041 Alianna's POV "Hi! Mind if I join you?" Umiling lamang siya at ipinag patuloy na ang pagkuha ng mga litrato. Isang linggo na din ang nakakalipas since nung nabalitang si Kira na at si Zachary. Alam ko hanggang ngayon nalulungkot pa din si Stephen kasi madalas ko siyang makitang mag isa dito sa garden. Hindi ko na siya nakikitang kasama ng mga barkada niya. Naisip ko baka iniiwasan niyang mag tagpo ang landas nila ni Kira at Zach. Mapait na napangiti ako. Bakit hindi na lang kasi ako. Sana ako na lang. "Gusto mo?" Inalok ko sa kanya yung isang soda na bitbit ko. Bumili kasi ako ng mga yun bago ako pumunta dito. Ang totoo siya ang sinadya ko dito. Naawa ako sa kanya. Wala man lang gustong lumapit o gustong dumamay sa kanya. Kaya ito ko. Susubukang pagaangin ang loob niya. Tinang

