I’m a newbie writer, but back in junior high school, I used to write stories in my notebook—short stories, love stories, and sometimes even horror stories. Writing has always been a hobby of mine, but now I want to turn it into my passion.
I want to dedicate more time and effort to improving my skills, exploring new ideas, and sharing my stories with others. Writing allows me to express myself and create worlds where anything is possible.
Though the journey ahead might be challenging, I’m excited to learn, grow, and see where this passion takes me. I hope my stories can inspire, entertain, and connect with readers who share a love for storytelling. This is just the beginning, and I’m ready to take the next step in my writing journey.
Lumaki si Ania sa bukid at hacienda ng mga Alcaraz—isang simpleng dalagang tinulungan ni Don Mariano na makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa utang na loob, pumayag siyang pakasalan ang apo ng Don—si Omar. Pareho silang estranghero sa bawat isa. Dahil ang una nilang pagkikita ay sa araw mismo ng kasal.
Kaya malaki ang galit at inis ni Omar sa kaniyang lolo Mariano. Dahil sa kasal na iyon.
Sa piling ni Omar, naging malamig ang mga gabi ni Ania.
Cold. Ruthless. Full of hate.
Puro galit at poot ang itinanim sa kanya ng lalaki—galit na umusbong mula sa sama ng loob ni Omar sa sariling lolo, at ibinunton lahat kay Ania. Ginawa ni Ania ang lahat upang maging mabuting asawa, ngunit nauwi lamang ito sa pangungutya at pagwawalang-bahala.
Nang pumanaw si Don Mariano, ito na ang hudyat para kay Omar na-ipaannull ang kasal. Isinumpa ang araw na naging asawa niya si Ania.
Nagmakaawa si Ania—handang magpakumbaba, basta’t huwag lang palayasin. Ngunit walang awa si Omar. Mas pinili niyang mawala ito para makasama ang babaeng tunay niyang minamahal—si Kyla.
Naiwan ni Omar ang mga gamit niya galing sa trabaho sa sala. At nakita ni Ania ang papel ng annullment. Tahimik niyang pinirmahan ito.
Lumayo si Ania… dala ang sugat at alaala ng mapait na pagmamahal.
Paglipas ng ilang taon, muling nagkrus ang kanilang landas—ngayon, si Ania ay isa nang respetadong negosyante. At sa mapait na biro ng tadhana, siya rin ang karibal ni Omar sa negosyo… at ang tanging susi para makuha ng lalaki ang kanyang minanang yaman.
Ngunit paano kung ang babaeng minsang ipinagtabuyan ni Omar ay siya na ngayong dahilan ng kanyang pagbagsak?
At sa muling pagkikita nila… sino ang magmamakaawa ngayon?
“She begged once for love. Now, he’ll beg for her forgiveness.”
Labindalawang taon na ang nakalipas simula nang ikasal sina Ulysses at Anara… pero sa buong panahon na iyon, hindi kailanman naramdaman ni Anara ang pagiging isang babae sa piling ng kanyang asawa.
Si Anara… ay isang virgin wife.
May puwang sa pagitan nila—isang puwang na naging malalim na sugat simula pa noong gabi ng kanilang kasal.
Ang mahal ng kanyang asawa ay si Lino—ang ama ni Liam.
Ulysses was born with a rare condition—a body part male, a body part female. It made intimacy… complicated, and he hid it for fear of shame.
Isang tao lang ang nakakaintindi sa kaniya. Si Lino.
Si Liam—walong taon na mas bata kay Anara.
May ngiting mapanganib, at titig na kayang pahinain ang tuhod ni Anara.
Si Liam ang nagmulat sa natutulog niyang pagkababae…
Si Liam ay inaanak ng asawa niyang si Ulysses…
Ngayon, sa pagitan ng tukso at katotohanan, kailan ba matutuklasan ni Anara kung sino ang tunay na lalaki sa kanyang buhay… at sino ang tunay na nagmamay-ari ng kanyang puso?
Tatlong beses nang nag-asawa at tatlong beses na ring nakipag-divorce si Cole Henry Rutherford, ang 39-anyos na CEO ng Rutherford Corporation sa NYC. Matagumpay sa negosyo, ngunit hindi swerte sa pag-ibig.
Sa isang tahimik na gabi, sinubukan lang niyang makipag-chat sa isang Dating App—gusto niya may makausap.
Ang babaeng nakaagaw ng kanyang atensyon habang nag-babrowse sa Dating Apps. Si Nadia Esteban, isang simpleng Filipina na guro—
Pero may isang malaking problema.
Ang babaeng kausap niya… hindi pala si Nadia.
Ito ay ang stepsister nitong si Bridget, na ginamit ang mukha ni Nadia upang makapanlinlang sa isang bihasang bilyonaryo.
Isang love scam ang bumalot sa puso ni Cole—at bago pa man niya mabatid ang katotohanan, nakapagpadala na siya ng ₱10 milyon sa babaeng akala niya’y totoo.
Ang mas masakit?
Ang totoong Nadia ay walang alam sa panlilinlang. Ngunit dahil sa ang mukhang niya ang ginamit, siya ngayon ang pinaniniwalaang may sala.
Ano ang gagawin ni Cole na ang babaeng minahal niya online… ay isang inosenteng biktima rin? At may pag-asa pa bang umusbong ang pag-ibig mula sa isang napakapait na panlilinlang?
