023 KIRA Maaga akong gumising para pumasok ng school. Gusto kong mag review sa library dahil ang bwisjt na Zachary na yun ginulo nanaman ang pag rereview ko kagabi. Wala na talaga akong maasahan sa mokong na yun. Wala ng ginawa kundi ang manira ng buhay. As usual nag lalakad nanaman ako papasok ng school. Nakasanayan na din tyka magandang exercise din ito sa umaga ah. Wala pa namang araw kaya masarap mag lakad lakad. Habang nag lalakad ay may bigla na lang tumabi sa akin at sinabayan ako sa pag lalakad. Nang lingon ko ito ay si Caleb lang naman pala. He smiled at me. "Oh ikaw pala Caleb." I smiled back. "Hey. Trip mo nanaman mag lakad?" He asked. "Yeah. Magandang exercise din 'to ah. Tyka ayoko kasi sumabay sa Zachary na yun. Hindi naman lingid sa kaalaman niyo na hindi kami tala

