TCBO - 1
NAHARA POV
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanto.
Pawis na pawis ako.
Kakaligo ko lang. Buti na lang wala akong putok pag pinagpawisan ang kilikili ko.
“Para po! Para!” sigaw ko habang kumakaway sa jeep na paparating.
First day ko sa trabaho at ayokong ma-late.
Kakagraduate ko lang ng koliheyo at nag tapos ako bilang BS Statistic. Nag-graduate ako na c*m Laude. At ngayon natanggap ako bilang Junior Data Analyst sa Dela Roca Enterprises.
Isa sa pinakamalaking establishment at pinakamalaking company sa buong lungsod.
Pili lang ang nakakapasok sa kompanyang ito. Halos ang mga natatanggap ay mga tapos ng koliheyo at nasa prestigious university pa daw galing.
Strikto daw ang may ari.
Ipinangako ko sa sarili ko na makakapasok ako sa ganitong kompanya.
At natupad naman.
Ulila na ako. Wala na akong mga magulang. Iniwan ako ng tiyahin ko sa isang bahay ampunan.
May kaya ang tiyahin ko. Kapatid ng tatay ko. Kaso nang mamatay sila sa aksidente.
Iniwan ako sa tiyahin ko. Kaso pabigat daw ako sa kanila.
Walong taong gulang ako noon.
Alam kong may iniwan ang mga magulang ko sa tiyahin ko. Savings para sa akin. Para sa pag-aaral ko.
May bakery kasi kami noon.
Inggit na inggit ang tiyahin ko dahil kahit papaano umasenso kami noon.
Noong mamatay ang mga magulang ko iniwan niya ito sa tiyahin kong si Tiya Adina. Pero sabi niya iyon daw ang ginamit niya sa pagpapakain sa akin at pagtira ko sa kanila.
Sabi ng kapitbahay ginamit daw ng tiyahin ko sa pagbili ng kotse. Wala pa nga akong isang taon tumira sa kanila. Dinala na niya ako sa ampunan.
Simula noon. Wala na rin may nag-ampon sa akin. Pinag-aral ako ng mga madre. Hanggang makatapos ng hanggang Senior High School. Pero hindi ako tumigil. Nag working students ako para matustusan ko ang pag-aaral ko sa koliheyo.
Lagi kami nagkikita ng pinsan kong si Aliza. Ang anak ni Tiya Adina.
Hindi kami magkasundo kahit noong nakatira ako sa bahay nila.
Kaya kahit sa eskwelahan ay iniiwasan ko siya.
Pero ng mag-aplay ako sa Dela Roca Enterprises ay nanduon din siya. At isang department lang kami. Pero nauna lang siya na-hire. At na-hire siya kaagad dahil ninong niya ang isa sa mga manager doon sa ibang department.
Hindi na siya dumaan sa proseso ng hiring dahil may backer siya.
Ako ngayon pa lang. Dahil dumaan ako sa proseso ng hiring.
First day ko palang today.
Kaya hindi puwedeng ma-late.
Huminto ang jeep sa harap ko at agad akong sumakay, hingal na hingal pa habang inaayos ko ang bag ko sa kandungan ko.
Habang umaandar, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
Dela Roca Enterprises.
Sa pangalan pa lang, alam na ng lahat kung gaano kabigat ang mundo ng kompanyang ito.
Sabi nila, strict daw ang CEO.
Isang mali lang… tapos ka na.
Huminga ako nang malalim.
“Lord, sana po hindi ako ma-late,” bulong ko.
Tumingin ako sa bintana habang dumadaan ang mga sasakyan, mga tao, at ingay ng umaga sa buong ka-maynilaan.
Pero sa loob ko, parang ang ingay ay lalong nakakapagpakaba sa akin.
Kaba na hindi ko maintindihan.
Parang may nagsasabi na hindi ordinaryo ang araw na ito.
Ilang minuto ang lumipas.
Nasa harap na ako ng Dela Roca Enterprises.
Napahinto ako.
Ang taas ng building. Nangawit na nga ang leeg ko sa kakatingala.
Kasi nasa 45th floor ang pupuntahan ko.
Humigpit ang hawak ko sa ID ko.
“Kayang-kaya mo ‘to, Nahara,” bulong ko.
