Chapter 2 - Profile

1347 Words
NADIA ESTEBAN. Selfie lang sa may kanto ng tindahan ang picture profile niya. May hawak na dirty ice cream. Walang filter sa picture. Naka-cap na black. Mahaba ang buhok. Naka-white shirt at jeans. Twenty eight years old at isang elementary teacher. Nakalagay sa description pa ng profile. "Hindi ako rich girl. Simple lang ako. Gusto ko lang ng totoong kausap. I value honesty. Ang gusto ko sa isang tao ay marunong umitindi at magmahal" Napangiti si Cole. Napaka-simpleng babae. Sinubukan niyang i-message. Cole: Hi Walang reply. Mga ilang oras... wala pa rin. Napa-buntonghininga si Cole. Inantok na siya. At natulog. KINABUKASAN... Habang nagkakape si Cole sa balcony, biglang nag-vibrate ang phone niya. Dating App Notification: “You have a new message from Nadia.” Binuksan niya agad. Nadia: Hi Napangiti siya. Saglit siyang nag-isip. Ano kaya ang irereply ko? Nagtipa siya. Pero natigilan. Tumingin siya sa screen, tahimik. Hindi niya alam kung paano magsisimula ng maayos na conversation. Should I ask what she does? Compliment her photo? Too early for a joke? Nag-type siya… “Nice to meet you, Nadia.” Pero binura niya. Mas gusto niya ng casual lang. Nag-type ulit. Cole: How’s your day?" Na-send. Nag-exhale siya. Wala pa ring reply. Pero may kung anong kiliti sa loob niya. Gusto niyang makilala si “Nadia.” ************ Mainit ang hapon. Hinipan ni Nadia ang ibabaw ng tasa ng 3-in-1 coffee habang tinititigan ang mga papel na kailangan niyang i-check. Grade 2 student's ang kaniyang tinuturuan sa isang public elementary school sa batangas. Ito na ang nakasanayan ni Nadia araw-araw. Matagal ng namayapa ang kaniyang Mama. Dahil sa cancer. Nag-asawa muli ang kaniyang Papa. Ilang taon makalipas ng mamatay ang kaniyang Mama. High School pa lang siya sa noon. Hindi sila magkasundo ng stepmother niyang si Lalaine. May anak din ito na halos kasing edad niya si Bridget. Wala ng ginawa ang mag-ina sa kaniya kundi alipinin siya. Mala-cinderella din ang kaniyang buhay. Dahil mahal niya ang Papa, lahat ng inuutos sa kaniya ay sinusunod niya. May kaya naman sila sa buhay. Kaya nag-aral siyang mabuti at naging guro. Ang mag-ina naman ay nilustay lang ang kayamanan nila. Pinag-aral si Bridget. Nursing ang kursong gusto niya kaso hindi nakapag-tapos dahil nalulong sa barkada. Kaya ang trabaho niya ay online business. Ang Tita Lalaine naman niya ay sa sugal nalulong. Nalugi ang kanilang kompanya simula ng magkasakit ang kaniyang Papa ng pheumonia. Lagi ito sa ospital. Halos mag-isang taon palang na namatay ang kaniyang Papa. Init na init na si Nadia kaya hinubad niya muna ang kaniyang uniporme. May suot naman siyang sandong puti. Sa isang sulok ng faculty room ay maingay na umaandar ang bentilador na mainit din ang buga. Saktong pumasok si Jaden. Panay ang paypay. Nagrereklamo. Kasama niya ring teacher ito sa grade two. "Hay naku ano ba yan! Hanggang kailan ba tayo mag-sasuffer sa imperyernong faculty room na ito, oo! Hindi man lang concern sa atin si madam pusit hindi man lang ipa-aircon itong kwarto!" Bunganga ng kasama niya. Ang madam pusit na sinasabi niya ay ang kanilang principal. Napailing si Nadia sabay higop ng mainit niyang kape. "Huwag kang maingay, marinig ka." Lumapit ito sa kaniya habang nagpapaypay ng mabilis, pawis na pawis. "Totoo naman, no? Naku, Maam Nadia, ke init-init kapeng mainit pa rin ang hinihigop mo." "Sanay na ako." Simple niyang sabi habang nag-chechek ng mga papel. "Magpapasabay ba kayo ng bili ng fish ball kay, Manong Romy?" Tanong ng isang co-teacher niyang si Faye. "Oy, alam niyo ba, na-feature si Mang Romy sa KMJS? Kasi ginamit niya ang mukha ni Robin P. habang nag-vavlog." "Naku, uso ngayon yan, gurl ang AI apps. Naku madami na nga ang nakakapang-scam ng dahil diyan. Kaya nga mga pictures na naiipost sa social media pwede kopyahin tapos mukha mo ang gagamitin nila sa pang-iiscam." Dugtong naman ni Jaden. Nakapameywang pa ito. Kinukumpas ang pamaypay habang nagsasalita. "Depende na lang kasi talaga yan sa instensyon mo. Kung intertainment purposes lang