Napabuntong-hininga si Nadia. “Hindi ko naman kailangan magpaliwanag kay Paolo. Hindi naman kami. Pero… ewan, ang hirap pa rin.” "Eh ikaw, girl,” singit ni Jaden habang nakasandal sa mesa, “may gusto ka ba talaga kay Paolo?” Napatingin si Nadia sa kawalan bago sumagot. Napabuntong-hininga si Nadia habang nakayuko sa mesa. “Alam mo,… hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman ko kay Paolo. Matagal na siyang nanliligaw pero… hindi ko pa rin talaga masabi kung may damdamin ako sa kanya o wala. Para bang pinag-aaralan ko pa.” Tumango-tango si Jaden, nakikinig nang seryoso. “Hmm… tapos?” Humigpit ang hawak ni Nadia sa baso ng tubig. “Pero bigla na lang dumating si Cole. Nong isang araw ko lang siya nakilala at basta na lang sumulpot sa bahay ko… at ngayon…” natigilan siya saglit, nahihiyang na