Huminga ako nang malalim.
Tapos humakbang na ako papasok ng building.
Pinakita ko ang ID sa guard na staff ako. At pinapasok naman ako kaagad.
Tapos mabilis naman ako nakasakay ng elevator. Siksikan.
Nagulat ako ng makasabay ko pa sa elevator ang pinsan kong si Aliza.
Ngiting irritable ang ginawad niya sa akin. Hindi ko na pinansin.
Marami na ang nagsibabaan sa ibang floor. Hanggang sa dalawa na lang kami ng pinsan kong si Aliza. Hinarap niya ako.
"Hmm! Sa tingin mo magtatagal ka rito? Gagawin ko ang lahat para hindi ka magtagal rito."
Napaatras ako at saktong bumukas ang pintuan ng elevator.
May pahabol pa ito.
"Good luck on your first day."
Maganda si Aliza. Sexy. Iyon nga lang mana sa mama niyang masama ang ugali.
Pagkarating namin sa 45th floor.
Nauna na siyang lumabas.
Sumunod ako.
Pagpasok ko sa loob, agad akong sinalubong ng malamig na hangin at mas malamig na mga tingin.
Walang ngumingiti.
Lahat abala.
Parang walang gustong tumingin nang matagal sa baguhan na tulad ko.
“Miss Valencia?”
Napalingon ako.
Isang babae—sekretarya, mabilis ang kilos nito.
“O-opo?” sagot ko.
“Ikaw yung bagong data analyst?”
“Opo, ma’am.”
Tumango siya agad.
“Good. Kailangan ko ng report mo. For CEO presentation today. I am Sofia."
Natigilan ako. Tapos iniabot ko ang kamay ko.
“Today po?”
“Now,” diretso niyang sagot habang inaabot ang folder at USB.
“Clean data, insights, summary. Dapat walang mali. Ayaw ng CEO ng errors.”
Humigpit ang hawak ko sa binigay niya.
“Noted po.”
“Don’t fail,” dagdag niya bago umalis. “First impression mo ‘to sa kanya.”
At nawala siya agad sa harap ko.
Umupo ako sa desk na itinuro sa akin.
Binuksan ko ang files sa computer.
Tinignan ko ang laman.
Napaka-complex.
Pero kaya. Pamilyar naman sa akin.
Kaya nag-focus ako kaagad.
Kaya ko ‘to.
Habang tumatakbo ang oras, unti-unti kong inayos ang data—linis dito, check doon, ayos ng graphs, rewrite ng summary.
Ramdam ko ang tensyon sa paligid, pero hindi ako sumuko.
Pagkakataon ko na ito. Kailangan kong magpa-impress ngayong first day ko.
“Done,” bulong ko matapos ang kalahating oras.
Tumayo ako.
Kinuha ko ang USB.
At naglakad papunta sa executive unit.
Pagpasok ko sa meeting area, mas lalong lumamig ang hangin.
Tahimik.
Nakita ako ng secretary at iniabot ko sa kaniya ang usb.
Kinuha niya ang usb at naglakad papunta sa lalaking nakaupo sa pinaka-sentro ng silid.
Naka-upo ito na nakatalikod.
Likod pa lang ng lalaki ay mabigat na ang aura nito.
“Sir, this is the report for your presentation,” sabi ng secretary habang inaabot ang file.
Sa unang pagkakataon, nakita ko siya nang malapitan.
Inikot nito ang swivel chair.
Lumaki ang mga mata ko.
Si Marius Maximus Dela Roca ang CEO ng DELA ROCA ENTERPRISES.
Ang gwapo pala niya sa personal
Pero dark ang aura.
Hindi nakangiti.
Hindi siya nakatingin sa akin.
Kinuha niya ang USB, binuksan ang file, at tiningnan ang screen.
Sandali lang.
Seryoso ang mukha niya.
Pero sapat para maramdaman ko ang kaba sa dibdib ko.
“Wait.”
Malamig ang boses niya.
Natigilan ako.
Tumigil ang lahat sa loob ng conference room.
Muling tiningnan niya ang screen.
Hindi siya nagsasalita.
Hindi rin siya kumikilos.
Pero habang tumatagal ang katahimikan, mas lalo akong kinakabahan.
“Who made this report?”
