Chapter 5

1186 Words
005 Kira's POV Hindi ko alam kung bakit ganito ako kaapektado sa halik na iyon ni Zach. Naiinis ako sa sarili ko. Wala man lang akong nagawa para pigilang mangyari iyon. Kahit kailan hindi ko pinangarap na makuha ng Zach na yun ang first kiss ko. Kahit kailan hindi ko pinangarap na mawala ang first kiss ko sa isang taong hindi ko naman mahal or worse sa taong kinaiinisan ko pa. Kung pwede lang sanang pumatay matagal na sigurong walang buhay ang lalaking iyon. Naiisip ko pa lang na maraming taon pa ako mag hihintay para lang makalaya mula sa lalaking yun  nabbwisit na ako. Bakit naman kasi ganun siya kamanyak. Hindi man lang niya ako nirespeto para namang hindi kami naging magkaibigan nung mga maliliit pa kami. Nasan na yung Zachary na nangako sa akin dati na poprotektahan at ipagtatanggol ako? Hays. Kung pwede lang sanang bumalik sa dati ang lahat pero hindi na mangyayari iyon. Hinding hindi na mabubura sa akin lahat ng kalokohang ginawa niya. Nag palipas ako ng oras sa rooftop ayun ang naging tambayan ko sa tuwing gusto kong mapagisa at mag isip isip. Kahit ayokong lumiban sa klase wala naman akong magagawa. Ayoko muna talagang makita si Zach kahit ilang minuto o oras man lang. Gusto ko munang mag pahinga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa rooftop kung hindi lang nag bell ng malakas. Agad agad akong bumangon mula sa pagkakahilig sa isang mahabang upuan dito sa rooftop. Aish! Ilang oras na kong nakatulog medyo madilim na rin ang kalangitan. Pero oo nga pala baka andun pa classroom ang manyak na yun. Mag stay pa ako ng mga ilang minuto. Naisipan kong mag stay pa muna duon ng ilan pang sandali para makatiyak akong wala na talaaga ang Zach na yun dun sa classroom namin. Pinunasan ko ang nuo ko ng maramdaman kong nag papawis iyon. Ang init naman. "Mainit ba? Sorry ang hot ko kasi." Natigilan ako ng may biglang mag salita. Nang lingonin ko ito ay agad nag salubong ang mga kilay ko. Anong ginagawa ng isang 'to rito. "Anong ginagawa ng isang Yakira De Jesus dito? Nag cutting ka ano?" Tumaas ang kilay ko. At bakiy naman daw alam ng isang ito ang pangalan ko? "Ba't mo ko kilala?" Nakataas pa rin ang kilay na sabi ko. Ang lalaking nasa harap ko ay isa sa mga lalaking kinaiinisan ko sa campus. Sa skwelahang ito may apat na lalaking kinaasaran ko at nangunguna na ruon si Zach. Sunod naman ang hambog na 'to. Naalala ko tuloy yung ginawa niyang pambabastos duon sa isang kaklase nila nuong second year. Pinahiya niya lang naman yung babae sa harap ng mga kamag-aral namin. Hay naku! "Simple lang. Dahil ikaw si Kira." "Wag mo kong tawagin sa palayaw ko. Hindi tayo close. Sige mauna na ako." Walang ganang sabi ko pero agad namang hinawakan nito ang wrist ko upang pigilan ako sa pagkilos. "Bitawan mo nga ako! Sabing hindi tayo close eh!" "Oh sorry." Nang bitawan ako ni Sander ay agad ko itong inungusan. Mygad! I hate this jerk! Lahat pala sila hate ko maliban kay Stephen. Pababa na sana ako ng rooftop ng biglang bumungad sa harapan ko si Zach. "Sander nahanap mo na— KIRA!" napatanga ako ng bigla akong yakapin ng manyak. Punyeta! Ano pa bang gusto ng lalaking to? Bakit ba ayaw niya ako tantanan kahit man lang dito sa school ay magkaruon ako ng pahinga sa kanya. Nakakapagod na kasi talagang pakisamahan ang lalaking 'to. Kung kaya ko lang talagang buhayin si Nanay para hindi na niya kailangang mag trabaho sa mga Walcott at para hindi ko na laging