010 Kira "What is the meaning of that, Yakira?" Maarteng tanong sa akin ni Kim. I scowled at her in annoyance. "Wala." I quickly said. Tatalikoran ko na sana siya dahil alam kong hindi nanaman siya titigil sa katatanong sa akin hanggat wala siyang nakukuhang matinong sagot. Wala naman talaga siyang makukuhang sagot sa akin dahil hindi ko rin naman talaga alam kung anong ibig sabihin ni Stephen sa pinapakita niya sa akin ngayon. Kahit ako nalilito sa biglaang pakikipag kaibigan sa akin ni Stephen. Hindi naman kami ganito nuon. Never pa nga yata kaming nag pansinan kahit mag aapat na taon na kaming mag kaklase. Well hindi naman talaga kasi pala close si Stephen sa kahit na sino. Tanging sina Zachary lang ang kinakausap nito. Maliban na lang kapag may gusto siyang babaeng kalandian. I

