“S-sino ka? Anong kailangan mo sa akin?” kabadong tanong ni Nadia, halos mabasag ang boses niya sa panginginig.
Bahagyang tumagilid ang ulo ng lalaki, hindi inaalis ang malamig na tingin sa kaniya. Tila ba inaaral ang bawat galaw ng mukha niya, bawat kurba ng labi at pilikmata.
Umungol ng marahas na tawa ang isa sa mga tauhan na nakapaligid. Pero nanatiling seryoso ang lalaking nasa harap niya—matangkad, mabigat ang tindig, at tila ba anino ng panganib.
Unti-unting inabot nito ang panga ni Nadia, pinisil iyon ng mariin na para bang sinusubukan kung gaano siya katatag.
“Wala ka talagang maalala, Nadia?” mababa at mabagsik ang boses niya, halos nakadikit na ang bibig sa tainga ng babae.
Nagulat si Nadia ng mabanggit ng lalaki ang pangalan niya.
"Pa-paano mo nalaman ang pangalan ko?"
Ngumisi lang ang lalaki.
"Huwag ka ng mag-maangmaangan, babae. You are a b*tch and a liar!"
Napanganga si Nadia.
"Ha?!"
“You are a scammer!"
Napatigil si Nadia, naguguluhan, habang mariin niyang hinawakan ang braso ng lalaki para alisin ang pagkakahawak sa kanya.
“Hindi kita kilala!” halos pasigaw niyang sagot, pilit na lumalakas ang loob. “Nagkakamali ka.....!"
Muling ngumiti ang lalaki—pero ngayon ay mapait, halos hindi naitago ang sakit at galit sa kanyang mga mata.
“Hindi ako nagkakamali,” bulong niya. “Ikaw ang babaeng ginamit ako sa pang ii-scam mo… at ngayon, wala ka nang takas!"
Sumenyas siya na buksan ang pinto ng bahay.
“A-ano ang gagawin niyo sa akin?” nanginginig ang boses ni Nadia habang dahan-dahang binubuksan ng mga tauhan ng lalaki ang pintuan ng bahay niya.
Agad siyang itinulak papasok, halos matapilok siya sa pagkakadulas sa sahig. Sumunod ang matangkad na lalaki, mabigat ang bawat yabag, parang bawat hakbang ay nagbabadya ng panganib.
Isinara ng isa sa mga tauhan ang pinto, sabay i-lock iyon. Ang buong bahay ay tila lumamlam ang ilaw, parang naging kulungan na wala siyang matatakbuhan.
Muling lumapit ang lalaki kay Nadia, nakapamulsa, malamig ang ekspresyon.
“Kung anong ginawa mo sa akin…” mariing sabi niya, halos pabulong pero tumatagos, “iyon din ang pagbabayaran mo ngayon.”
“N-ni hindi ko nga alam ang sinasabi mo!” halos maiyak na sagot ni Nadia. “Wala akong ginawang masama!”
Humagalpak ng tawa ang isa sa mga tauhan. “Boss, baka nagdadrama lang ‘yan. Baka umaarte na parang inosente.”
“Lumabas muna kayo,” malamig na utos ng lalaki sa mga tauhan niya.
Nag-atubili ang mga ito, pero agad din sumunod. Bago sila lumabas, marahas nilang pinaupo si Nadia sa sofa.
Pagkasara ng pinto, nanatiling mag-isa si Nadia sa sala kasama ang estrangherong lalaki. Tahimik, maliban sa mabilis na t***k ng puso niya.
Dahan-dahang lumapit ang lalaki. Ang presensiya niya’y nakaka-intimidate, at ang titig niya’y parang tumatagos sa kaluluwa.
Napaatras sa pagkakaupo si Nadia.
"Anong gagawin mo?"
"Let's talk." Hindi niya inalis ang pagkatitig kay Nadia.
Si Nadia naman ay halos hindi makatingin. Para siyang natutunaw.
“Now, I want you to pay back the ten million pesos you scammed from me.”
Napatitig si Nadia sa lalaki, hindi makapaniwala sa mga narinig niya. Parang nanlamig ang buong katawan niya, nanginginig ang mga kamay habang hawak-hawak ang laylayan ng damit niya.
“W-what? Scam?!” halos pabulong ngunit nanginginig niyang sagot. “Hindi ko alam ang sinasabi mo… I didn’t scam you.”
Umiling siya, gulong-gulo ang isip. Paano siya nasasangkot sa ganito?
Samantala, nanatiling malamig ang titig ng lalaki, nakasandal ito sa sofa na parang siya pa ang may-ari ng bahay. Sa bawat salita niya, lalong bumibigat ang hangin sa paligid.
“Stop lying to me.” malamig ngunit madiin na sagot ng lalaki. Bahagya siyang yumuko, halos magdikit ang mga mata nila ni Nadia.