Napayuko ang secretary.
Walang sumagot.
Kaya nilunok ko ang kaba ko.
“Sir... ako po.”
Unti-unti niyang iniangat ang ulo niya.
At doon ko nasilayan nang maayos ang mukha ni Marius Maximus Dela Roca.
Matalim ang panga.
Malamig ang mga mata.
At parang walang puwang ang awa sa buong pagkatao niya.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
Parang sinusukat kung karapat-dapat ba akong huminga sa parehong silid na kinaroroonan niya.
“You made this?”
“Opo, sir.”
Tumayo siya.
Agad na tumahimik ang lahat.
Pati ang mahinang tunog ng pagtipa sa laptop ay nawala.
Lumapit siya sa malaking screen.
At itinuro ang isang bahagi ng report.
“This figure.”
Nanlamig ako.
May isang value na hindi tugma sa summary.
Napakaliit.
Isang bagay na kaya kong ayusin sa loob ng ilang segundo.
“Sir, I can correct that immediately po.”
Lumingon siya sa akin.
“Immediately?”
Tumango ako.
“Opo, sir.”
Bigla siyang tumawa.
Mahina.
Pero walang bahid ng saya.
“Interesting.”
Mas lalo akong kinabahan.
“First day mo?”
“Opo.”
Napakurap ako.
Tumango siya.
Parang may iniisip.
Pagkatapos ay muling tumingin sa screen.
Nagtanong.
"What's your name?"
Napahawak ako sa isang kamay ko.
"I-im Nahara Valencia po, Sir."
Nanginginig ang mga kamay at kalamnan ko.
"Oh, so you are the c*m Laude.
Ganito ba ang kalidad ng mga c*m Laude ngayon?”
Parang may bumuhos na malamig na tubig sa ulo ko.
May ilang empleyadong napayuko.
May ilan namang pasimpleng nagkatinginan.
Nanduon ang pinsan kong si Aliza.
Lihim na napangiti. Parang gusto niya ang nangyayari sa akin.
Ramdam ko ang init na gumapang sa pisngi ko.
“Sir, isang value lang po iyan. Nasa source file po ang tamang data. Hindi lang po na-update ang final summary—”
“Stop talking.”
Naputol ang sasabihin ko.
Parang may humarang sa lalamunan ko.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
“You had one job.”
Tahimik.
“Just one.”
Humakbang siya palapit.
Hanggang sa pakiramdam ko ay lumiliit ako sa bawat segundo.
“Alam mo kung magkano ang mawawala sa kompanyang ito kapag mali ang data na ipinresenta ko?”
Hindi ako makasagot.
“Do you?”
“H-Hindi po, sir.”
“Exactly.”
Tumalim ang tingin niya.
“Saang lupalop ka ba galing?”
Nanigas ako.
“Sir—”
“Because even a grade school student knows how to double-check numbers.”
Parang may humampas sa dibdib ko.
Narinig ko ang mahinang paghinga ng mga taong nakapaligid.
Lahat sila nakatingin.
Lahat sila nakikinig.
At lahat sila nakikita kung paano niya ako unti-unting dinudurog.
“Sir, please. Give me five minutes.”
“Five minutes?”
Tumawa ulit siya.
Mas malamig.
Mas mapanlait.
“Why would I waste five minutes on someone who already proved she can't do her job?”
Napayuko ako.
Hindi dahil wala akong sagot.
Kundi dahil ayaw kong makita nila ang unti-unting pag-ipon ng luha sa mga mata ko.
Pero hindi pa siya tapos.
“Look at me.”
Nanigas ako.
“Look at me when I'm talking to you.”
Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko.
At agad kong pinagsisihan.
Dahil mas malinaw kong nakita ang kawalan ng awa sa mga mata niya.
“This report is pathetic.”
Tahimik.
“This is amateur work.”
Mas lalong bumigat ang dibdib ko.
“At kung ito na ang best mo...”
Huminto siya.
Tumingin siya sa report.
Pagkatapos ay bumalik sa akin ang tingin niya.
“Then you're not qualified to work here.”
Tuluyan nang bumagsak ang mundo ko.
“Sir...”
“You’re fired.”
Nanlamig ako.
Hindi ako makahinga.
Hindi ako makapaniwala.