naman. Pero kung gagamitin mo sa panloloko at magkapera, naku.....!"Dugtong pa nito. Napatingin si Nadia. “Ha? Anong AI?” “Hay naku, Nadia. Sabi ko nga yung parang fake video o photo na mukhang ikaw pero hindi naman talaga ikaw. Ginagamit 'yon sa mga scam. Kaya ingat tayo sa profile pic natin online.” Napaisip si Nadia. Hindi siya madalas nagpo-post. May ilang lumang photos siya sa social media, mga lumang pictures niya ng college. Tsaka naka-lock ang account niya. At hindi mo rin ma-search ang profile niya dahil ibang pangalan ang nilagay niya. Napailing siya. “Wala naman siguro gagamit ng mukha ko." Tumawa si Faye. “Puwede ka pa rin nilang gamitin para sa love scam.” “Love scam?” natawa na rin si Nadia. “Yung mga nagpapanggap na babae sa dating app, tapos ginagamit ang mukha ng inosente, tapos nanlilinlang ng lalaki para sa pera.” Natahimik si Nadia. "Meron din pa lang ganun?" "Oo. Kaya nakakatakot na ang social media ngayon. Pati nga boses pwede na rin magaya." Dugtong ni Faye. Saktong nag-uusap sila ng dumating si Madam Pusit. Dali-daling nagsiupuan sa kani-kanilang table ang mga guro. At si Nadia ay bumalik ang tingin sa ginagawa. Nakapameywang ito ng madatnan ang mga guro niyang nag ti-tsismisan. Sa isip ni Nadia bakit tinawag na Madam pusit ito si madam principal, e mas bagay sa kaniyang tawaging madam pugita. Kasi kahawig nito si ursula sa little mermaid. Yong boses at aura parehong pareho. Walang nag-angat ng ulo. Nakayuko lang sila. Tumingin sa orasan si madam pusit. "Alas singko na. Mauuna na akong uuwi sa inyo. Siyanga pala, tapos na ba ang pinapagawa kong program for next week. Para sa nutrition month?" Napatingin siya kay Jaden. "Mr. Policarpio? Tapos na ba?" Parang dumadagundong ang boses nito pag nagsasalita. Napa-angat ang balikat ni Jaden ng tinawag ni madam ang pangalan niya. "Ta-tapos na po, Maam Pusit." Tumaas ang kilay nito. "Anong pusit?! Paulit ulit na sinasabi ko my last name is pronounce Pu-shey! Hmmmp!" Tapos sabay talikod at lumabas ng faculty room. Wala munang huminga. Tapos ng wala na ay nagsitawanan ang mga ito. Paano naman kasi ang pangalan ng principal nila ay Sula Pochet. Sumilip si Jaden sa bintana. "Naku, Nadia. Magtago ka na. Nandiyan na yong masugid mong manliligaw." Ang tinutukoy naman ni Jaden ay si Paolo ang anak ni madam pusit. Matagal na itong nanliligaw sa kaniya. Gwapo din naman ito. Matikas. At isa itong sea man. Kaso saksakan ng yabang. Tarantang nagligpit ng mga gamit niya sa desk si Nadia. Tinulungan pa ito ng mga kasama niya at pagkatapos ay nagtago sa cr ng faculty. Saktong pagpasok niya sa cr ay narinig niya agad ang boses ng lalaki. "Si Miss Nadia?" "Ay, sir Paolo. naku, hindi po ba kayo nagkasalubong? Halos kakalabas lang ni Nadia, e." Sabi ni Jaden. "Hindi ko siya napansin. Dumaan ako sa classroom niya. Nakasarado na." Anito. "Ay, ganun ba? Baka nakauwe na." "O, sige. I go ahead. Sinundo ko na rin si Mommy. Sabay ko na sana si Miss Nadia." Konting katahimikan. "Siyanga pala. Can I use your CR?" Napamulagat si Nadia sa narinig. "Ha?" Mukhang may gulat sa boses nila Jaden ng marinig na maki-banyo ang lalaki. "A, e. Sir Paolo, Sorry kasi....sira yong inidoro namin....hindi ma-flush....may nakabara na poops, kaya..." Tarantang sagot ni Faye..... "Aw, ganun ba. Sige huwag na lang." Maya-maya ay may kumatok sa cr. Si Jaden. "Nadia, labas ka na. Wala na." Pawis na pawis na pinagbuksan ni Nadia ang kaibigan. Nagtawanan sila. "Buti nakaalis na." Anito. Napabuntonghininga si Nadia. "Kakainis ang mayabang na iyon. Kung tutuusin may girlfriend naman siya." "Alam mo naman ang mga lalaki na kagaya niyan. Two timer. Feeling niya kasi sobrang gwapo niya. Gwapo nga naman kaso saksakan ng yabang. At.....haha! mama's boy. Naku, Maam Nadia pag-yan ang nakatuluyan mo, sigurado ako hindi kayo magkakasundo ni Pusit. Tama lang yang iwasan mo yang Paolo na iyan." Sabi ni Jaden. "Ay, naku magsiuwe na nga tayo baka bumalik pa yong bagyo.....chiao!" At pakinding na lumabas na ng faculty room sina Nadia at Jaden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD