Chapter 1 - Divorce
Cole Henry Rutherford, CEO, isang Bilyonaryo at may ari ng Rutherford Corporation sa New York. Lumabas ang isang magandang babae. Matangkad. Sopistikada. At may dalang long brown envelop galing sa opisina ni Cole.
Maaliwalas ang kaniyang mukha.
Mukhang naging matagumpay ang kaniyang naging pakay sa loob ng opisina.
Nakasalubong siya ni Robert Rutherford ang pinsan ni Cole.
"Hi Lizbeth, how are you?" Nakita niyang may ngiti ito sa labi. "Mukhang masaya ka yata ngayon, a?" Anito.
Inilabas ng babae ang papel sa loob ng envelop. At ipinakita kay Robert.
Isang divorce paper. Binasa pa ni Robert ito.
"Divorce paper?" Napatingin siya sa babae. "O, wow. So it means, kalag ka na rin kay Cole?"
Napatango lang ang babae. At isinilid ulit ang papel sa envelop.
"Well, that's great. Single ka na ulit. I mean, you can do whatever you want now." Sabi nito sa babae.
"I am done with Cole. Tapos na ang kontrata namin bilang mag-asawa. Alam mo naman na I have a lover before I married Cole. See you around, Robert."
Sabay talikod ni Lizbeth. Sinundan na lang ni Robert si Lizbeth ng tingin naglalakad papunta ng elevator.
Nang mawala na sa paningin niya ang babae ay pumasok na rin siya sa opisina ng pinsan.
Pagkapasok ay namataan niya ang pinsang si Cole sa desk nito. Nakakunot ang noo at busy sa ginagawa nito sa harap ng monitor. Tinapunan lang siya nito ng tingin saglit at bumalik sa ginagawa.
"Hi, Cole." Umupo ito sa sofa. At nagsindi ng sigarilyo.
Napatingin ulit si Cole. Sumimangot. "Robert, this is not a smoking area. So please, get out. I am busy!"
"Yayain sana kita mamaya sa club. Since, binata ka na ulit ngayon." Sabay hitit sa sigarilyo niya. At nagbuga ng makapal na usok na lumipad sa ere papunta sa kinauupuan ni Cole. Napa-ubo ito.
"D*mn it! Robert!" Bulyaw ni Cole.
"Ano ka ba. Usok lang yan." Pinatay na niya ang sigarilyo sa ash tray. "Ano sama ka ba?"
Tinapunan ulit ni Cole ng tingin ang pinsan. "Nope. I am busy. So stop bodering me. Wala akong panahon."
Tumayo si Robert palapit sa desk ng pinsan.
"Cole, Cole, Cole. Bro, mag-kwarenta ka na at tatlong beses ka ng divorce. Hindi ka ba nababahala? Isa sa mga naging asawa mo hindi mo man lang binuntis. Ni hindi ka man lang nag-kaanak sa kanila."
"Ano magagawa kong ayaw nila ng binhi at t*m*d ko. Pera at karangyaan lang gusto nila. Habol lang nila na makabitan ang pangalan nila ng "Rutherford." They don't deserved me. So it's better na lang na makipag-divorce."
Seryoso ang mukha ni Cole.
Mag-kwarenta na si Cole sa susunod na buwan. Tatlong beses na siyang nag asawa at tatlong beses na ring nakipag-divorce. Malaki ang company nila sa New york. At siya ang CEO.
Namatay na ang mga magulang niya. At nag-iisang anak lang siya.
Katuwang niya sa business ang Tito Mon niya na kapatid ng Daddy niya. At ang pinsang si Robert.
Ang una niyang naging asawa ay niloko siya.
Si GISELLE EVANS.
Anak ng business partner ng Rutherford Corporation. Business alliance ang dahilan ng kasal nila—pero nauwi sa whirlwind romance.
Akala ni Cole, perfect wife si Giselle. Pero iyon ang akala ni Cole. Pinagkakatiwalaan ni Cole si Giselle sa ilang negosyo, pero nalaman niya—nililipat pala nito ang company profits at shares sa sarili niyang account gamit ang connections ng tatay nito.
Nung pinaimbestigahan niya, nadiskubre rin niyang may kalaguyo pala ito—isang modelong lalaki na nakilala sa Milan.
At ang pinakamasakit? Nabuntis ito—pero hindi siya ang ama.
Tahimik na nakipag-divorce si Cole. Naibalik niya halos lahat ng kayamanan dahil sa prenup. Pero mula noon, nagbago na siya. Hindi na siya naniniwala sa "true love."
Pangalawa ay si CELINE ALBERT.
Celine ay isang French-American actress. Na-meet niya si Cole sa isang charity ball. Sa una, akala ng lahat fairy tale ang love story nila.
Sa likod ng camera, iba pala ang tunay na Celine.
Habang nasa business trips si Cole, si Celine ay may secret getaway sa isang popular na film producer.
At hindi lang iyon. Pinaasa niya lang si Cole na gusto niyang magkaanak, pero ang totoo, ayaw niya.
Hindi na ibinalita ang issue ng hiwalayan nila.
