Kabanata 1
Naghahanda na sa pagpasok niya si Kira nang aksidenteng matapunan ng kape ang suot-suot niyang uniporme. Agad niyang hinubad ang uniporme upang punasan ito ng medyo basang tela para pawiin ang mantsa. Hindi pwedeng mamantiyahan ang nag-iisang uniporme nito kung hindi ay hindi siya makakapasok. May mahabang pagsusulit pa naman sila ngayong araw kaya hindi siya pwedeng lumiban sa klase.
Matapos linisin ang uniporme ay handa na sana niya ulit itong suotin nang mapadako ang tingin niya sa nakaawang na pinto ng kwarto. Nanlaki ang mga mata at napaawang ang bibig niya nang makitang nakadungaw mula doon ang anak ng amo nilang si Zachary Walcott. Agad-agad niyang niyakap ang sarili.
Sinisilipan ba ako ng lokong ito? Sabi ng kanyang isip.
Sinamaan ng tingin ni Kira ang lalaki na hindi pa din umaalis mula sa pagkakasungaw sa pinto ng kwarto niya. Hindi man lang ito natinag sa kanyang pwesto. Nagulat siya ng mas lakihan nito ang uwang ng pinto at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto niya. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili.
Agad siyang kinabahan.
"Anong ginagawa mo? Lumabas ka nga!" kinakabahang sabi niya sa binata pero parang walang narinig ang loko at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa kanyang kwarto.
Isinara nito ang pinto sa likod na mas lalong nagdulot ng takot sa buong sistema ni Kira.
"Ano ba ito, Zach! Hindi na nakakatuwa! Lumabas ka na, please!" pagmamakaawa niya sa lalaking kasalukuyang nakatingin sa kanya ng seryoso. Walang mapaglagyan ang takot ni Kira sa maaaring binabalak gawin sa kanya ng lalaki. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito habang nakatitig sa kanya. Alam niya ang karakas ng lalaking ito pagdating sa mga babae, kaya mas lalong hindi niya mapigilang kabahan.
"’Wag kang lalapit!" she raised her arms forward trying to stop him from walking towards her direction. Hindi niya malaman ang gagawin nang patuloy pa din itong lumapit sa pwesto niya.
"Sisigaw ako! Peksman sisigaw talaga ako!" anang dalaga na may pagtaas pa ng kanyang kanang braso. Nangisi ang lalaki ng mapansin ang takot na takot na itsura ng babae. Tumigil siya nang makalapit sa babae.
"Z-Zach, please ‘wag..." parang maiiyak na sabi ni Kira. Alam niyang gago ang lalaki pero hindi pa din niya akalaing papasukin siya nito sa kwarto niya habang nagbibihis siya. Napakawalang hiya talaga ng loko.
"Yakira," tawag niya sa pangalan ng babae. Yumuko ang babae, yakap-yakap pa din ang sarili.
"Yakira," tawag niyang muli sa pangalan nito pero nanatiling nakatungo ang ulo ng babae.
"Yakira tumingin ka sa akin," malumanay na sabi niya na agad namang sinunod ng dalaga. Naiiiyak na tinaas nito ang tingin sa lalaki na ngayon ay matamang nakatitig sa kanya. Hinaplos ng lalaki ang kaliwang pisngi ng dalaga.
"Ayokong maulit pa ulit ito, Kira," malumanay pa ring sabi niya na nagpakunot naman sa noo ng kausap. Nagtataka si Kira sa kung anong ibig sabihin ng binata. Ano ang ayaw nitong maulit?
"Huwag na ‘wag ka ng magbibihis nang nakabukas ang pinto ng kwarto mo. Kung gusto mong mag live show tawagin mo na lang ako para mapanood ko ang palabas,” sabi nito sabay kuha sa uniporme ng babae na nasa kama. Madaling isinuot niya ito sa dalaga na ngayon ay nagulantang sa sinabi niya. Mas lalong napatulala ang babae nang ang lalaki pa mismo ang magsuot sa kanya ng damit.
Habang ibinubotones ng binata ang uniporme ng babae ay hindi nito maiwasang mag-init lalo na nang aksidenteng tumama ang kanyang balat sa dibdib ng babae. Pilit na pinigilan niya ang sarili hanggang sa matapos niya rin sa wakas ang pagbubutones sa uniporme ng babae.