nakikita ang bwisit na 'to. "Saan ka ba nag pupunta? Damn!" "Eh pake mo ba! As far as I remember hindi tayo magkaano ano. Bitawan mo nga ako at uuwi na ako." "No! Sasabay ka sa akin!" "At kung ayoko?" "Sasabay ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo. Let's go." Bigla akong hinila pakaladkad ng hindot. Bwisit. Pinilit ko na lang pigilan ang sarili kong masaksak ang lalaking nanghihila sa akin ngayon. Pansin kong bitbit na din nito ang bag ko. Hay bwisit! Pag baba namin sa rooftop ay nakasunod pa rin yung kaibigan niyang bwisit din na si Sander. Habang nag lalakad papunta sa parking lot ng school ay nakasalubong namin yung tatlo pa nilang tropa kabilang na dun si Stephen. "Buti naman at nahanap mo na. Makakauwi na ba kami dude? Natulungan ka nanaming gago ka.  Yung pinag usapan ah!" May pag suntok sa balikat na sabi ni Caleb kay Zach. Nag salubong naman ang mga kilay ni Zach. "Bakit ikaw ba ang nakahanap? Gagong 'to!" "Tae yan! Ang daya mo naman Zach wala ka namang sinabing kung sino nakahanap!" Giit ni Caleb. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nitong kaibigan ni Zach. Kaya nanahimik na lang ako kahit na mayat maya kong sinusubukang tanggalin ang pagkakakapit sa akin ni Zach. Bwisit na lalaking ito. Napansin ko si Stephen na nakatingin lang sa akin. Tahimik lang ito sa isang tabi habang nakaakbay sa kanya si Ethan. Ang gwapo talaga ni Stephen. Sa kanilang lima para sa akin siya ang pinaka pogi hahahahaha pero siyempre magkakaiba naman tayo tumingin. "Ako nakahanap, dude. Akin na motor mo yun ang gusto kong kapalit." "Pakyu, Sander! Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa sasakyan ko!" "Gago sayo na saksak mo sa baga mo. Meron akong akin." "Eh bat hhihingin mo pa hayup ka?" "Eh alam kong mahalaga sayo yun kaya kukunin ko." "Pakyu ka dude. Uwi na kami." Sabi ni Zach sabay haltak ulit sa akin. Bwisit ang sakit ah. "Boner na ba?" "Gago!" "As if naman papayag yan si Ms. De Jesus." Tatawatawang sabi ni Sander. Nag tawanan na rin naman yung apat habang nakasimangot naman si Zach sa tabi ko. Napatingin ako kay Stephen. Tumatawa din siya bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil duon. Napaka abnormal talaga nitong ibang mga kaibigan ni Walcott. Hays! Napaka mamanyak ng mga isip. Nakakainis. "Tigilan niyo ako. Sa bahay namin nakatira si Kira kaya natural lang na sabay kaming uuwi." Seryosong sabi ni Zach at hinila na talaga ako palayo sa apat. At talagang pinag kalat pa niya na duon ako nakatira sa kanila? Bwisit talaga tong damuhong to. Nakakabwisit! Kahit kailan wala na siyang nagawang matino. Nang marating namin ang kotse niya ay agad niya akong pinapasok sa backseat kasama niya. Nandun na kasi si manong sa driver seat hinihintay na lang niya siguro si Zach. Hindi pa pwedeng mag drive si Zach kahit kaya na niya kasi naman minor pa lang siya. Si manong medyo nagulat ng pati ako ay makita niya sa likod. "Good afternoon po manong." Bati ko sa nagtatakang matanda. "Oh Kira ikaw pala iyan." "Opo manong." Nahihiyang sabi ko. Baka kasi may ibang maisip si manong dahil sa pagsabay sa akin ni Zach sa sasakyan niya. Oo kotse to ni Zach. Binigay sa kanya ito ng Dad niya ngunit di pa siya pwede mag drive so si Manong na lang muna ang nag ddrive para sa kanya. Ganito ba talaga pag mga mayayaman? Bibilibili ng kotse kahit hindi pa naman kailangan at hindi pa naman magagamit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD