SA buhay ng isang artista, hindi na mawawala ang ganitong pangyayari. Sa isang tsismis ay masyadong naaapektuhan ang buhay namin. Sa isang maling galaw lang ay maraming camera agad ang nakatutok sa 'yo at nakabantay sa bawat galaw na gagawin mo. Ito ang isa sa mga bagay na kailangang tanggapin ng mga artistang kagaya ko. Kapalit ng aming kasikatan ay ang aming karapatan para maging pribado ang aming buhay. Pero dahil mahal ko ang ginagawa ko, hindi ko inisip ang bagay na 'yon. Pagkabata pa lang ay ito na ang pangarap ko—ang maging isang sikat na artista. Kaya naman ay talagang nagsumikap ako. At masasabi kong marami-rami na rin akong nai-sakripisyo para lang makarating sa tuktok. Pero ngayon, dahil sa isang isyu na wala namang katotohanan ay tila unti-unting gumuguho ang lahat ng pinagh

