027 Kira Nakarating naman kami ng maayos sa hospital makalipas ang ilang minuto lamang. Dinala kami ni Ethan sa emergency room kung saan sinugod si Sander. Agad na natanaw ko ang nakahiga at walang malay na si Sander. Nanduon si Caleb pagkarating namin. Siya ang nag babantay kay Sander. "Kira, okay ka na ba?" Wika nito pagkakita sa akin. I smiled and gentry nodded my head. Lumipat ang tingin ko muli sa nakahigang si Sander. "Kamusta na siya?" Tanong ko. Alam ko hindi naging maayos ang pakikitungo naming dalawa ni Sander sa isat isa pero kahit ganun ay nagawa niya parin akong tulungan kanina. Wala sana siya rito ngayon kung hindi niya ako tinulungan. Naguiguilty tuloy ako ngayon. Hindi ko talaga akalain na ang isang katulad niya pa pala ang mag liligtas sa akin. Maybe mali nga talag

