016 Kira Hindi na rin nag tagal ang mga magulang ni Zachary at umalis na rin ang mga ito dahil may importante pa ang mga itong pupuntahan. Kaya ito naiwan na nga akong mag isa kasama ng salaulang lalaking ito. Binigyan ko siya ng tingin na may halong pandidiri. Wala na talaga siyang pinipiling lugar. Daig niya pa ang 24 oras dahil wala siyang kinikilingan. Grabe talaga nakakagigil ang kamanyakan niya wala na siyang patawad. Magaling na nga talaga siya. Paano pala kung mga magulang niya ang pumasok kanina at nakahuli sa kanila ng maharot na nurse na yun? Hindi talaga marunong mag isip ang mokong na ito. Puro kasi yung ulo sa baba ang pinapagana nakalimutan ng gamitin yung ulo sa taas kaya nangangalawang na yata yung isip niyan. Ibang klase. "What?" He asked nang mapansin ang masamang