"You took my money. Oo, naawa ako sa iyo dahil malaki ang problema mo. You orchestrated everything para maniwala ako sayo. Ako naman si g*g* nagpadala naman ng pera. And now…” pinikit niya sandali ang mata, pigil ang galit, “…you’ll pay the price.”
Nanlaki ang mga mata ni Nadia, napapailing. “Hindi… you’ve got it all wrong. I’m not who you think I am! I never scammed anyone!”
Pero hindi natinag ang lalaki. Umupo ito sa tapat niya, nakasandal ang siko sa tuhod, at dahan-dahang ngumisi—ngising malamig at nakakatakot.
“Then prove it,” bulong niya. “Convince me you’re innocent, Nadia. Because right now…”
Pinakita ng lalaki ang account niya sa dating apps. Mga conversation nila. Pati mga dirty talks. Malalaswang salita.
Lumaki ang mga mata ni Nadia. Hindi siya makapaniwala. At siya talaga ang nasa profile ng apps.
At may picture pa na halos nakahubad na siya.
“No…” napapailing na wika ni Nadia, nanginginig ang boses. Hindi ako ito! Saan to galing? Paano nangyari?!”
Lumapit si Cole, halos dumikit ang mukha sa kaniya. Mariin ang panga nito, malamig ang mga mata.
“Every single conversation. Every photo. All traced back to you, Nadia. And don’t you dare tell me this is just a coincidence.”
Napatulo ang luha ni Nadia.
Gusto niyang ipaliwanag, gusto niyang sumigaw ng katotohanan, pero parang mismong ebidensya ang kumakalaban sa kaniya. Parang gumuho ang buong mundo niya sa bigat ng paratang.
Muling nagsalita si Cole, mababa ang boses ngunit matalim ang bawat salita.
“Now, Nadia… ibalik mo sa akin ang ten million pesos na ini-scam mo. Or else…” huminto siya sandali, nakatitig nang mariin, “…say goodbye to your teaching license.”
Nanlaki ang mga mata ni Nadia, halos mapahawak siya sa dibdib niya sa sobrang kaba.
“Ano? Wala akong kinuha sayo! Hindi ako ‘yung scammer na hinahanap mo!” nanginginig ang boses niya, puno ng takot. “Please… maniwala ka sa akin.”
Umiling lang si Cole, malamig ang titig.
“Don’t play innocent with me. I have all the proof.”
Napasalampak si Nadia sa sofa, umiiyak.
“Please….! Pagtuturo lang ang buhay ko, iyon lang ang kinakapitan ko. Kung mawawala ‘yon… wala na akong saysay.”
Napasandal si Cole, nanatiling malamig ang ekspresyon, pero hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Then pay me back. Or face the consequences.”
Naalala ni Nadia si Bridget. Malamang si Bridget ang may pakana nun. Ginamit lang siya.
“Sandali…” pinahid niya ang luha niya, pilit na bumabangon mula sa pagkakayuko.
“Si… si Bridget… ang stepsister ko… siya ang nasa likod nito!” halos mabasag ang boses niya sa kaba at desperasyon.
Mabilis siyang tumingin kay Cole, diretso sa mga mata nito.
“Ginamit niya lang ang pangalan ko… pati mga pictures ko, kinuha niya! I swear, hindi ako ang kausap mo sa chat! Hindi ako ang nang-scam sa’yo!”
Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Cole, pero bahagyang kumunot ang noo niya, tila nagdadalawang-isip.
“Your stepsister?” tanong niya nang mabigat. “Do you really expect me to believe that convenient excuse?”
Nagpupumilit si Nadia, halos sumisigaw na.
“Yes! Please… pakinggan mo ako! Alam kong mahirap paniwalaan, pero siya ang may motibo. She doesn't like me… hindi ako ‘yon—si Bridget ‘yon!”
Humakbang palapit si Cole, halos dumikit na ang presensya nito kay Nadia, malamig na malamig pa rin ang titig. Hindi nagbago ang ekspresyon niya—nanatiling matigas at puno ng galit.
“Nice try, Nadia,” mariing bulong ni Cole, “Lahat ng scammer may palusot. Ngayon, stepsister mo naman ang pinaparatangan mo para makawala? How convenient.”
Napasinghap si Nadia, mabilis na umiling, halos mawalan na ng boses.
“No! Hindi ako nagsisinungaling! Hindi ako liar, hindi ako scammer! Please, maniwala ka!”
Ngunit lalo pang tumalim ang titig ni Cole, halos sunugin siya ng mga mata nito.
Nanginig ang mga tuhod ni Nadia. Napahawak siya sa dibdib, naninikluhod na tila mawawalan ng lakas.
“Please, totoo ang sinasabi ko.. hindi ko gagawin ‘yon. Trabaho ko, pangalan ko, future ko ang mawawala—”
Pero malamig lang siyang tinapunan ni Cole ng tingin, walang bahid ng awa.
“Exactly. And that’s what you’re about to lose… dahil sa ginawa mo.”