Nawala ang tapang sa mga mata ni Nadia, unti-unting kinain ng takot ang kanyang dibdib. Parang wala siyang laban sa bigat ng presensya ni Cole. Napatungo siya, hindi na nakasagot, at sa halip ay padabog na lang siyang naglakad papasok ng bahay, kahit sa loob-loob niya ay nanginginig ang tuhod niya. Pagbukas niya ng pinto, agad niyang napansin ang kalinisan sa loob. Malinis at maayos ang sala, parang bagong ayos. Isang malinamnam na amoy ang sumalubong sa kanya mula sa kusina—tila may nagluluto. Paglapit niya, nadatnan niyang abala ang dalawang tauhan ni Cole na nag-iihaw at naggigisa ng ulam. Nang mapansin siya ng mga ito, agad siyang binati. “Magandang gabi po, Ma’am Nadia,” magalang na bati ng isa, sabay ngiti. Napasinghap siya, hindi makapaniwala. " Magandang gabi din po. Bakit kay

