"HOW are you?" marahang tanong sa akin ni Ma'am Grace. "I've been busy these past few days." Mahina siyang natawa sa naging tugon ko. "Yeah, Hershey told me. Nasabi niya rin sa akin kung paano ka magreklamo sa kanya. Naririndi na raw ang tainga niya." Ako naman ang mahinang natawa sa narinig. "But seriously, you have to be thankful that you have projects now, Valerie." Naging seryoso na muli si Ma'am Grace. "Alam naman nating pareho kung gaano kalaki ang naging epekto ng isyu sa 'yo. It almost ruined your career. At ang mga proyekto mo ngayon ay patunay lang na may nagtitiwala na muli sa 'yo para i-endorse o kung ano pa man ang brand nila sa." Napatango-tango ako sa narinig. Malinaw kong naiintindihan ang ibig niyang sabihin sa sinabi. Baka kung sino-sinong artista lang ako, kahit t