Pangatlo ay si LIZBETH JANE DEL ROSARIO
Si Lizbeth ay isang maganda at matalinong Filipina-Spanish lawyer. May ginawa silang marriage contract—isang taon lang silang kasal para makuha ni Cole ang mana mula sa papa niya.
Walang intimacy. At walang emosyon. Dahil si Lizbeth ay may boyfriend na. Kaya siya na mismo ang nagdala kay Cole ng divorce paper at pinapirmahan ito.
"Gwapo ka nga, marami naman nagkakagusto sayo pero hindi sila seryoso sayo. Pano yan tigang na tigang ka na." Biro ni Robert.
"Bweset ka, kung gusto ko ng mapagpaparausan marami diyan. Pero hindi ako ganun. Ano ginagawa ng dalawang palad ko?" Pinakita pa ang dalawang kamay sa pinsan.
Humagalpak ito ng tawa.
"Cole! Satisfied ka na sa palad mo?"
"Bakit naman hindi? Nag-iingat lang ako. Baka may AIDS pa yong matira ko. Kung wala ka nang sasabihin. Get out. I'm busy." At bumalik na ang tingin niya sa monitor niya.
Hindi ito natinag sa sinabi ni Cole. Nanatili pa rin ito. "C'mon, Cole. Concern kang ako sayo. Ayoko naman na makita kang tumanda na walang kasama sa buhay." Naglakad ito papunta sa may mini bar side ng office ni Cole. At nagtagay ng brandy sa baso. "Ano ba kasi hinahanap mo sa babae?" Dagdag pa nito.
Umiling si Cole. "Wala. Ang gusto ko lang sa babae yong mahalin niya rin ako na hindi lang yaman ko hinahabol niya. Maiibigay ko sa kaniya iyon syempre, pero ang puso niya sa akin."
"Wow! Napaka-romantic mo naman pala, Bro." Nag-isip si Robert. "What if maghanap ka ng babae na hindi alam yong status mo. Why don't you try dating apps. Maraming naghahanap ngayon ng mga ganun."
Cole smirk. "Maraming scammer sa mga ganung apps. I don't trust dating apps."
"Bahala ka nga. O, ano? Sasama ka ba?"
"Nope. After this, I am going home. At manahimik." At napa-buntonghininga.
"Ikaw. Buruhin mo na lang iyang dalawang itlog mo." Naglakad napapuntang pinto ng opisina ni Cole si Robert. Sabay malakas na tawa.
Nainis si Cole at binato niya ang pinsan ng isang libro.
"Get out!"
Tinamaan ito sa paa. Lalo siyang inasar ng pinsan.
"Haha! Bukas pag-gising mo kulubot na iyan." At tuluyan na itong lumabas ng opisina.
Napahawak si Cole sa sintido niya.
"G*g* talaga itong pinsan ko. Anito.
Malamig na ang gabi, tahimik ang penthouse ni Cole. Mag-isa siyang kumakain ng reheated steak sa mahabang table.
Naisip niya ang mga sinabi ni Robert.
Pano kung tumanda na siya. Wala man lang mag-aasikaso sa kaniya. Oo pwede naman siya mag-hire ng nurse o caregiver to take care of him pag tumanda siya. Sino magmamana ng mga ari-arian niya.
Napailing na lang siya ulit.
“Maybe love isn’t for men like me,” bulong niya sa sarili.
Tinapos na niya ang kaniyang steak.
At pumasok na sa kaniyang silid.
Kinuha niya ang kaniyang laptop at binuksan nito.
Sumagi sa isip niya ang dating apps.
Its too childish. Too desperate.
Napatitig lang siya sa harap ng monitor ng laptop.
What if I give it a try. Wala naman siguro masama. Aniya sa sarili.
Nagtipa siya sa laptop. Dating apps.
Ang unang site na nakita niya ay clinick niya agad.
Pagkatapos ay nakita niyang kailangan muna mag-register at gumawa ng profile.
Gumawa siya ng profile.
Cole, 39, Civil Engineer. Tahimik. Likes brewed coffee at meaningful conversations.
Looking for a partner na makakausap.
Nag-upload siya ng picture niya na naka-hard hat ng mag visit siya sa site ng isa sa mga building na pinapatayo ng Rutherford Corp. sa Dubai. Naka-black t-shirt lang siya at kupas na maong na pantalon. Kaya akalain mo lang din na isa siyang civil engineer. Dahil sa picture profile niya. Labas ang mapuputing ngipin niya na pantay habang nakangiti.
At labas din ang muscle niya sa braso. Dahil alaga ang katawan niya sa gym.
Hindi niya nilagay ang totoong katauhan niya. Mas maigi na iyon. Kailangan hidden muna ang identity niya. Aniya.
Pagkatapos niyang mag register ay
tahimik siyang nag-scroll. Maraming babae—lahat naka-filter, lahat ng nakikita niya sa bawat profile ay perfect ang mga mukha.
Sa kaka-scroll niya ay inantok na siya.
Hanggang sa isang simpleng profile ang tumigil sa screen niya.