Lumaki si Niko Romanov na isang lider—matigas, seryoso, at walang puwang para sa damdamin. Bilang tagapagmana ng Romanov Empire, sinanay siyang piliin ang negosyo kaysa sarili. Ngunit isang simpleng pagkakabangga sa loob ng isang café sa Intramuros ang gugulo sa mundo niyang nakaplano na.
Si Alessa Vergara—malambing pero palaban—ay anak ng lalaking minsang biktima ng Romanov Corporation. Hindi niya alam na ang lalaking unti-unti niyang minamahal ay ang anak ng lalaking sinisisi ng kanilang pamilya. At hindi rin alam ni Niko na ang babae sa likod ng matapang na ngiti ay may galit na matagal nang kinikimkim laban sa kanila.
Sa pagitan ng pag-ibig at responsibilidad, sinubok ang kanilang puso. Lihim, pagtataksil, at mga kasalanang hindi nila ginawa ngunit kailangan nilang harapin. Kailangang pumili si Niko—mananatili ba siyang alipin ng kanyang ama? O sisirain ang pamana para sa isang pag-ibig na hindi niya inaasahang darating?
Sa kwentong ito ng kapatawaran at katotohanan, matutuklasan mong ang pinakamalalim na sugat… ay hindi laging galing sa mga kaaway, kundi sa mga minamahal.
Tumakas si Anthea mula sa marangyang mundo ng alta sosyedad—bitbit ang takot, galit, at puso niyang nagmamakaawa ng kalayaan. Ayaw niyang ipakasal sa lalaking pinili ng kaniyang pamilya kapalit ng pagkaligtas ng negosyo nila.
Sa isang malayong probinsya, doon niya natagpuan si Exiel—isang simpleng tricycle driver na may mabuting puso at mga matang marunong magmahal. Sa piling nito, natikman ni Anthea ang tunay na kalayaan at pagmamahal.
Ngunit ang langit na kanilang binuo ay biglang gumuho. Pinagbintangan si Exiel ng krimen na hindi niya ginawa. Nakulong. Tinorture. Nawalan ng pamilya. Nawalan ng dangal.
Pagkalipas ng ilang taon, muling binalikan ng tadhana si Anthea. Sa ngalan ng utang na loob at kasalanan ng kapatid niya, napilitan siyang pakasalan ang isang misteryosong lalaki—ang kilabot na negosyante na tinatawag na Boss X.
Hindi niya alam... si Boss X ay si Exiel—ang lalaking minsan niyang minahal... at minsang tinalikuran.
Ngayon, sa pagitan ng galit, pag-ibig, at mga pilat ng kahapon—sino ang mananatiling buhay? At sino ang tunay na bilanggo?
Winasak ang puri ni Naya Castello sa isang gabing puno ng kawalan ng pag-asa at matinding kalungkutan. Sa edad na 29, nananatili siyang nasa poder ng kanyang ama, si Atty. Carl Castello, matapos iwanan ng kasintahan para sa ibang babae. Sa kanyang desperasyon, nakipag-one-night stand siya sa isang estranghero, hiniling na buntisin siya nito—subalit nag-ingat ang lalaki. Hindi siya papayag na matapos ang lahat nang wala siyang napala, kaya sa isang mapanlinlang na hakbang, sinira niya ang proteksyong ginamit ng lalaki.
Ngunit ang tadhana ay may mas masalimuot na plano. Habang pilit niyang binubuo muli ang kanyang buhay, natuklasan niyang ang estrangherong bumalot sa kanyang katawan at puri noong gabing iyon ay si Nikolai—ang mabagsik na CEO ng kumpanyang kanyang inaaplayan, isang lalaking may kaugnayan sa nobya ng kanyang ama, at isang sadistang kilabot pagdating sa babae.
Ngayon, isang tanong ang bumabagabag kay Naya—nabuntis nga ba siya sa gabing iyon? At kung matuklasan ni Nikolai ang kanyang ginawa, sino nga ba ang tunay na mawawasak—siya o ang pusong matagal nang pinaglaruan ng tadhana?
Si Annie ay bata pa lamang nang magsimulang magtago ng isang lihim na damdamin para sa kanyang Tito Isaiah—isang paghanga na, sa kanyang murang isipan, ay nahulog sa landas ng kalituhan. Sampung taon pa lamang siya nang mapansin niyang may kakaibang damdamin ang umusbong sa kanya. Alam niyang mali ito, kaya't pinili niyang umiwas, itinatago ang lihim sa kanyang puso, natatakot na baka magdulot lamang ng kalituhan at sakit sa kaniyang nararamdaman.
Ngunit labinglimang taon ang lumipas at nagkita sila muli. Paano niya haharapin ang nararamdaman ngayon? At paano niya ipapaliwanag ang damdaming matagal na niyang itinago?
Si Danilo Alfonso Montemayor III, o Dane, ay isang makapangyarihang CEO na kilala sa pagiging palalo at mailap sa publiko. Ang lahat ng bagay sa kanyang buhay ay nasa ilalim ng kanyang kontrol—hanggang sa dumating si Natalie.
Si Natalie, isang receptionist sa hotel ng Montemayor, ay napilitang ipakasal sa matandang Don Montemayor bilang kabayaran sa utang ng kanyang ama. Galit si Dane at handang gawin ang lahat para pigilan ang kasal—hindi niya alam na si Natalie ang babaeng minsan niyang nakasama sa isang gabi ng hindi inaasahang pagkakamali.
Sa gitna ng galit at lihim, magbabago kaya ang kanilang kapalaran?