ng tingin ni Kira at masama ang loob na tumakbo palabas ng mansiyon. Nahihiyang nagpaalam naman ang kanyang ina sa kanyang amo bago siya nito sinundan.