"OH my God, Hershey. Please. Just shut up your mouth," may halong pakiusap kong sabi sa assistant at tinakpan ang tainga ko gamit ang mga palad. Tumawa siya. "You said you missed working." Sumama ang timpla ng mukha ko sa narinig. "Yes, I missed working! Pero ngayong naririnig ko sa 'yo kung gaano karami ang hahabulin kong trabaho, parang gusto ko na lang ulit bumalik sa bakasyon ko." Daig ko pa ang bata kung magreklamo ako sa kanya ngayon. Naisipan kong itanong sa kanya kung ano-ano ang trabahong nasa schedule ko. Ngayon kasing umaayos na ang isyu tungkol sa akin, balik na naman ako sa trabaho. Pero nang marinig ko siyang magsalita tungkol sa schedule ko ay parang gusto ko na lang bumalik sa loob ng kwarto ko at maghapon na matulog. "You'll be very busy just for two to three weeks,

