
Lumaki si Ania sa bukid at hacienda ng mga Alcaraz—isang simpleng dalagang tinulungan ni Don Mariano na makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa utang na loob, pumayag siyang pakasalan ang apo ng Don—si Omar. Pareho silang estranghero sa bawat isa. Dahil ang una nilang pagkikita ay sa araw mismo ng kasal.
Kaya malaki ang galit at inis ni Omar sa kaniyang lolo Mariano. Dahil sa kasal na iyon.
Sa piling ni Omar, naging malamig ang mga gabi ni Ania.
Cold. Ruthless. Full of hate.
Puro galit at poot ang itinanim sa kanya ng lalaki—galit na umusbong mula sa sama ng loob ni Omar sa sariling lolo, at ibinunton lahat kay Ania. Ginawa ni Ania ang lahat upang maging mabuting asawa, ngunit nauwi lamang ito sa pangungutya at pagwawalang-bahala.
Nang pumanaw si Don Mariano, ito na ang hudyat para kay Omar na-ipaannull ang kasal. Isinumpa ang araw na naging asawa niya si Ania.
Nagmakaawa si Ania—handang magpakumbaba, basta’t huwag lang palayasin. Ngunit walang awa si Omar. Mas pinili niyang mawala ito para makasama ang babaeng tunay niyang minamahal—si Kyla.
Naiwan ni Omar ang mga gamit niya galing sa trabaho sa sala. At nakita ni Ania ang papel ng annullment. Tahimik niyang pinirmahan ito.
Lumayo si Ania… dala ang sugat at alaala ng mapait na pagmamahal.
Paglipas ng ilang taon, muling nagkrus ang kanilang landas—ngayon, si Ania ay isa nang respetadong negosyante. At sa mapait na biro ng tadhana, siya rin ang karibal ni Omar sa negosyo… at ang tanging susi para makuha ng lalaki ang kanyang minanang yaman.
Ngunit paano kung ang babaeng minsang ipinagtabuyan ni Omar ay siya na ngayong dahilan ng kanyang pagbagsak?
At sa muling pagkikita nila… sino ang magmamakaawa ngayon?
“She begged once for love. Now, he’ll beg for her forgiveness.”