Tumalikod na agad siya sa babae para lumabas na ng kwarto nito. Baka kasi kung magtagal pa siya ruon ng kahit ilang segundo lang ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili. Lalaki lang din naman siya mabilis madala sa tukso lalo na't ang kasama sa kwarto ay isang dalagang kagaya ni Kira.
Paglabas ng kwarto ng lalaki ay agad na napahawak sa dibdib niya ang babae. Nakahinga siya ng maluwag ng walang ginawang masama sa kanya ang lalaki. Akala niya talaga kanina ay nasisiraan na ito ng bait at balak siya nitong pagsamantalahan. Mabilis na kumilos siya para mag handa na. Ma-li-late na siya kapag nagpatumpik-tumpik pa siya at inisip pa ang nangyari kanina. Mamaya niya na lamang iisipin ang nangyari dahil kailangan na niya talagang pumasok sa school.
Paglabas ng kwarto ay agad na sa kusina ang diretsyo ng dalaga. Kung saan posibleng nandoon ang kanyang ina. Hindi siya nagkamali at nandoon nga ang ina. Nagpaalam muna siya rito bago siya umalis ng mansion. Hindi niya kailan man kinahiya ang estado nila sa buhay ng ina. Katulong lamang ang kanyang ina sa mansion ng mag-asawang Walcott at ang lalaking kaninang pumasok sa kwarto niya ay ang anak ng mga ito. Noong mga bata sila ay matalik na magkaibigan naman sila ngunit noong pitong taong gulang sila ay hinawakan ng lalaki ang pang-upo niya kaya mula noon ay naging mabigat na ang loob ni Kira sa lalaki. Bagamat bata pa lang sila noon ay hindi na nakalimutan iyon ng babae. Hindi na isang kaibigan ang tingin niya para sa lalaki nang hawakan nito ang pang-upo niya at matapos siya nitong asar-asarin tungkol sa pang-upo niya.
Sa magkaibang elementarya sila nag-aral dahil hindi talaga sila magkasundo ng lalaki pero nang tumapak sila ng high school ay sa parehong school na sila pumasok base na rin sa kagustuhan ng ama ni Zach. Gusto kasi nitong pabantayan kay Kira ang anak niyang pasaway na si Zach. Pero ang hindi alam ni Mr. Walcott ay hindi naman talaga binabantayan ng babae ang binata. Ni minsan ng ay hindi niya ito pinansin sa loob ng eskwelahan. Hindi rin naman siya pinapakialaman ng lalaki sa school kaya hinayaan na lang niya itong gawin ang gusto nito sa eskwelahan.
Tagaktak ang pawis ng marating niya ang eskwelahan. Huling taon na nila ngayon sa high school at nangangarap si Kira na maging valedictorian para hindi na niya problemahin ang pang tuition niya sa kolehiyo. Dahil ayon sa school ang magiging valedictorian daw nila ay may pagkakataong mabigyan ng scholarship sa college. Ngunit mayroon siyang mahigpit na kakompitensya sa school. Si Stephen Clemente ang student council president. Aminado siyang mahirap kakompitensya ang lalaki dahil kahit na tarantado ito tulad ng mga kaibigan niya ay matalino naman ito. Sa totoo nga niyan ay may nararamdaman siyang paghanga para kay Stephen. Dahil nga sa paghanga niya sa lalaki ay nakatagpo siya ng mga totoong kaibigan sa katauhan nina Louise, Kim at Liah. Ang tatlong iyon din kasi ay kapwa may gusto din sa lalaki. Meron silang sinalihan na fans club para kay Stephen at doon sila nagkakilakilala.
Mabilis na naupo si Kira sa upuan niya sa may bandang unahan dahil nasa letrang D ang apelyido niya. Malapit sa pwesto niya ang upuan ni Stephen dahil Clemente ito at De Jesus naman siya. Magkaklase sila dahil matalino silang pareho. Ang loko-lokong si Zachary ay nasa lower section dahil sa pagiging batugan nito sa pag-aral. Puro gimik at pambababae lang ang alam nitong gawin. Madalas nga itong masangkot sa mga eskandalo sa school kaya nag tataka siya kung bakit hindi pa rin ito napapatalsik hanggang ngayon sa eskwelahan.
Si Stephen at Zachary ay matalik na magkaibigan ngunit responsableng estudyante naman si Stephen kumpara kay Zach.
Pinupunasan ni Kira ang pawis sa kanyang noo nang lumapit sa pwesto niya ang isang kaklase na hahangos-hangos din tulad niya.
"Bakit, Juan Carlo?" Tanong ni Kira sa lalaking lumapit.
"Pinapatawag ka sa guidance, Yakira," sabi nito na hinihingal pa din. Nagsalubong ang parehong mga kilay ni Kira dahil sa sinabi ng kaklase. Bakit naman daw siya ipapatawag sa guidance? Agad na tumingin siya sa orasan sa loob ng silid. Seven fifty six na ng umaga at apat na minuto na lang at magsisimula na ang klase nila.
"JC, hindi ba pwedeng mamaya na lang-" Agad siyang pinutol ng lalaki.
"Hindi pwede, Yakira. Pinapatawag ka ngayon din."
Labag man sa loob ni Yakira ay nag mamadali siyang nag tungo sa guidance para alamin ang dahilan ng biglaang pagpapatawag sa kanya. Wala naman siyang ibang naiisip na dahilan para ipatawag siya duon. Nang marating ang guidance room ay agad na pinihit niya ang seradura ng pinto hindi na siya kumatok dahil nag mamadali na siyang matapos na agad ito at makabalik sa klase.
Pagkabukas ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang mukha ng guidance counselor nila na nakasimangot. May isang lalaking nakaupo sa harap nito na nakatalikod naman sa pwesto ng dalaga. Yumuko ang dalaga at bumati ng may paggalang sa guidance bago nito nilipat ang tingin sa lalaking ngayon ay lumingon na rin sa pwesto niya. Para siyang naestatwa ng makitang ang among si Zach ang nandoon.
"Ms. De Jesus, mabuti at nandito ka na. Maupo ka."
Dahan-dahang naupo ang babae sa harap ng guidance at sa tabi ng binata. Nagtataka siyang binalingan ang guidance. Hindi niya mawari ang dahilan ng pagpapatawag sa kanya nito at kung bakit andito din si Zach.
"I know you're a busy person Ms. De Jesus pero kailangan ko ang tulong mo tungkol sa lalaking ito,” paunang sabi ng guidance. Hindi parin maintindihan ng babae ang nais iparating ng matanda.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong turuan at gabayan mo ang lalaking ito. Isa siya sa mga importanteng estudyante ng eskwelahan kaya hindi siya pwedeng basta-basta na lang tanggalin dito. However kahit gaano pa man kaimportanteng estudyante ang batang ito pwedeng pwede pa din siyang mapatalsik sa paaralang ito kung hindi pa siya magtitino."
Gustong mapairap ni Kira sa pinupuntahan ng mga sinasabi ng guidance. Bakit ba kasi may mga pa espesyal pang mga estudyante? Porque mayaman sila ay may pa special treatment ng mangyayari? The heck!
"So I want you to look after him. Ililipat ko siya sa diamond section para mas mabantayan at maturuan mo siya. I want you to do everything para mapatino lang itong batang ito."
Tahimik lamang silang nakikinig pareho ni Zachary. Gustong gustong tumutol ni Kira pero alam naman niyang hindi siya pwedeng tumutol sa utos ng matanda kaya pilit na ngumiti na lang siya at tumango tango sa lahat ng sinasabi ng guidance.
Bwisit na Zachary talaga 'to! Wala ng ibang ginawa kundi ang idawit ako sa lahat ng kalokohan niya. Bwisit! Ngayon naman mawawalan pa ako ng isang quiz dahil lang sa kanya. Bwisit talaga. Nagpakahirap pa naman ako para mag review.
"Okay ba iyon sa'yo Ms. De Jesus?"
"Ah, o-opo," pilit na sabi ng dalaga. Nang mapadako ang tingin niya sa katabi ay nakangisi na ito.
Damn it!